Pages

Wednesday, December 19, 2012

So you're telling me AMALAYER?

Di talaga ako sure kung naging topic ko na toh dati. Malaking probability na oo, maliit na possibility na hindi.

Alam ko naman sa sarili ko na may mga moment ng kaplastikan ako, I know for a fact na hindi ako perpekto. Pero kailangan ko isulat toh. Hmmmm... (** Kailangan talaga nilalagyan ko na ng disclaimer tong blog ko eh. I mean, whatever na sabihin ko o isipin ko o paniwalaan ko ngayon, pwedeng magbago, kase nga people change and change is the only constant thing in life.**)

Lol.

Anyway, mabalik tayo sa topic ko today, kase nga ang topic ko ay pagiging TOTOO...

Familiar ka ba dun sa quote na "One lie gives birth to another.."? Na kapag nagsinungaling ka kailangan mo dugtungan ulit ng isa pang kasinungalingan para magmukhang reality. Tapos maya-maya kailangan mo pa ng more evidence para maitago yung katotohanan na it's all a lie!! Chos.

Hanggang sa ang dami dami mo na kailangan sabihin para lang masabi mo na totoo talaga sinasabi mo kahit hindi naman talaga totoo ang mga yun. Hirap na hirap ka itago yung katotohanan na kasinungalingan lang pala ang lahat ng mga sinasabing mong totoo at nag-pramis ka pa cross your heart na hindi nga maniwala ako na totoo yun.

Out of one lie nakagawa ka ng telenovela, biro mo yun? Na sa huli parang di ka na talaga sure kung ano ba talaga yung joke at ano ba talaga yung hindi, ano na nga ba ang real. Jan ka pa? Na minsan nga napapaniwala mo na nga mismo yung sarili mo na yun kasinungalingan eh yung totoo at yung totoo eh yung kasinungalingan. In short hindi na yung mga tao sa paligid mo yung niloloko mo, kundi naglolokohan na kayo ng sarili mo

Ayun, in short, nakakapagod, kase nga kailangan mo tapalan ng tapalan ng tapalan ng tapalan ng bulkasil yung bubong mo.

Nung na-realize ko na super effort at heavy duty magsinungaling, tinamad na ko gawin yun. Kaya as of now, hindi ako ganun kagaling magsinungaling, kahit kailangan na kailangan ko na magsinungaling. Or siguro naging mas madali lang talaga para sa kin ang magpakatotoo. Oo, plastik ako paminsan minsan, pero hindi most of the time, as sinisigurado ko hindi ako mag-fafall sa level na parang may Schizopreniang pinapaniwala ang sarili sa hindi makatotohanan. Madali magpakatotoo, kasing dali ng paghinga.

To what I had experienced, minsan hindi mo naman talaga mapapansin na mapag-gawa ka na ng kwento eh. Hindi mo naman mapapansin na ang dami mo ng kwentong nacomposed. Sa isip mo mapapaniwala mo talaga sarili mo na nangyari yun. Kaso nga lang, faught back sayo niyan eh minsan pag tinanong ka ng same question, iba na sagot mo, iba iba na. At minsan din, hindi ka na reliable acquiantance.

Totoo, ayuko ng mga taong pa-impress, pahangin. Mayabang pero walang maipagyabang. Sabihin mo na sa kin lahat ng kabahuan mo sa mundo, maaapreciate pa kita. Kaysa papaka-perpekto ka sa harap ko tapos hanggang dun lang pala. Joke lang pala na may behind the scene. Kala ko may free-pass na ko sa backstage ng Parokya ni Edgar. Nakaka turn-off! At madali ako ma-turn off once nalaman ko na total opposite ka pala ng mga kino-koda-koda mo sa kin.

Hindi ko sinasabi dito na kailangan mo ko iimpress o di kaya i-please, sinasabi ko toh kase gusto ko lang itawid ang point ko. Madali ako ma-impress at bumilib sa mga tao. Masaya makakilala ng iba't ibang species at homo sapien sa mundong ibabaw. Magugustuhan kita as long na totoo ka sa sarili mo, period! Wait nga, yun nga, sabi ko nga, hindi ko sinasabi sa post na toh na kailangan ako i-please o whatever. Kung sinungaling ka at yun talaga ang nature mo, try mo magpakatotoo hindi para sa kin, hindi para sa ibang tao, kundi para sa sarili mo.

Isipin mo na lang buong buhay mo gawa-gawa ka ng kwento, ay.. speaking of buhay, sure ka na ba talaga na nabubuhay ka? As in now? Buhay ka? Kase kung buong buhay mo joke time, may panahon ka pa magpakatotoo.

Hindi nga, seryoso. Masarap magpakatotoo, biruin mo, may privilege ka na maging ikaw, para kang may sariling brand ng pabango o di kaya sariling brand ng damit. Suotin mo ang sarili mo! Magpakatotoo ka! Maging unique ka! Or sa ngayon hanapin mo muna sarili mo kung ang tagal mo ng nasa lost and found. Ang sarap magpakatotoo. Parang security questions lang yan pag na-lock out ka sa yahoo mail mo, hindi mo na kailangan mag-effort sumagot kase yun ang fact at yun ang totoo.

PS: May pagkakataon na mahirap magpakatotoo, may mga pagkakataon na kailangan mo magsinungaling, pero use those actions wisely, wag hayaan maging wow mali ang life.


**********

Friday, December 7, 2012

Molestya

Nagsimula yun nung may makita akong rubix cube sa isang tindahan, kinuha ko siya tapos maglalakad na sana ako palayo pero bumalik ako, tapos nilapag ko yung rubix sa original na pwesto niya. Hmmmmm.... Nakita pala nung nagtitinda mga pinag-gagawa ko. Parang may temptation na kailangan ko talaga laruin yung rubix, parang bored ako sa buhay ko at yun lang yung magpapasaya sa akin at the moment. Tapos tinitingnan pa rin ako nung tindero. Sabi ko naman, hello? Di ko naman nanakawin toh! Parang iba yung mga words na ginamit ko, parang di ko sure kung Tagalog ba yun, English, Chinese o kung ano mang dialect, pero sure ako na yun lang ang ibig kong sabihin sa nabanggit ko.

Hmp, nakatingin pa din yung tindero, kaya sabi ko, OKAY FINE! Nakita ko yung isa sa mga naging super close ko lately, sabi ko sa kanya, pahiram muna.. P45.00 yung rubix eh, babayaran ko na lang later.

Walang katao-tao dun sa tindahan (parang convenience store yung dating), dere-derecho yung friend ko sa cashier. Bibili pala siya ng makakaen. Tapos sinimulan niya kumuha ng dalawang malaking baso, tapos may bote ng dalawang softdrinks na parang 1Liter ang dating, isang Royal, isang Sprite na nandun na mismo sa may cashier. Parang vending machine yung dating nung dalawang bote, pindutin mo lang yung tuktok, lalabas na yung softdrinks. Nakakaakit. Gusto ko din. Mukhang malamig.

Kumuha din ako ng baso, at humingi ng tulong sa friend ko para lagyan niya. Royal na lang pinili ko, ayuko ng sprite. Tapos self-service pala dito. Ikaw magpprito ng sarili mong hamburgers, tapos ang papangit naman ng utensils,  di ko like. Kaya nilapitan ako nung tindero, sabi niya siya na daw magluluto. Mukhang ang sarap! Grilled yung burger, toasted ang bread, may itlog, may gulay, gutom na ko.

Pero parang yung tindero kanina ko pa napapansin, lapit ng lapit sa kin, tapos hawak ng hawak. Parang nung una joke joke time pa, pero paulit-ulit na, tapos parang nangmamanyak na siya, at natatakot na ko. Binabantaan ko siya na ipapakulong ko siya, na mamamatay din siya, na may witness ako.

Tapos.....

Nagising ako.. humihingal.. natatakot... tapos napatanong ako sa sarili ko.. bakit sa panaginip ko hindi na lang ako tumakbo palabas nung tindahan?

Nakakainis naman kase eh, maluluto na eh, takam na takam na ko. HAHAHAHAHA! Hinihintay ko pala yung burger at malamig na royal. Lol. HAHAHAHAHAAH!

