Pages

Saturday, April 19, 2014

Sinuwerte daw sa pag-ibig.


Naniniwala ako na ang love hindi pinaplano, kundi dumadating na lang, sa tamang oras at sa tamang panahon. Pero posibleh nga kaya na makahanap ng true love? Kung pwede lang eh paano kaya?

Sana kapag nakahanap ka ng true love, sana siya yung taong kaya kang mahalin sa kahit sino ka man. Yung sasabihan kang maganda kahit bagong gising ka, at yung hahalikan ka kahit puro panis na laway ka.

Sana mahanap mo siya, yung taong magbibigay ng importansya sayo, ng halaga sa pagkatao mo. Yung klase ng tao na hindi mo kailangan magbago para mahalin ka. Yung sasabihan ka ng, "You are enough!"

Kung sino man siya, alam mong hindi niya kailangan bitbitin ang mundo para sayo para mapaligaya ka. Siguro sapat na na pinapahalagahan at nirerespeto ka niya. Hindi mahalaga kung hindi niya nabibili mga gusto mo. Okay na yung napapatawa ka niya na halos umiyak ka na at lumabas na ang sipon sa mga ilong mo. Okay na yung kapag napapakilig ka niya kase paulit-ulit niyang sinasabi ng walang ka-sawa-sawa na mahal na mahal ka niya. Aanhin mo nga naman kase ang feeling ka-gwapo, eh kung harap-harapan ka namang ginagago? Sinasaktan? At pinapaiyak? Sigurado ka ba na pipiliin mo yung lalake na hindi lang ikaw ang tinitingnan, hinahawakan at hinahalikan?

Sana makahanap ka ng taong magpapalakas ng loob mo sa mga panahon na down na down ka na. Isang tao na mag-a-uplift sayo at sa self-esteem mo. Someone who won't boast about you just because you have healthy boobs and siksik butt, but rather a person who can be proud of your strength from the inside. Sana makahanap ka nga nung tao na will make you feel like you are a better person each day.

Hanggang kailan mo kaya hihintayin yung nag-iisang tao na yun na hindi ka kayang tiisin kapag nagtatampo ka? Nasaan na ba yung taong yun na handang ibaba ang ego para sayo, na handang intindihin ka at tanggapin ka sa lahat ng flaws mo?


Sabay kayong titingin sa past hindi para magsisihan, o para magdaingan ng mga pagkakamali, kundi para magrereminisce at pagtawanan yung mga ka-jologsan at kakornyhan niyong dalawa nung nagsisimula pa lang kayo.

Tapos siya din yung taong handang mangarap tungkol sa bahay at lupa, kotse at kung ilan ang magiging anak niyo. Yung tipong siya yung tao na mag-aassure sayo na okay lang ang lahat at kung hindi man maging okay, eh sigurado pa rin na magkasama naman kayong haharap sa mga problema niyo.

Alam mo ba kung paano mo mahahanap yung tao na yun? Kase ako na-figure out ko. Alam kong iniisip mo habang binabasa mo tong lahat eh parang napaka-perfect naman yata ng mga standard na sinasabi ko, at napaka-imposibleh naman kase we all known na wala namang perfect guy sa mundo.

Pero alam mo ang totoo? Wag ka magluto ng instant mami, mag-luto ka ng Bulalo!

Wag ka maghanap ng perpektong relasyon, because you will never find one. Hindi kabod eh mahahanap mo yung isang tao na gagawin ang lahat ng pinagsasabi ko sa taas. Instead, build a truthful relationship with the person you've found. We shouldn't be looking for a perfect guy or lover, yung tipong lalagyan mo lang ng mainit na tubig, wait for 3 mins, luto na. But we should take time to get to know a person and simmer a true relationship with that person, or better yet, build-up a relationship na tipong mag-best friend na.

