Pages

Friday, December 24, 2010

Simpleng bata.

**I've been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing so.

**This page right here was actually a blog post from my late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by the way.
Ang Pasko. Dati ang simple lang ng Pasko, naniniwala ako kay Santa Claus at nag-aabang ng regalo. Binubuo ang Simbang Gabi, naghahanda ng Keso de Bola na buong susunod na taon hindi makakaen at magtatayo ng Christmas Tree na February na tatanggalin ulit.

Ngayon. Madame na kase naglalabasan na patungkol sa conspiracy lang ang mundo. Totoo lang wala ako maintindihan dito, at totoo lang wala akong paki. Hindi ako religous na tao. Hindi importante ang opinion ko.

Sisimulan ko ang post na ito, para sana sa kalinawan ng lahat, pero alam ko naman malabo din lahat ng masasabi ko dahil wala akong alam. Wala akong ibang gustong paniwalaan kundi ang FAITH ko kay God. Hindi tao magdidikta sa kin kung ano dapat ko paniwalaan.

Ngayon, gusto nila itaboy si Santa Claus dahil akala nila masyadong pumapapel si Nicolas sa palabas tuwing pasko.

Lahat tayo inaanyayahan ni God na maging bata. Bakit? Dahil ang bata inosente, simple. Ang bata masaya para sa mga maliliit na bagay. Ang ibon, ang eroplano, sa bato, sa bulaklak. Mga maliliit na bagay na halos di na mapansin ng tao.

Hindi ka dapat mag-bata isip, kailangan mo lang maging simple, dahil ganun ang bata. Hindi mo ngayon marerealize, pero pag mamamatay ka na, magiging masaya ka na hindi naging ganun ka-komplikado buhay mo. (Hindi pa ako malapit mamatay) Pero kaya ko ito nasaasabi kase so far, masaya ako ngayon.

Sabi ko nga hindi ako religous. Pero, napatunayan ko na ng maraming beses ang faith ko kay God. Hindi sa mga pinakamahirap na paraan, pero sa  mga pinaka-maliit na bagay. Sumasagot siya, kahit anong mangyari. Mapa-OO, HINDI o LATER man.

Mahilig sa bata ang Diyos, kaya kung mapagmahal ka sa mga bata, malamang nadama ng Diyos na mahal mo din siya. At kung si Santa Claus o ang konsepto ng Santa Claus ay nakakapagpasaya ng libo libong bata sa buong mundo, selfishness ba yun?

Competition ba yun laban sa Diyos at kay Santa? Parang sinabi niyo na din na competition yun sa Diyos at sa mga cartoons, sa fairytale, sa anime? Nakakalimutan ba talaga natin ang Diyos dahil masyado tayo focus kay Santa Claus? Dahil masyado tayo focus sa traditiong Filipino?

Hindi ako natatawa o natutuwa man. Hindi dahil hindi tayo masasalba ng religion natin, deserving na nating bastusin ang mismong religion natin. Kahit ako may doubt sa religion ko, pero hindi sa paniniwala ko.

Ang tanong ko lang, bakit ang tao sobrang bilis maniwala sa mga conspiracy ng mundo? Samantalang hirap na hirap maniwala sa Diyos? Hirap na hirap masyado ang tao na ibigay ang pananampalataya nila. Ginagawang komplikado ang mundo plus dinadagdagan ang isip nila ng mga aalalahanin. Worry of the unknown.

Komplikado?

Ewan. Bahala na kayo. Mareklamong mundo. Lahat na lang ng bagay hinahanapan ng mali.

10 comments:

  1. lol natakot naman ako bigla sa'yo hehe...very kicking sa isipan 'yong 2nd paragraph (natamaan)..hehe

    pero tama ka 'wag na kasi nating gawing complikado ang lahat - kahit na simpleng bagay... ^_^


    p.s. sayang mag boblog pa naman sana ako kung sino ba talaga star ng pasko - si Jesus? o si san nicolas?...hehe

    but this post explain it all ^_^ nice one!

    ReplyDelete
  2. Natakot ka ba? Lol. Bipolar kase ako eh... salamat na-appreciate mo sinulat ko..

    sige lang magblog ka lang... okay lang yan... :)

    salamat sa pagdalaw.

    ReplyDelete
  3. alam mo yung pakiramdam ng gusto mong magcomment pero hindi mo kayang iexpress ang gusto mong sabihin. yun eksakto ang nararamdaman ko. lol.

    kahit kelan hindi ko naramdaman na kinumpetensya ni santa clause si Jetut. parang anu yun eh, bida at side kick. kumbaga, si Jetut ang bida, si santa ang supporting. kung tutuusin parehas naman ng hangarin si Jetut at santa, ang magpasaya ng mga tao. ang ipaalam sa mundo na ang paggawa ng mabuti ay kalulugdan.

    ito naman ay sa pananaw ko lamang, maaaring may point ako, maaaring wala.

    kaya nga't ayaw kong tumanda eh. nagiging magulo lang ang mundo sa point of view ko. maraming may alam at maraming hindi nagpapatalo. kaya in the end, lahat na kumplikado.

    ReplyDelete
  4. Sobrang TAMA Rose Marie!!! Nung nabasa ko nga sa blog mo yung tungkol sa pag gawa ng maganda ng mabuti na yun ang importante... gusto ko na sana idagdag sa post na ito eh!!

    ako din hindi ko naisip talaga yun!!! salamat sa comment mo...

    sobrang korekek ka!!! na lahat nagiging magulo habang tumatanda ka.. hay hirap tumanda!!!! dami mo kailangan intindihin...

    at yung word na hindi magpapatalo... nako sinabi mo pa... hay.. hindi ko alam point nila..

    basta ang importante maging mabuting tao tayo... salamat rose marie!!! :)

    ReplyDelete
  5. nice post Kamila, i like how you give emphasize on both (Santa Claus / Jesus)... thanks for sharing your thought about Christmas. :D God Bless!

    ReplyDelete
  6. Thaanks ZEB!! at salamat sa pagdalaw...

    ReplyDelete

Anong meron?