**Gutom na gutom na ko na yung pagkaen napapanaginipan ko na.. hahahahaha. Wala lang!


**********

Tuesday, December 4, 2012

Hyper Wednesday

Napansin ko nakalimutan ko na magblog. Napansin ko din wala ng dumadalaw. Napansin ko din na na-broke ko na naman ang promise ko na hindi na ako titigil magblog. Pero technically hindi rin. Hindi rin naman ako tumitigil. Palihim lang. Patago. Sorry naman. May ganito yata talaga akong phase kada taon.

Pero napansin mo hindi pa ako nagbubura ng blog? Napansin mo hindi pa ako nagpapalit ng site? Biruin mo yun..? Tingin ko kailangan mo ko i-congratulate.

Napansin ko sobrang irregular ng bowel movement ko. Kailangan ko talaga i-share toh. Alam mo yung, maghihintay ako sa umaga para dumalaw ang sakit ng tsan.. para makapaglabas ng sama ng loob. Uminom ng kape, kumaen ng umagahan, oo ginawa ko. Pero hindi pa rin. Ni-utot wala. Tapos pagdating ko sa work.. tsaka naman nak ng teteng.

Ano ba makwento ngayon?

Samantalahin ko na magkwento. Habang hyper pa ko. Uminom kase ako ng kape. Ang galing! Ngayon ko lang nalaman na pwede ka pala magtimpla ng kape kahit walang mainit na tubig. Nice! Yung mga instant na kape ang tinutukoy ko ha? Hindi yung mga barako...

Kung gusto mo matuto.. ganito yun. First, isalin mo yung instant coffee sa baso mo... tapos lagyan mo ng kapiranggot na tubig, mga 5mL. Tapos haluin mo ng haluin ng haluin ng haluin ng haluin. Mga 5 - 10 minutes siguro... mabilis, yung parang nagbabati ka ng itlog. Ayun, okay na siya, tunaw na yung coffee tapos pwede mo na dagdagan ng tubig.. pwede mo rin lagyan ng yelo. Hahahaha.. Pero kung alam mo na pala toh dati.. disregard mo na lang na tinuro ko.. at magpatuloy magbasa sa mga susunod na walang kwentang mga talata...

SO anyway, yun nga so hyper today kase kagagaling ko lang sa work, graveyard kase ako... tapos uminom akong isang tasa ng malamig at may yelong kape na hindi ko ginamitan ng mainit na tubig, tapos nakadalawang kwek-kwek ako na binili ko sa Quiapo na dapat talaga tig-isa kame ni Mayk pero na-disappoint ako na wala naman pala si Mayk pag-dating ko kaya na-isipan ko na kainin ko na lang pareho.. pero nung kinain ko na-disapoint ulit ako kase hindi pala masarap yung kwek-kwek dun sa may Quiapo.. yung ang nagtitinda eh bading at naka-pwesto siya sa tapat ng Jollibee at high-blood siya kase 26 pesos talaga sukli ko, pero 24 lang binigay niya.. kaya sabi ko.. "26 po dapat", pero sabi niya, "kaya nga sabi ko wait lang di ba?" at sabi ko naman with smiling face para di na siya magalit.. "sorry naman di ko narinig!" at yun nga.. basta in-short di masarap.. nakatikim na ko ng maraming kwek-kwek kase isa yan sa paborito kong street food.. Ang pinakamasarap na kwek-kwek so far for me eh yung nasa Taft Buendia, yung nasa malapit sa footbridge na katabi ng chowking dun.. Ayun. Tapos highblood talaga ako ngayon sobra.. ewan ko kung bakit.. baka PMS na naman toh. Kase pagsakay ko sa jeep, nakasimangot na ko.. tapos yung ale nasasanggi yung tuhod ko ng mabuto-buto niyang mga kamay, tapos highblood na ko nun, eh hindi naman sinasadya ni ate di ba..

Wew.

Whatever. May ma-iblog lang eh noh?

**********

Saturday, November 24, 2012

You and I have to Accept the Fact that We're Individuals.

Imagine, there are millions and billions of people in this whole wide world, and everyday you get to interact with these individuals. You don't get  to know everyone, but sometimes you bump at several people on your way to work, sit beside a few passenger in a jeepney and at some point in time you are polite to all of your acquaintance.

I'm sure in your life, you already met someone you really really really hate, like you're thinking, "Why the hell is this person brought to life?". You had maybe fought with another person and until now you're not in good terms with him or her. Sometimes you'll go to your friends and recite all of your hatred, your unluckiness, all the self-pity you got and what's not.

We're like a bunch of grass in this big wide field. We're a lot! A lot a lot! And to even think you and I are just staying in this little portion of the earth. Knowing this, you have to set your expectations. Not every person you meet in your damn life will be perfect enough to fit your every perspective. You will never be able to please everybody! One way or another you're gonna hate someone and someone out there will have to hate you.

Everyone is unique, that's why we call ourselves INDIVIDUALS. We may walk a similar path, but still, it will be a totally different journey, it will produce a totally different story. Everyone have their own good or bad attitude, own principles, own beliefs and so on and on and on. Coz! We're INDIVIDUALS! We get to copy other people because we're to lazy to be unique, but still, we're individuals!

And you and I have to accept that fact! If you're gonna continue hating people for what they do, if you're gonna continue changing yourself or copying other people for the sake of pleasing everybody, then what good does it do? It's a waste of time!

That's why whenever someone quarrel inside the train for the particular reason that she was bumped by another person, I think, 'why the hell are you riding the train lady!'. Or if I'm in Divisoria and another person is complaining how bunch of people are lurking in there and it's pissing him off, I will go, 'go to SM dummy!'

Like, we expect so much, that the people around us and the surrounding we're having will always compliment and will always be what we expect it to be. But sometimes, it's just NOT! And we waste our time dealing with those circumstances which in reality does not help us grow or help us learn even a pinch. We just deal with the nothingness and the ego inside us that we should be treated right and within our beliefs.

Life gives you the unexpected. And you have to deal with it in a way that you will grow. Deal with it in a way that the people around you can grow. And finally, deal with it being your own true self.

People may be unkind, just be kind 
 They may cheat, just be honest 
 They may forget your deeds, just do good.
**********

Sunday, November 18, 2012

Career path.

I chose this career because I love her. I want her to be happy. I don't like it, not a pinch, but I want her dreams to come true. You'll get this common reason why most nursing student choose their career on the first place. Most parents think big money poop out of it. Some maybe want the best for their kids. In her case, it's her dream and I have to continue that dream. I'm not a good student, but, at least I never failed any subjects throughout college. Four years I studied, and yet I feel that I only had a glimpse of everything and this is base on what knowledge I'm still carrying on right now (or if I'm carrying any). Don't blame me, I tried my best to be interested.

Yes, what made me continue the last 2 years of my study is the fact that I fell in love (not deeply in love though) with the career along the way. This is a profession. It feels good holding on on that diploma that says you are on the top than most. Nursing is a very wide career path. Sometimes I feel that you can be anything in this career. You know a variety of things that other people don't know and it's a precious feeling.

I didn't had a hard time asking for money from her, but the difficult part of it is accepting the words she have to say every after giving me my allowance. Nursing is not a joke. Paying for the tuition fees is not a joke. After a student graduated, you still have to give out money to pay for reviews to pass the board exam, pay for trainings and seminars prerequisite for a hospital application, and still shed out a lot of money for allowance since volunteering opportunities is the nearest point next to finding a job (at least here in the Philippines).

And now I'm carrying the burden to continue this path, along with the fact that she wants me to be independent. She's tired. She's asking for a time table on how long will she need to support me and my needs. And I felt embarrassed at the moment knowing that there are people same my age earning money and feeding themselves and even their family right at this very moment.

Crap.

For me, she, asking me to be independent, is like she, asking me to continue what she had started. Like, I'm not the boss of this career. I chose this because of her. I'm doing this because of her. I'm not doing this for myself. If she wants me to be independent, then I'll go my way, I would really go as far away from this career and do what I've been wanting to do since I graduated high school. I would be a teacher, or a painter, or a writer.. which for everyone's information is what I sacrificed just to follow what she wanted.

Crap, again.

No, I will not be the bad guy. I will still continue to keep this profession. But, I will be more submissive on my dreams now and on what I really want to do with my life. I will keep my hopes high on finding a medical related job when I get back in California. Whatever happens though, I will not let this career hinder myself anymore on doing what I really want to do all my life. She wants me independent, well this is me being independent.