Kaya nga siguro mali kapag sinasabi ng tao na sinuwerte ako sa pag-ibig, na sinuwerte ako kay Mayk. Ano? Wala akong participation? Si Mayk lang talaga nag-taguyod sa relasyon namin? Ganun na lang yun?

Imposibleh namang di kame nag-away within that 8 years, imposibleh namang napaka-perpekto ng relasyon namin, imposibleh naman na walang naging conflict. Nagkataon lang siguro na handa lang talaga kameng dalawa na makilala, intindihin, patawarin at tanggapin ang isa't isa throughout that 8 years we've been together. Yung tipong mga pagkakataon na ma-aappreciate mo yung mga akala mo walang kwentang quotes na, "It takes TWO to TANGO!" Lol.

Okay, ang dami ko ng nalalaman. Tapusin na natin ang kalokohan na toh. K bye.

  photo collage.jpg

Wednesday, April 9, 2014

Fulfillment.





Mga ilang araw na lang, anniversary ko na dito sa states. Di halata noh? So far punong-puno ako ng pasasalamat. At least masasabi ko man lang sa sarili ko na kahit papaano eh may na-accomplish ako bago ang unang taon ko. Thank you Lord!




Bukod sa mga accomplishment, dumating din sa buhay ko ang mga bagong kaibigan.






Hindi ko alam kung paano ko susuklian ang pagmamahal ni Lord, eh samantalang napaka-pasaway ko. At hindi ko rin alam paano ko masusuklian ang pagiging mabuting kaibigan ng mga kaibigan ko at mga ka-work.



I'm amaze how God put these people together to be a blessing to me. At ngayon naisip ko din, sana ako din. Sana God can also use me in a way na magiging blessing din ako sa ibang tao. Sana! Eh kaso nga lang sa ugali ko, parang medyo malabo. But now I realize, I should try.




After all of these, after all ng mga magagandang pangyayari sa kin dito sa California, naiisip ko pa rin na sana
mas simpleh na lang ang buhay. Na sana sa Pilipinas na lang ako. Na sana nagtatrabaho na lang ako dun sa mga medical management na kompanya dun o di kaya bilang Nurse o di kaya maging teacher. Na sana kasama ko si Mayk. Na sana nag-uumpisa na kame bumuo ng sarili naming mga pangarap ngayon.

Lagi kase namin napag-uusapan yun, na posible naman talaga mabuhay sa Pilipinas. Depende naman yun sa kung paano mo bubuhayin sarili mo. Hindi lahat ng tao naghihirap at kailangan maghirap kung sa Pilipinas ka titira.

Iba-iba kase interpretasyon natin ng masayang buhay, iba't iba ang definition natin ng fulfilled life.

Way back, I was always thinking, kung di lang pumunta sila Mama at Dadi dito, siguro buo pa ang pamilya namin. Siguro hindi kame mayaman, but I'm pretty sure we are together. Okay, sabi ko nga I was thinking about that way back pa, syempre ngayon, naiisip ko na na lahat may purpose.

Fulfillment. What are the things that will make you feel fulfilled?

Para sa kin, fulfilled ako whenever I am true to myself. Although hindi ko pa rin ma-perfect ang mission na toh. Minsan I still tend to please people and pretend.

Fulfilled ako whenever I try to accept people for who and what they are.

I feel fulfilled whenever good food is served.

I feel fulfilled when I get really drunk.

I feel fulfilled when I know I can find a reason to forgive.

I feel fulfilled whenever I have that peace and tranquility, yung tipong you know you don't need to worry because things will eventually work out for itself.

And lastly, I honestly feel fulfilled having Mayk in my life.

I don't need great wealth, I don't need a perfect grand life. I just need that simple-happy life.

Hindi naman life na parang wala ng worry sa buhay. Pero ayuko nung mayaman ka nga, wala ka namang totoong kaibigan, wasak naman pamilya mo, sabog naman mga anak mo.

Mayaman ka nga pero hindi mo naman talaga na-enjoy ang buhay mo.

