Overload of preparation guided by our professor in research was a total blur. Sobrang fast phase! Taranta mode, literal! And on the day of the research forum itself, hindi ko na rin sure kung paano na nga ba nagsimula at nagtapos ang lahat.
All I can practically remember is that mangiyak-ngiyak ako sa tuwa sa part kung saan binobola na ako ng mga panelist, at sa bawat bola na yun may katumbas na hiyaw at palakpak sa upper left wing ng kwarto kung saan kame nagppresent. (Nandun kase nakaupo ang mga bibo kong klasmeyt).
Sa isip-isip ko, OMG, sigurado may "BUT" yan sa huli. Ganun na lang kababa ang tiwala ko sa sarili ko nung mga oras na yun. Alam ko naman kase, malaki din ang weakness ng aming study, or it's just that I assume that there are always billion of people better than me.
After all of it, masaya akong nagtapos, nilingon ko yung buong room, mukhang masayahin naman silang lahat. Pumunta na kame ng ka-group ko sa pwesto kung saan nandun mga klasmeyt ko. On my way through, I notice everyone keeps on congratulating me. Anong meron? I thought for a sec there na maybe it's because we just finished presenting at sa wakas tapos na ang study namin! (*patay malisya kunyari*)
I just sat there and said to myself, "whatever, hayy salamat.. tapos na toh kahit papaano.." Nararamdaman ko na lalaki ang ulo ko sa mga susunod na mangyayari. The teary-eyed part is that the long awaited smile from my research professor was finally there!!! I mean, masayahin naman ang professor ko na yun, but then wala lang, sabi ko nga, hindi ako ganun ka-confident sa study namin, nandun lang yung takot ko na baka hindi ko mabalik sa kanya lahat ng nabigay niya sa group ko. (Nanggigigil na nga yun sa kin dahil ayaw daw niya ng ganung attitude ko, ang nega ko daw kase!)
So anyway, she approached us and gave us that smile and the assurance na sobrang we did well daw on presenting the research *flattered at in fact, na-hydrocephalus ako..* Daming hangin pumasok sa ulo ko. Ngunit nandun pa rin yung suppression at yung perception na hindi ako mag-aassume.
Umuwi na ako after lunch at na-comatose. May tulog naman ako nung mga nakaraang araw at gabi, ngunit feel ko lang maglumpasay sa kama after all I've been through the whole morning. (P.S. sa ibang bahay pa ko na-comatose at take note naka-gala uniform, stockings, with full paraphernalia, at naka-boknay na hair pa ko.. *yung suot ko sa picture sa taas*)
After 2 hours, akala ko bumalik na yung may-ari nung kwarto (boarding house kase yun), pero wala pala. Ang sakit sa mata dahil naka-contact lens pa din ako. Inabot ko yung cell ko at bumalandra sa message box ko ang "CONGRATULATIONS! 2nd placer kayo!!!"
Akala mo nag-sink in? Hindi. Walang spark. Pumikit ulit ako, pero narealize ko na naiihi ako, kaya tumayo ako, naglakad sa hall ng boarding house papuntang cr. Pabalik, nakasalubong ko yung ka-boardmate ng klasmeyt ko. "Ate, di ba 4AA ka?" "oo, bakit?" "Congrats! Di ba 1st runner-up kayo??" "oh? (hindi ko nag-gets agad kase di ba sabi sa kin 2nd placer) ahhhh! kase may champion talaga yung lalaban sa university research.. tapos kame 1st runner up after nila?"
Lol. Hindi ko sure kung tama ba pagkaka-interpret ko dun, pero mukhang tama naman. Anyway after nun, medjo hard to get ang brain barrier ng utak ko (malamang utak, brain nga eh), ayaw pumasok, ayaw pa rin mag-sink in. May suppression na nagaganap.
At dahil feeling ko nung mga moment na yun na obligasyon ko na magyabang sa facebook, kahit di ko pa-mafeel talaga na winner na kame, eh dali-dali naman ako gumawa ng mala-tele-novelang status. Ang saya, daming nag-comment... ayan na.. unti-unti nang nagsisink-in sa kin ang katotohanan!