**********

Saturday, November 10, 2012

What I've been doing...

Updates:

I made my multiply account since high school, and since then it was a very good site for me. I kept a lot of memory on it. I made it my hidden chronicle of narnia!!! And now they had decided to close it for good!! WTH! As to what I understood, they will make a buy & sell kind of site out if it, like an ebay! They told the multiply users that they can download their pictures and blog posts out of multiply by using that master downloader thing until December 1, 2012! And ONLY until DECEMBER 1, 2012! But the downloader doesn't work, or at least I can't make it work! After clicking that icon for that downloader, a message will appear stating, "Pending for page to finish." To be reasonable, I waited almost an hour before I clicked it again, but yes, same bullshit.

I gave up trying and I started downloading the pictures manually on my own. Anyway, until now, I'm far from hoarding all the pictures back to safety and I'm getting a headache. But I'm on it. Like I can stop them from closing the site anyway.

So, I've been busy training for a job. I feel happy with my decision to apply for this work even if it's the same industry I had last time. I love the training and honestly I love it better than my training on my previous company. I didn't blog for some days because I'm focused on my goal to pass our communications training, and I can't blog because I can't think of anything other than this. But now that I had achieved my goal of passing out of it, I feel better talking about what I've been doing. Though I still need to continue improving in regard to my speaking skills, language, and grammar, but it's a breather for me to finally pass!

So there, you can criticize this post anytime you want, and I'll be glad to accept it.

Of course, one factor that makes training enjoyable is meeting new people.


I met a lot of people here that really inspired me to be independent. I had realized that I've been dependent to my Mom's money almost 100% of my life, and here are these people same my age earning money early on with their lives.

And I feel good about meeting a lot of people and being in good terms with almost all of them at the same time. I feel good knowing that I'm not trying to impress anybody here and I'm just doing my best because I want to improve.


In between my training days, I still have opportunities to meet-up with some college friends.


You know how setting a date with your old friends can be frustrating sometimes? Since it tend to be cancelled or whatever? Well, a biglaan strategy works for us! And tadaaan! Instant meet-up and bonding with friends!

So there. Chao.

**********

Saturday, October 27, 2012

Bonding, Pizza and Jogging

October has gone so fast for me, ito at mag-All Soul's day na ilang araw na lang. It was such a blessed month dahil nga natanggap ako sa work and also maraming beses ako nabigyan ng pagkakataon na i-meet up ang mga friends.

Last October 17, wala kameng pasok kaya nagkaroon ako ng chance to have a short bonding with college friends. We ate pizza and pancit canton and I almost forgot na meron pala akong pasok kinabukasan, kaya hindi naging possible na mag-stay overnight dun sa bahay ni Keng. But we had fun to the tune of Gangnam style, tinuruan ni Jep at Ace kameng dalawa ni Lolay paano yung step. We also had the chance to talk with Joy na nasa Singapore sa kasalukuyan.

Ace, Keng, Jep, Me and Lolay
Same old, mukha pa rin akong bata sa paningin nila at same old pinagtatawanan pa rin nila ako sa mga ka-clumsyhan ko sa buhay. Same old, still wishing na sana mabuo kame ngayong pasko! Waaaaah! Excited ako!



Then, last weekend naman Oct 20 and 21, super naging busy din. Sinulit ang rest day. Saturday night videoke bonding with Maykel's family na may kahalong higanteng Pizza. Fracasso Pizza! Ang sarap infairness at ang mura! Super crave din kase ako sa Pizza whole week dahil yung pinapanuod ko na dinownload ko, yung DARIA, lagi sila kumakaen ng pizza dun.

Joize and Me and Fracasso Pizza!


Tapos by Sunday, grabe ang pagod ko. Nagpunta kameng Luneta. Sila nag-badminton, ako tumakbo. Nakakahiya man pero 15 minutes lang ako tumakbo, pero okay lang, na-miss ko tumakbo eh, kaso hindi kaya ng katawang lupa ko. Anyway, ayun after ko mamawis sa Luneta eh nag-Divisoria kame. Wala akong binili, pero sila may binili. Gusto ko na talaga umuwi dahil nga amoy pawis na talaga ako at umuulan-ulan pa sa Divisoria (at wala kase akong planong bibilhin kaya hindi rin ako makapamili ng kahit anong gusto ko). Anyway after nun, nag-Quiapo pa kame at dumaan sa simbahan. Hapon na rin kame nakauwi nun, pero natuwa ako dahil productive ang araw ko.

Luneta with Maykel's family

Anyway ayun na, last week pa yan. Tinamad lang ako magkwento. At ngayon nag-eemo-emo ako dahil miss ko na ang family ko and I am wondering kailan ba kame mabubuo ulit. I'm happy to spend my days with my friends and Maykel's family, pero sana dumating din yung day na pwede ko din i-spent ang mga araw ko with my family.



**********

Friday, October 26, 2012

Choo chooo!

Parang That's Entertainment sumakay sa PNR. Alam niyo yung PNR? For sure alam niyo dahil di naman kayo ganun  ka-bobo katulad ko. Pero assuming na hindi niyo alam, yun yung original na tren bago pa man natayo ang mga LRT at MRT. Yun yung nababalitang kapag sumakay ka eh may possibility at probability na may magbabato ng plastik na may ihi, tae at kung-anu-ano sa tren, tatama sa bintana at sasapul sa pag-mumukha mo. Partida pa yung may plastik kase nabalitaan ko na minsan din daw may nagbabato din ng hindi nakabalot, dine-in?

Pero anyway, iba na ang PNR ngayon. Nalungkot nga ako na ngayon ko lang nagamit ang transportation na 'to dahil super cheap at super afford ng budget kong pulubi ang pamasahe. Aircon na ang PNR ngayon, pero may mga dumadaan pa rin paminsan minsa na lumang tren na walang aircon at kada sumasakay ako dun feeling ko kabilang na ako sa kasaysayan.

Parang LRT din, bibili ka ng ticket, maghihintay ng tren, may pang-babae at may pang-lalake, may yellow line na hindi mo pwedeng lagpasan at higit sa lahat, block buster din.

Kapag nakasakay na ako sa tren at alam kong may dadaanan pa kameng isa o dalawa pang station na madami ding sumasakay, napapa-lutang na lang talaga ang utak ko kung sa paanong paraan pa ulit nagkakasya ang sang-damakmak na tao na yun sa punong-punong tren na sinasakyan ko na. Alam mo yung tipong hindi mo na kailangang kumapit sa hand rails kase yung mga katawan at shoulders niyong lahat dikit na dikit na, siksik, parang sardinas (mas maluwag pa nga yung sardinas na nasa loob ng lata).

Kapag ganito na ang situation, maririnig mo na mga reklamo ng mga may edad sa loob ng tren, tungkol sa wag manulak o di kaya yung mag nasa labas na maluwag pa daw sa gitna, pumasok pasok naman daw ang malalayo pa. Yung iba naman natatawa na lang.

Hindi ako nababadtrip sa mga ganitong situation, totoo lang masaya pa nga ako habang nag-mumuni-muni kung anong mga virus at germs na kaya ang nababaon ko araw-araw mula sa nag-gigitgitan naming mga katawan. Pero ang kina-babadtrip ko eh kapag may sumasakay na LALAKI sa kotse ng tren na pang babae lang. Malinaw naman di ba? Kapag ba sa restroom pumapasok ka sa pangbabae kapag wala ng space sa men's room? Di naman di ba? May one time pa may mga naka-uniform na pang-sundalo dun at pulis. Parang, hello? Ewan ko kung nag-dadamit pulis at militar lang sila,  pero kung ano man sila, LALAKI sila! Siguro naman may logical na dahilan kung bakit pinaghiwalay ang tren para sa kapwa lalaki at babae, di ba? Hindi lang naman basta isang araw na-isip ng authoridad na, "okay trip-trip lang! paghiwalayin natin ang mga babae at lalaki sa tren kase feel ko.."

Sige na nga, as long na Senior ka, as long na may extremities at malalang disabilities ka, as long na may dala kang maliit na bata, malamang? Pero kung tuwid naman ang katawan mo at walang kulang-kulang sayo.

Anyway..

wala lang... nakwento ko lang. Panuorin mo na lang toh:



**********

Saturday, October 20, 2012

Hmmmmmm....

gif maker


Moments when you can't find the words to share your feelings...