Mayaman ka nga, unsecure ka naman dahil madaming gustong manloko at magnakaw sayo. Ang complicated!!!

Lagi din namin napag-uusapan ni Mayk yun, na parang gusto lang namin nung may-kaya lang. Hindi sobrang yaman, di rin sobrang hirap.

Pakiramdam ko na-dedeform yung definition natin ng happiness dahil sa dami ng mga materialistic na bagay na nakapaligid sa tin. Akala natin mapapasaya tayo ng mga temporary na mga bagay, only to find out in the end na hindi naman talaga tayo makokontento sa buhay na toh EVER. Only to find out na we had wasted a huge amount of time when we could have spent a small amount of effort to be happy just by living simple and simply living. Just by enjoying the life we have at this moment than waiting for the joy that our life to be may bring.



Pero inspite of saying this now, ang ironic, wala din naman akong lakas ng loob umuwi sa Pinas at harapin NGAYON yung simple-happiness na sinasabi ko na yan. Sasabihin sayo ng magulang mo na tanga ka kase nandito ka na itatapon mo pa ang opportunity. Nga naman. Sasabihin sayo ng mga kaibigan mo na tanga ka kase maganda ang kinabukasan dito nagdadalawang isip ka pa. Nga naman.





Ang hirap! Pramis! Sobrang hirap ng long distance relationship. May mga araw na para na akong mababaliw kase ang sakit sakit sakit sakit, at honestly wala na kong ibang magawa kundi mamilipit at umiyak habang niyayakap ko yung sarili ko sa kalungkutang nararamdaman ko. Oo, exaggerated, pero di ako nagjojoke.

And right now, I'm just getting my strength kay God, because I know no other way how to handle this. Lol. Iyak-tawa.



Pero kahit sobrang hirap, naiisip ko lagi na dapat ko pigilan ang sarili ko na maging impulsive sa pagdedesisyon. Na kailangan ipakita ko na sinusubukan ko, kase natutunan ko na toh dati, na hindi naman mareresolve ng pagtakbo sa problema ang mismong problema mo. Na wala kang ma-aaccomplish kung lagi ka susuko. Na wala kang pupuntahan kung lagi kang preno ng preno.

Just thinking about the years I need to wait to see him again, nanlalambot talaga ako. Buti na lang lagi niya pinapalakas loob ko.

Right now my goal is to be determined to finish this track, and I guess that's another fulfillment kung saka-sakali.


 photo collage.jpg

Sunday, April 6, 2014

My Blog is my Peace

I get so used talking about my life, masyadong, ay!! Self-centered! Sa work, as I take a break with my co-workers, I fly away from what their discussing, and rudely interrupt them, at ayun ang bastos lang.. I'll talk about something interesting for me o di kaya something related to me. Bastos!

I need to shut-up. I need to think about myself and talk about my self a little lesser. Eh kase naman, talagang narcissistic ako in nature, at kaya nga ako may blog para dito ako maglabas ng pagka-self-centered ko. Kaso nga, dahil hindi na ako nakakapagblog ng madalas, eh di ayun, sa mga taong lagi kong kasama nailalabas.


Susubukan kong magkwento na ulit dito sa blog! No! Not that I think my stories are interesting na kailangan ko i-broadcast sa mundo, pero yun nga, it's a way of release.

My blog is my peace. Lam mo yun? It is someone who listens to everything and just accepts everything I am with no judgement. Whatever I am in the past and if ever I change in the future, it feels good that I have something that will fully accept me. I mean, second pa rin kay Mayk, kase si Mayk 4D nararanasan lahat ng imperfections ko at tanggap pa rin ako. Pero yun nga, I will probably regret the things I posted and will be posting in the future, but if I have a blog that had helped me reflect my life at alam mo yun, tinulungan ako maging mature kahit naman papaano, well I wouldn't regret in a million years setting this blog up.

 photo collage.jpg