2nd PLACERRR kameee!!!!! <3 Ang bipolar ng dating.
Hindi nga, yung totoo, ako ay punong-puno ng kagalakan sa na-achieve namin sa nursing research forum na ito. Sobra. Sobrang di ako makapaniwala, ang confident ko daw kase habang nagppresent. Sinapian yata ako ng spirito ni Ma'am Mejilla (yung research prof namin) habang nagppresent. Tapos na-praise din kase ang manuscript namin at ang presentation namin, hindi lang daw kase kame basta nag-babasa ng presentation, nagdidiscuss daw talaga kame. Ayun... halata namang dalang dala ako sa pambobola ng panelist eh.
Ngunit, isa din talaga sa mga dahilan kung bakit feel na feel ko tong pagkapanalo ng study namin, kung bakit ang saya saya ko, trulaloo, siguro it's because na-uplift ko kahit papaano ang aming section. Sorry, hindi ako nagyayabang dito. Naisip ko lang kase, kung nagkataon nasa section A ako (kung nagkataon lang naman), at nanalo kame ng ganito, I wouldn't know anymore how special it would be since being in a pilot class, lahat naman talaga would expect na one way or another, mapipili at mananalo ka, so nasan ang thrill dun?
"Wow, 4AA."
Yung attention na natanggap ko ng dahil ako ay isang 4AA, yun ang pinaka-special na pakiramdam sa lahat. Yun ang nagparamdam talaga sa kin na hindi lang kame 2nd placer kundi isa itong malaking achievement na nangyari at the right time and at the right place. I mean, paano kung hindi naman talaga ako umalis ng bansa? Paano kung hindi ako bumalik? Paano kung napunta ako sa regular na class? Malamang sa alamang wala rin ang lahat lahat ng ito. So I'm thankful!!! Lahat talaga ng nangyayari sa buhay natin may dahilan, may purpose at isa ito sa mga ebidensya
Ngayon, gusto ko lang pasalamatan ang booster talaga ng study na ito na kung wala siya eh wala din naman talaga kame. Salamat Ma'am Mejilla, salamat at siya ang na-assign para sa section namin. Sobrang fortunate talaga sa pagkakataon. Syempre sa isang novice na katulad namin, eh bulag ka talaga sa katotohanan kung paano nga ba talaga mag-research, di ba? But she provided enough guidance sa klase namin (kasama na syempre dun yung special power niya..na mana.... este.. mag-motivate...hehehe) para matapos namin ang research namin! :)
Basta, sobrang thankful naman talaga kame (ako) sa prof kong ito for lending us this opportunity. Thankful sa tiwala nya sa aming study at sa akin, kahit alam niya ang weakness ko bilang group leader.
Perseverance.
Sa huli, at alam ko naman na napaka-haba na nito, ang pinaka-superlative talaga sa lahat ng na-achieve ko from this experience is not the status of being the 2nd placer, hindi rin yung fact na magically biglang kilala na ako ng mga clinical instructor namin, hindi yung recognition eh, kundi yung fact na sobrang nag-level up talaga ang SELF-ESTEEM ko. :) Isang bagay na hirap na hirap akong palaguin sa buhay ko. Weeeeeeeeh! Ang saya.
Actually, now, I know I have the right to boast... pwedeng pwede kong buhatin ang sarili kong bangko, pero mas pipiliin ko na lang sabihin na, I'M PROUD OF MYSELF, ganun na lang, tingin ko mas katanggap-tanggap yun :) kumbaga pa-humble effect.
Lastly, I would like to dedicate ang lahat lahat ng happiness na ito sa aking mother, father, at mga brothers na gwapo. Sa aking mga klasmeyt dati, Section K, bacth 2011. At kay Mayk. :) Happy. Happy. Happy.
Thank you Lord for all the wonderful blessings. <3
Yun lang.
**********




.jpg)