**********

Monday, October 15, 2012

Impulsive meet-up



Busyng busy ka.. busyng busy ka.. type type type.. takatik takatik takatik! Sige! Sulat lang sa blog! May karapatan ka! I-burst mo lahat ng nararamdaman mong saya,  ligaya, galit, at pagkayamot. Anyway, sino ba may paki kung ano isulat mo? May karapatan ka in anyway na i-express ang lahat, may magbasa man o wala.

Here comes ang mga ilang taong katulad mong walang ding magawa sa buhay.. o baka organize lang talaga silang mga tao kaya in between sa mga busy life nila eh nagagawa pa nilang basahin ang mala-telenovela mong post na patungkol lang naman lahat sayo. Bumibisita sila sa blog mo para magbigay ng kuro-kuro at opinion, muni-muni, at kung ano mang testamento tungkol sa naramdaman nila sa mga moment na binabasa nila ang mga walang patutunguhan mong post. Wow, sila na. 

Alam mo na ang hugis at angulo ng mukha nila dahil sa mga paminsan-minsan nilang post ng munti nilang picture sa blog nila. Alam mo na laman ng utak nila, dahil sa mga madalas na topic na laman ng mga post nila. 
Feeling mo mas close pa kayo nung mga blogero na toh kumpara sa mga kapitbahay mong ilang dako lang ang pagitan mo sa araw-araw. Feeling mo close na kayo dahil halos nabasa mo na ang mga madalas at minsan na nararamdaman nila, mga napagdaanang sakit, mga experience na hindi nila malilimutan at at mga experience nila na hindi mo alam kung pagtatawanan mo ba o kaaawaaan.


Gulat ka nung una mo silang nakita, na-meet ang expectations mo. Kung ano itsura nila sa madalas at minsang nilang mga pictures na nakikita mo, ganun nga ang itsura nila! Lol! Hindi mo alam kung sa una niyo bang pagkikita eh magrerent kayo sa netopia para i-blog lang na nagkita kayo. Oo, OA lang. Sa mata ng iba, mukha na kayong matagal na magkakakilala. Pero ilang beses niyo ba tong pagkikita? Una? Pangalawa?

Sa una niyong pagkikita, ano ang una niyong gagawin?
Maglalaro sa World of Fun ng ibang version ng dance revo na hasler sila pero ikaw hindi?
Kakaen sa Jollibee dahil sila gutom at ikaw hindi?
Pupunta sa washroom dahil ikaw naiihi at sila hindi?
Maglalakad at magpapakaligaw sa Ortigas dahil nangunguna ka sa daan kahit sila talaga may alam ng daan?

Ano ba?
Iinom kayo sa isang bar na walang ibang paraan para mag-usap kundi sumigaw dahil masyadong nakakabingi ang tugtugan?
I-try maglakad mula Ortigas hanggang Shaw para maghanap ng medyo peaceful na lugar para mag-usap?
Mabigyan ng Menu kahit 90% ng nasa menu ay hindi naman available?

Whatever.

Basta kame, impulsive decision! Nagkita. Walang idea kung ano bang lakad ang gagawin. Ganun lang. Simple lang. Masabi lang na nagkita, **joke! Masaya... mas naging interesado ka na sa mga tao na toh na parang may konek ka na sa kanila na wala naman noon nung hindi pa kayo nagkikita. May pagkkwentuhan na kayo sa susunod na magkita-kita ang mga blogero na hindi makaka-relate ang mga bagong sasama. Lol.

Mj, Pablo, Al, Rap, Jaid & Cheenee, sa mga nakakita sa akin sa unang pagkakataon, ayuko sana mag-sorry dahil sa kailangan niyong makita ako sa ganitong state ko... pero... sorry na...



May resemblance di ba?

Lol.

Whatever ulit.

Ang masasabi ko lang.. sana maulit muli... at sana sa susunod may plan of activities na tayo, para hindi nauubos yung oras natin kakalakad sa kabuuan ng Ortigas. Salamat!

**********

Friday, October 12, 2012

It's not about forcing HAPPINESS. It's about NOT LETTING SADNESS win!

Ilang araw din ako depress. Parang laging self-pity kahit hindi naman dapat. Pero, kahit na total opposite maging malungkot dito sa blog [dahil nga sa theme na HAPPINESS], eh pinili ko pa rin maging malungkot. Mag sulk. Ma-depress. Mag-mukmok. At mag-regression position gabi-gabi bago matulog. Kumbaga, oo may choice ako maging masaya, pero as of now, hayaan niyo muna ako.

At salamat, dahil hinayaan niyo nga ako. Alam ko na kapag nagscroll ka pabalik sa mga post ko, makikita mo sinasabi ko.

Pero I'm back!! Madami na ulit akong reason para maging masaya. Yun lang naman yata ang mahirap na stage ng pagmumukmok ko, paano ako makakahanap ng dahilan para maging jolly ulit. Kase totoo naman di ba? Ikaw lang din naman talaga ang magdedesisyon kung hanggang kailan ka malulungkot at kailan ka magiging ready na maging masaya na ulit.


So here goes my week, simulan natin last Saturday, isang mini reunion ang nangyari sa min ng mga friends ko na sila Ahyz, Jake, Shamie & Ate Cute.


Random people na nagsama-sama. Feeling ko talaga, ang random random namin! May sobrang payat, may sobrang taba, may bakla, tomboy at isang di pa sure. Super puno ng tawanan at ka-echosan lang ang gabi namin sa aming dating tagpuan, dito sa U.N. First time ko din sumama sa kanila maglakad papunta sa Sinigang Express na matagal na nilang kinukwento sa kin. Sana maulit ulit mga moments na toh kung saan comfortably awkward ako sa kanila.


Then, nung Sunday naman, ayun, sa wakas na-umpisahan ko na din ang aking Big Book of Happiness.


Natuwa ako kase sobrang nakaka-postive pala gumawa ng ganito! Na-inspired ako kase sa unang page ay yung HAPPY LIST ko, tapos yung mga sumunod na page ay mga tips, articles, phrases, sentences and pictures kung paano ko ma-aaccompish ang Happy List na yun. Ayun. Puro positive thoughts ang kinalabasan, kaya afterwards nito, nag-ignite talaga yung lakas ng loob ko na mag-apply na ulit for work at mag-move forward sa life.



Tapos finally, on Wednesday, lumabas na din ako ng bahay para maghanap ng work. After ng una kong pinuntahan for application sa Ortigas, ayun nakipag-meet muna ako dun sa friend ko na nagwowork DOON sa pinagworkan ko din [kung san ako nag-quit]. 


Ayun, we talked about how's work for him at yung iba pa naming kasama na super tatag din sa work hanggang ngayon. Parang na-miss ko din talaga pumunta sa building namin, yung araw-araw na byahe sa bus at yung uuwi ka na somehow may na-accomplish ka talaga sa araw mo. Syempre, hopeful pa rin kame someday mag-bonding ulit ang MOMO team together. Ayun after nito, hinatid na ko ni Rhy sa sakayan papuntang Makati naman.

Ayun. Nagdasal talaga ako kay Lord na sana gabayan niya ko kung san ba ako talaga dapat pumunta to find a job. And HE did!!! Amazing di ba? Sinigurado niya na by the end of the day, may job offer na ko. Sobrang saya ko pauwi, parang napawi totally lahat ng kalungkutang nararamdaman ko these past few weeks. 

Natanggap na ko dito sa job na 'to pero biglang tinawagan naman ako ng isa pang sinendan ko din ng resume, at for interview din ako dun. 

Di pa naman ako nagdedesisyon dahil titingnan ko pa kung anong mangyayari sa kin sa Monday, which is the day ng una kong training [buong maghapon] at interview naman sa gabi dun sa kabilang company. Wow! In demand! Although nakaka-stress mag-decide, masaya ako dahil binigyan ako ni Lord ng options.



And lastly, ang gusto ko i-share sa inyo eh yung buong araw kong date with my one and only Abi. Yung totoo, dapat siya yung sasamahan ko para mag-asikaso ng papers niya, pero it turns out na mas marami pa akong inasikaso sa kanya nitong araw na toh. Nag-papicture ako, kumuha ng NBI, bumili ng panty [lol], at nagpagawa ng salamin sa mata.



At yung nasa left, yan yung picture ko habang sinusukatan yung mata ko. Natuwa ako kase hindi ko expected na makikita namin ni Abi yung Optique Prima. Nung first time ko kase magpapagawa ng salamin, bata pa ko nun, dito ako dinala ni Mama. Tapos sabi ko lang kay Abi, basta malapit yun sa mga nagtitinda ng appliances sa Quiapo. At nakarating kame sa Raon banda, ayun at nagulat ako, di ko na rin kase maalala yung name nung pagawaan ng salamin, at bigla kong nakita, "Optique Prima" parang, shit* ito yun ah! Wala lang, natuwa lang ako.


Grabe, bulagers na talaga ako, ang taas ng grado ko. Natuwa ako kase ang baet nung doctor na nag-asikaso sa kin habang sinusukatan yung mata ko. Tsaka sobrang satisfied din ako sa napili kong salamin. Grabe ang tagal ko kase di nakabili, parang pulubers masyado!!


Anyways! That's all! Ang saya-saya dahil may mga dahilan na naman ako para maging masaya! At Happy Weekends sa lahat!!!



**********

Wednesday, October 10, 2012

Tiwala sa Sarili

Naaalala mo yung time na kailangan mo mag-decision, tapos you come up with this weird idea. Sobrang confident ka sa naisip mo, pakiramdam mo yun ang pinaka-tamang gawin. Parang wala nang mas gaganda pa sa naisip mo, kase yun na yun! Isa kang Picaso!

But then, narinig mo sa comment ng iba na parang mali, na parang nagtataka sila bakit yan naging desisyon mo, na parang naisip mo automatically, hindi yata tama, hindi yata dapat naging ganun pag-iisip ko, sobrang nag-doubt ka sa sarili mo, nangliit ka at naghahanap ka ng sagot kung ano ba ang mas tama. Naguguluhan ka. Gusto mong timbangin, ano ba tingin ng nakararami ang tama, ang mas maganda, ang katanggap-tanggap?

Hanggang sa nasanay ka na.. takot ka na.. hindi ka na makapagdesisyon sa sarili mo, iba na ang nagdedesisyon para sa sarili mo. Nakikinig ka na lang sa bulong-bulungan at dun mo na bina-base ang desisyon mo na hinding hindi mo na matatawag na iyo.. iyong-iyo. Hindi na.

Bulag ka na sa katotohanan na meron ka ibubuga. Habang buhay. Pipiliin mo ba na ganito habang buhay? Sumusunod ka na lang sa daloy ng tao, sa baho ng tao, mga mukhang puppet na kanya-kanyang naghahawakan ng mga tali para makagalaw. Wala kang sariling diskarte, mukha kang tanga.

Sana magising ka, sana matauhan ka. Pwede ka magpakatotoo, gumawa ng sarili mong mundo, at walang may paki, wala silang pakeelam dahil buhay mo yan! Kailangan mo mag desisyon, okay lang maging weirdo! Ano man ang maisip mo, ano man maramdaman mo, karapatan mo maisip at maramdaman yan. May karapatan ka! I-express mo ang sarili mo! Wala ng gaganda pa sa mga ka-weirduhan na dumadaloy sa utak mo.. wala na.. Ikaw ang sarili mong Picaso. Maniwala ka.
**********

Saturday, October 6, 2012

Muni-muni sa Linggo.

Gusto ko na magrent ng sarili kong apartment. Pero malayo-layo pa yatang experience o pangarap yun. Broke na broke ako ngayon. Nag-apply na ko nung Thursday sa gusto kong work, as in, excited ako. Naligaw-ligaw pa ko pag-punta dun sa lugar pero masaya pa rin kase interesado ako dun sa work at may connect sa health field. Kaso i-tetext pa daw ako, hanggang ngayon wala pa ding text.

At least masasabi ko naman na once in my life, naramdaman ko talaga ang pakiramdam ng totoong palamunin. Lalo na't hindi ko naman pamilya ang kasama ko ngayon, ramdam na ramdam ko talaga na parang may kalyo yung mukha ko sa sobrang kapal. Nakakahiya pero napaka-swerte ko, blessed pa rin ako hanggang ngayon may nasisilungan ako.

Ang hirap pala talaga ng life, hindi ako aware. Pero hindi naman din ako lumaking maarte, kaya hindi ko alam kung ano pinag iinarte ko ngayon. Totoo pala talaga yung walang katapusan yung journey mo para matuto.

Naaalala ko nung gumraduate ako ng highschool, hindi ko rin alam bakit kailangan ko pa mag-college, kase pakiramdam ko alam ko na lahat. Bukod pa dun, pakiramdam ko nag-mature na talaga attitude ko. Nung nag-college naman ako, shet, ang dami pa pala dapat alamin, pero chill lang ako kase sobra akong bilib sa sarili ko. Paano ba naman ako hindi bibilib sa sarili ko, kahit di ako mag-aral, pumapasa ako. Pero mali pala yun. Maling-mali, kase ngayon ako hindi makapag-chill.

Lahat nga ng tao kinakayang mabuhay eh, ako pa kaya? Pero mali na naman ako. Lahat ng tao naghihirap para mabuhay, para kumita ng pera, hindi lang basta-basta. Hindi pwede na kapag napaso ka back out ka agad. Di pwede weak. Eh weak ako.


Pero.. kahit na weak ako, alam ko magkaka-apartment pa rin ako, o baka nga magka-bahay pa. Alam ko magiging successful din ako someday. Hindi ngayon. Matagal na matagal pa. Dahan-dahan lang.. konti-konti lang. Isang optimistic na paniniwala sa sarili kada araw. Yun kase yung wala ako, wala akong tiwala sa sarili.


**********

Thursday, October 4, 2012

MMK ito.

May mga moment na gusto ko talaga isulat, i-share, pero hindi ko masulat. Ito madalas yung mga magagandang realization ko bago ako matulog sa gabi, pero masyado na akong antok para magbukas ng computer kaya hindi na nasusulat. Bago kase ako matulog, kinakausap ko SIYA.

Kapag kinakausap ko SIYA, parang naririnig ko siya na kinakausap din ako. Hindi in a way na naririnig ko talaga boses NIYA ah!! Pero, in a way na bigla na lang may papasok sa utak ko na mga idea na either sasagot sa mga tanong ko o magpapagaan sa loob ko pag unease ako.

Katulad kagabi.

Madalas ako manghinayang sa family ko, madalas ako malungkot kapag sila iniisip ko. Nagkahiwa-hiwalay kame, nawalan kame ng bahay at kotse, at sobrang complicated ng lahat ngayon. Parang nakakapangsisi or parang gusto mo manisi, pero hindi mo magawa.

Parang kung ikaw yung nasa lugar ko, wala ka nang maiisip na magandang nangyari sa pamilya mo, na parang walang hope at wala na kailanman, parang mapapatanong ka sa sarili mo, ano ba toh? Bakit nagkaganito? Yung tipong imposibleh na magpapaka-positib kase masyado ka na busy mag moment at mag-MMK sa dilim habang kausap si Lord. Gusto mo na lang gawin eh mag-pasensya, mag-sorry sa KANYA dahil puro rant na yung kinukwento mo.

At sa kalagitnaan nga ng pag-eh-MMK ko, parang "TINGGG!!" naging okay ako, tumigil ako sa pag-iyak. May pumasok na idea sa utak ko na feeling ko SIYA ang nag-encode para maisip ko.





Oo nga, hindi ako nawawalang bata. Naging pamilya ko ang pamilya ko dahil may dahilan. Totoo lang, masaya ako ngayon kung sino ako. Kahit na madalas hinahanap ko pa rin ang sarili ko, alam ko at sure ako na ang journey na toh ay so far so good. At hindi ako magiging ganito kung hindi rin sa kinalakihan ko.

Kaya kung ano man ang pamilya namin ngayon, malungkot man, hindi ko pinagsisisihan na pinanganak ako at binuo ng mga magulang ko. Although hindi ako masyado masaya sa physical attributes ko, masaya ako sa mga simpleng princples ko sa buhay, at sana magpatuloy pa akong matuto.


At yun ang nagpagaan sa loob ko.


Alam ko, lahat tayo, may kanya-kanyang pagsubok sa pamilya natin. Hindi masamang magmukmok, malungkot o maglabas ng galit. Parte yan ng pagkatao natin, parte yan ng emotion natin. Normal. Pero hindi ibig sabihin nun, isisisi na natin sa pamilya natin bakit nasira mundo natin. Malaking parte man ng pagkatao natin ang kinalakihan nating pamilya, may sarili pa din tayong utak, pagkatao. Individual tayo, kanya-kanya tayo ng paraan kung paano natin tatanggapin ang mga nararanasan nating hirap sa buhay. Kung magiging go ba tayo sa personal growth o magpapabaya na lang magpakatanga.

In the end, nandyan ka, pinanganak ka sa pamilya na yan dahil may dahilan. Yan ang mag-momold sayo. Yan ang test! Paano mo tatanggapin ang mga pangyayari sa buhay para mabuo ang pagkatao mo?

Iniisip ko na lang mas madaming pagsubok, sige go. Iiiyak ko na lang ang lahat, lol. Sigurado na man na may dahilan, dahil may mas malaking plano lagi si Lord, malaking malaki.


**********

Wednesday, October 3, 2012

Ayuko na.

Sa puso ko nakabaon ang galit
Sa puso ko nakabaon ang lahat ng pagkukunwari
Pinipilit ibaling
Pinipilit tanggalin
Pinipilit na pumaroon paharap

Ano ba't sarili mo lang ang iniisip mo?
Ano ba ang gusto mo?
Kami ba'y pabigat sayo?

Sa mga palabas sila ang pampalakas ng loob
Pero sa katotohanan ikaw ang nangunguna
Ikaw ang hindi nagtitiwala sa kakayahan
Sa kakayahan na baka malamang
Malamang meron kame

Ikaw ang unang naniniwala
Naniniwala na wala kameng kwenta
Bobo, tanga.. stupido..
Mga walang paa

Kaya walang tiwala sa sarili
Ako'y walang tiwala sa sarili
Baka hindi ko kaya
Dahil ako'y wala
Wala akong kwenta
Ikaw na din naman ang nagsabi

Siguro mula dito lalakad ako
Siguro mula dito magrerebelde muli
Sinubukan kong maiging intindihin ka
Sinubukang gawin lahat ng gusto mo
Lahat ng naisin mo

Siguro lalayo na lang.
Ako lalayo na lang.
Tatahimik.
Kikilos.
Mawawala.
Parang bula.

**********

Monday, October 1, 2012

Ako si Camille, Laking San Pedro.

♫♪ Sana'y di nagmaliw ang dati kong araw 
Nang munti pang bata sa piling ni nanay 
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal 
Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan ♪♪♫ 

Madaming tanong sa utak ko, mga "ano kaya kung.....", mga tunog ng pagsisisi sa mga bagay na wala naman talaga ako magagawa noon at mga bagay na hindi na mababalik o mababago pa man ngayon. 

Lumaki ako sa isang bayan na kadikit lang ng ka-Maynilaan. San Pedro, Laguna. Isa sa pinagtataka ko sa lugar na toh eh yung dalawang malaking puting tandang na sasalubong sayo bago ka pa man makapasok sa bayan. Kase... ganito yun... mukha silang tandang, pero sa nakikita ko, nakaupo silang dalawa sa itlog. Kaya medyo nalilito na talaga ako kung tandang ba talaga sila o inahin. Kung may konek man sila kay San Pedro, baka mga manok sila nito.

Madalas kapag sinabing Laguna, probinsyang probinsya agad ang tunog ng lugar, pero iba ang San Pedro. Nakadikit kame sa NCR dahil kame na ang kasunod na bayan pagkatapos na pagkatapos ng Muntinlupa, Alabang. Kaya karamihan sa mga nakatira sa lugar namin walang problema kahit araw-araw pumunta ng Maynila para pumasok sa school o sa trabaho.

Hindi ako laking Jollibee di tulad ng karamihan, laking Mcdo ako. Mas malapit kase yun kaysa sa Jollibee na nasa bayan pa. Yun lang ang landmark na lagi ko sinasabi sa mga kaibigan ko kung gusto nila pumunta sa bahay namin, kase nag-iisang McDonalds lang yun sa lugar namin.

♫♪ Sa aking pagtulog na labis ang himbing 
Ang bantay ko'y tala, ang tanod ko'y bituin 
Sa piling ni nanay, langit ay buhay 
Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan ♪♫

Mga pitong taong gulang siguro ako, nakaupo at nakadungaw ako sa ilalim ng blue na gate ng bahay ng bespren ko. Hindi pa kase siya pwede lumabas, kaya sinusubukan ko na lang siya kausapin sa parte ng gate na pwede ko siya masilayan kahit konti. Nakahawak ako sa mga rehas nung gate na parang tanga, nang biglang isang bata pa ang tumabi sa kin at biglang nanukso, "ah tabachoy! tabachoy! tabachoy! tabachoy!" Oo, mataba na talaga ako dati pa. At oo,  di ko napigilan ang kabadtripan na nadama ko noon. Nagtatakbo ako pauwi sa bahay namin na hindi naman kalayuan at nagsumbong sa Nanay ko na handang handa naman sumugod sa batang nang-api sa kin.

Lumaki ako sa isang subdivision, Olivarez Compound. Dun kame sa Phase 6, sa Love Street. Sementado at tahimik ang lugar, mapa-umaga, tanghali o gabi. Sementado, kaya mabenta ang chalk, pwede ka mag-ala-Michael Angelo sa kalsada. Tahimik, pero yaan mo, di ka naman ma-rarape sa mga talahiban dahil wala namang talahiban doon. Wala ng talahiban kase ginawa itong basketball court. Dito ginaganap ang mga maliit na fiesta sa subdivision namin at mga pabasa. Syempre sa malamang, mga liga sa lugar namin dito rin. Lumaki ako sa panahon na lahat ng bata ay hayok na hayok lumabas kapag hapon para maglaro ng piko, ten-twenty, patintero, langit-lupa, pepsi-seven-up, bahay-bahayan, away-awayan, basketball, at kung anu-anong kalokohan. Masaya pa nung mga panahon na hindi pa pina-padlock yung court at malaya ka makakapaglaro sa loob nito kahit anong oras. Ngayon wala ng mga liga, wala nang mga fiesta, wala ng mga bata sa lansangan, pero may pabasa pa din.

♫♪ Sana'y di nagmaliw ang dati kong araw 
Nang munti pang bata sa piling ni nanay 
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal 
Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan ♪♫

Laging nag-aaway ang mga magulang ko, at nung paslit pa ko iniiyakan ko lahat ang pag-aaway nila, hanggang sa nagsawa na ko. Maraming sigawan ang nangyayari sa loob ng bahay namin nung nagdadalaga na ko. Wala pa akong muwang sa tama o mali. Nagrerebelde. Naghahanap sa sarili. 

Medyo huli na nung nag-mature ako. Paalis na magulang ko papunta sa ibang bansa. Pero bago yun, alam ko naging masaya pa kame, alam ko naging buo pa kame. Nagsisimba pa kame ng sama-sama sa bayan kada Linggo, dun sa Our Lady of Lourdes, katabi lang yun ng skwelahan  ko. Alam ko.... masaya kame nun, buo kame. Yun lang yata ang pinaka-natatandaan kong panahon na naging masaya kame. Bakit hindi na lang maging ganun ngayon..? Bakit hindi na lang maging ganun ulit? Bakit wala na akong maalalang iba pang masayang pagkakataon? Siguro masyado akong busy sa sarili ko bago pa ako nagkaroon ng panahon para sa pamilya ko..

♫♪ Sa aking pagtulog na labis ang himbing 
Ang bantay ko'y tala, ang tanod ko'y bituin 
Sa piling ni nanay, langit ay buhay 
Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan ♪♫

Alam ko, nung unang beses na kinanta toh sa kin ni Mama, hindi ko na talaga magugustuhan tong kantang toh. Sa kasalukuyan, hindi na kame nakatira dun sa bahay namin sa Olivarez... sa San Pedro. Wala ng nakatira doon. Pero sabi nung pinsan ko meron na daw nakatira doong iba. Ibang nilalang.

Ngayon, balik na naman ako sa tanong na... ano kaya kung? Ano kaya kung uso pa rin ang chalk at garter? Siguro marami pa rin naglalarong bata sa labas ng bahay namin. Ano kaya kung hindi masyado chismosa ang mga kapitbahay namin? Nyeh.. imposibleh yata. Ano kaya kung hindi na lang umalis ang mga magulang ko pa-abroad? Nakatira pa kaya kame sa bahay na yun? Ano kaya kung maaga ako nagmature? Mas madami pa kayang masasayang ala-ala ang maiisip ko ngayon? Ano kaya kung.. ano kaya kung.. ano ano ano! ANO KAYA!

♫♪ Nais kong matulog sa dating duyan ko, inay 
Oh! inay ♪♫

Mga tunog ng pagsisisi sa mga bagay na wala naman talaga ako magagawa noon at mga bagay na hindi na mababalik o mababago pa man ngayon. 


**********
Itong akda na ito ay lahok sa
Ang Saranggola Blog Awards 2012
(Ikaapat)


at ito ay inilunsad sa pakikipagtulungan ng


Maraming salamat din daw sa mga sponsor:









Friday, September 28, 2012

Isang Linggo.

Got off from work, I quit, last last week pa yata. Like what I told from my last post, nakapagdesisyon na ko. Nasaktan din ako, kase mahirap para sa kin, pero hindi ko pinagsisisihan. Wala ng alibi at paligoy-ligoy, ayuko na lang talaga, period.

Everyone keeps telling me to go on, pero ayuko na talaga, wala naman din makakapilit. Pero masakit lang marinig sa mama ko, feeling daw niya di talaga ako tatagal dun, BURN!

Medjo huli huli na rin sa update dito sa blog but I'm still gonna show some snapshots of what happened to me these past few weeks na tambay na naman ako.


***Met some new interesting people at interesting dahil mga blogera ang mga ito. Hmm.. Hindi ko pa rin nga alam ang mga blog nila hanggang ngayon, pwera sa tatlo na matagal ko na kakilala (Mj, Cheenee & Tara). At medjo bangag yung gabi dahil sa alak. Minsan, sa mga ganitong pagkakataon ko talaga napapatunayan na medjo may ketek ako, epal ako at half mongoloid ako. (Jen, Anjo, Marty, Pablo. Location: GMA Cavite)



***Napahabol na lang ako kahit wala akong plano na pumunta talaga. Mga classmate ko sila nung 3rd year college!! Kase kikitain namin si Joy na may flight at around 10pm (pabalik ng SG). Ayun meet and greet lang halos with Joy, tapos the rest na nakasama eh nagbonding na lang sa sea side (MOA) and konting drink after. Nakakamiss. Madami kase kameng magbabarkada, pero wala ng time para mabuo talaga at magcelebrate. Hopefully sa Christmas, mabuo kame.



***OATH TAKING. Parang wala na nga akong balak na magpunta dito eh. Wala lang, pero napapunta na lang din ako. Pero buti na lang pumunta ako kundi hindi ko makikita reaction ng lahat nung lumabas yung creative picture ko yung parang fallen angel (tingnan mo sa sidebar nitong blog). Namangha ako kase ang dameng nagreact! Lol! Ako lang kase lakas loob na nagpasa ng ganun. Also proud to be Carlito's Angel. Konti lang kase kameng mga nag-Carl Balita for the review. Ayun. :) At pwede na ako maglagay ng RN sa tabi ng pangalan ko! Yipee!




***Ayun, na-miss ko ang EB ng mga blogero to welcome kuya Akoni at ang Heaven niya sa pag-uwi dito sa Pinas dahil ilang araw din ako sa Vigan. Second time ko na mag-travel out of town with friends, at pangarap ko talaga toh dahil minsan lang nangyayari toh. Tapos nakapag-swimming na ulit ako sa beach, grabe huli ko yata nung batang-bata pa ako at kinagat pa ko ng dikya. Ayun, mahaba-habang byahe na all worth it naman.




So ayan, yan na lahat ng nangyari sa kin, mapa-interesado ka man o hindi. Nangyari lang lahat toh last week, isang buong week. Hahaha. Biruin mo. More adventures to come pa sana!!

**********

Wednesday, September 12, 2012

Namiss ko mag-paka-youtube wanna be... ito na

Hi guys. Grabe namiss ko toh......

INDAK
by Up Dharma Down

Well, buong week kase ako LSS dito. Isa pa.. nakita ko nag-cover si Super Jaid ng song din in guitars.. kaya nainggit lang naman ako ng konti. (Inaamin ko naman na hindi kagandahan ang boses ko, nakakahiya naman kay Jaid)

Pero totoo lang na-miss ko toh, kase nung bored na bored talaga ako sa buhay ko, ito lang pinagkakaabalahan ko.

Anyway, kaya naman Indak, kase everything about the song, ganun yung nararamdaman ko ngayon... as in.. pero hindi malungkot ang love life ko ah.. actually masyadong masaya [check out the chismis on my love life sa side bar --> sa IT's ALL ABOUT US icon...]

**Tatakbo at gagalaw
Mag-iisip kung dapat bang bumitaw**

Ito lang naman eh tungkol sa work ko ngayon. I know. I am blessed. Hindi lahat nagkaka-opportunity ng ganito.. pero mga dude.. regardless yata sa kung ano man opinion ng tao.. I'm bout to quite..

**Makikinig ba ako
Sa aking isip na dati pa namang magulo?**



Yes. One week din akong ambivalent about this. Believe me.. hindi naging madali sa kin.. Kahit mukhang nadalian ako dahil sa post na toh, pero pramis.. lumuluha ako sa kakaisip anong gagawin ko. Pero ayun.. susubukan ko pa sana magdahilan bakit ako aalis sa work na toh, pero ayun.. ayuko na..kase magmumukha lang akong nagdadahilan (kunyari hindi talaga)..

Ilang araw na din akong malungkot dahil dito, pero finally sabi ko sa sarili ko hindi ako matutulog hanggang hindi ako nakakapagdecide, at yun, finally, I made up my mind.

At basta babalitaan ko na lang kayo. Pero para sa mga nakamiss muna ng trip ko... sana magustuhan niyo ang pagpiyok ko sa video na toh...





So ayun, basically, hinahandog ko din ang video na toh sa mga bestfriend ko, SUNSHOTS: Jheng, Aub and Mimay, dahil alam kong ito ang mga trip naming kanta..at malamang miss na miss ko na sila.. :)

Yun lang naman. Chao!!
**********

Saturday, September 8, 2012

Malungkot siya ngayon..

Ironic ba maging malungkot kung ang title ng blog ko ay tungkol sa maging masaya ka.

Hindi naman siguro. Normal lang naman siguro maging malungkot minsan, madalas, lagi.

Sabi ko nga, optional maging masaya. At ngayon, pinipili ko maging malungkot, at walang may paki. Gusto ko eh. Lahat naman ng gusto ko nagagawa ko. Ganun eh. Wala ka magagawa. Wala tayo magagawa. Lumaki akong spoiled.

Shoot! Minsan talaga yung mga principles natin sa buhay, kunwa-kunwarian lang eh noh? Hindi mo talaga alam kung ano ang katotohanan unless na-experience mo na o nalagpasan mo na. Ako, ngayon, sa buhay kong ito, ang hindi ko pa malagpa-lagpasan eh ito. ITO. Itong nararanasan ko. Hindi ko alam paano lalagpasan. Hindi ko alam paano palalakasin ang loob ko. Hindi ko alam paano lulunukin yung laway sa bibig ko.

Dude. Sinasabi ko sayo. Nakatayo din ako sa ganitong estado nung isang-isang taon, itong ito. At pinili ko sumuko sa pangyayari na yun. Hindi ako umiiyak pero nararamdaman ko yung dibdib ko na parang may nakabarang mamon. Hindi maka-hinga ng maayos. Gustong tumakbo, palayo, kahit mabagal na takbo lang, at least palayo.

Kaya ngayon, hindi, hindi ko kayang bumitaw, kase pag bumitaw ako, eh di gagawin ko na naman yung kahinaan ng loob na ginawa ko noon. Ayuko. Sobrang bababa na talaga tingin ko sa sarili ko.

Hindi ko rin sigurado kung PMS toh (kung alam mo man ang ibig sabihin nun), kase iregular naman ako, at hindi ko alam kailan ako magkakaroon.

Whatever.

Pero magiging okay naman ako, sigurado. Dumadaan lang talaga yung pagkakataon na ganito. Paano ko hinahandle? Madalas suppression, sinasadya kong hindi isipin. True. Bago umalis ang mga magulang ko ng Pilipinas mga lima o anim na taon na yata nakalipas, suppression ang ginamit ko, kaya pag-alis nila akala ko pupunta lang sila sa kaptibahay. Bago ako umalis, suppression din, kaya hindi ako umiyak sa mismong flight ko. Nung nag-board exam ako, yun ulit, kaya hindi ako makapaniwalang pumasa ako. Pero ngayon, hindi ko ma-suppress................ ang hirap.

**********

Thursday, September 6, 2012

Next level na dude.

Sa kalagitnaan nung mga blessings na nararanasan ko ngayon, I can't help but to feel sorry sa tatlo ng mga ka-wave namin. Syempre, ilang araw din kame nagkasama-sama, at isang araw malalaman mo na lang na kailangan na palang maghiwa-hiwalay.

Yup, mga kapatid, pumasa ako sa pangalawang level ng training namin. Isa ako sa mga unang tinawag para malaman ang result kung makakatuloy pa ba ako o  hindi. At yup, hindi ko alam paano ko i-pipiyok ang pasasalamat ko kay Lord nung nalaman ko na pumasa akong muli.

Bago ako lumabas ng kwarto, flat affect. Sa isip isip ko kase, hindi pa tapos, may malalaglag sa min ngayon, at hindi ko alam kung kailangan ba ako maging masaya o hindi. At ayun na nga.

Walang dapat sisihin, no regrets. Lahat naman kami ginawa namin ang best namin. Proud ako sa kanila na binigay nila lahat ng kaya nila. At proud ako na sa kabila na kailangan nilang umalis, eh alam kong walang susuko sa kanila.

Pass or fail, napagkasunduan na lalabas kame para sa gabi. Wala din ako magawa, ang tanging naging pang-comfort ko lang sa dalawa na naging malapit na sa akin ay silent treatment. At parang telenovela lang, pagkatabi ko kay ate (tawag ko dun sa isa sa kanila), biglang tinugtog ang Bye-bye ni Mariah Carey.

Ayun, di ko na rin mapigilang umiyak, ma-mimiss ko din talaga si Ate. Araw-araw kame nagkikita sa Gloria Jeans bago pumasok, kung anu-ano na napag-usapan namin, hindi mo rin naman kase talaga mapipigilan maka-close ang mga kasama mo, db? At kahit yung isa din, na sobrang ma-mimiss namin magpatawa at mangulit. Pero alam ko naman, malakas ang loob ng dalawang toh. Siguro may mas malaking plano lang talaga si God sa kanilang dalawa.

Kame ngayon ay nalipat na sa graveyard shift. Nagsimula kagabi. Zombified literally. Pero mukhang kaya naman. Lagi ko lang iniisip na there are more things to come, gusto ko i-uplift ang excitement ko, kase feeling ko effective. Kapag excited ka, the more na naglolook forward ka, nakikita mo na every obstacle is a challenge and is an opportunity kung san pwede ka mag-grow.

Yun lang. Chao.
**********

Monday, September 3, 2012

Masayang weekend!!

Nanyari? Two days off and I don't have a post. Hehehe.. then I should make one. Right now! Warning medjo mahaba, at wala akong paki.

Okay, let me make kwento (arte lang?) about my very amusing, wonderful and happy weekends. Yey! And as all of you know (kung may nagiging interesado man magbasa) I had my first ever sahod ever, I mean ever, yung totohanan na may pay check talaga (please wala pong manghoholdup) last week, ayun kaya I'm uber happy!

Hindi naman kalakihan ang sweldo ko, pero ano ba naramdaman niyo nung unang sahod niyo? Gusto ko nga ipa-frame ang pay-check ko eh..seriously.. pero para lang hindi maging OA, wag na lang.

Trulaloo talaga na if you have plans, then your safe. And I'm talking about money here, and not some random stuff (wag lilipad ang utak sa ibang topic k?). Minsan kase maririnig mo sa ibang tao na napadampi lang sa kanilang mga palad ang sweldo nila and wooshoong gone a little later, well ayuko maranasan yun. But on my first sweldo, isa lang naisip ko, to treat my family!

Nasabi ko sa huling post ko na-i-ttreat ko sila kapag sure na yung work ko, pero naisip ko bigla na, hmmm.. pano pag huling sweldo na toh? I might as well treat them, at least kahit papaano nakatikim sila ng unang pinagpaguran ko. Oo alam ko, sweet ako.

Anyway, at yun na nga ang nangyari ngayong week. Simulan natin sa Sabado.



Nilibre ko ang mga kapatid ko ng movie date at dinner sa Alabang Town Center. Nanuod kame ng Expandables 2 at kumaen sa Tokyo Tokyo. Yeeezz!! Totoo lang natatawa ako sa Expandables kase hindi ako maka-relate, kase di ba mga oldies na mga action star ang nandun, kada lalabas ang mga oldies, nagrereact ang lahat, pwera sa kin na hindi maka-relate. Muntik na nga ako makatulog, seriously. Itong panlilibre ko eh celebration na rin para sa birthday ko nung June (dahil di ko rin sila nakita nun) slash celebration ng pagpasa ko sa board exam at syempre slash celebration ng first sweldo ko at iba pang pwede i-slash.

Anyway, alam kong magiging masaya ang mga magulang namin pag nalaman nilang kahit papaano eh nagkikita-kita kame nila kuya kahit na madalas puro problema talaga naiisip namin pagmagkakasama. Gusto ko na nga magdrama ngayon eh, dahil kada naiisip ko talaga ang family ko, overflowing ang emotion ko sa kalungkutan. Pero binabaling ko pa rin ang damdamin ko sa katotohanan na may plano si God para sa min.

So ayun, isa pang pangyayari nung Sabado ay ang celebration din ng pagpasa ng board exams para sa mga inhinyero ng kapatid ng sister-in-law ko na si Balong, at ehem slash birthday din niya. Kaya Happy Birthday dude! Mula Alabang, nagpunta kameng Cavite.


Salamat dude! Nalasing mong tunay si Mayk at hindi siya halos makatayo kinabukasan para pumasok sa work. Actually, nalate siya sa work. Hehehe. Pero nag-enjoy naman kame dahil madaming pagkaen at beer. Salamat! Sa susunod ulit.

So ayun, kinabukasan nga, lumuwas na ulit kameng Manila ni Mayk. Si Mayk, deretso work, ako naman deretso uwi, na may plano na matulog na talaga, dahil antok na antok ako. Pero naisip ko, ayuko naman sayangin ang araw ko dahil may pasok na bukas. Kaya nag-grocery na muna ako ng mga panga-ngailangan ko. Totoo lang natuwa ako, kase remember sabi ko pag may plano ka talaga, safe ka, ayun, na-sunod ko naman ang budget ko sa panlilibre ko at sa mga pangangailangan ko.

At katulad ng sabi ko kanina, magiging mahaba talaga toh, kahit walang kwenta..wala pa rin akong paki. Basta ako magkkwento.

Pagka-uwi ko, akala ko talaga makakapag-shower na ko (dahil nagmumog lang ako bago ako umuwing Manila --excuse me sorry naman), akala ko din makakapag-sleeping beauty na din ako. Pero ayun, pag uwi ko, birthday pala ng inaanak ko. Sorry naman, di ako aware.

Ninang na hindi pa naliligo & Samarah

First birthday ni Samara, at tingin ko, tuwang tuwa naman ang mga bangs niya sa araw na toh. Natuwa din ako sa ka-dugyutan ko. Actually, na-assign pa ako mag-lead ng prayer... at alam naman Niyang hindi ko Siya tatanggihan. Lol. At yun, sulit naman ang pagsama ko dahil nakalibre ako ng tanghalian at balloons. Chos.

Triple celebration siya actually.. ni Jaro, Micah and Mara:



Anyway, all in all, sobrang naging masaya talaga ang weekend ko. Yan ay dahil hindi ako tumunganga lang all day and all night, pakiramdam ko ang dami kong inaccomplish kahit na 90% ng mga activities ko this weekend ay patungkol lang sa paglamon ng marami.

Sulit ang timba ng tubig na ginamit ko para matanggal ang mga libag na naipon sa mga singit singit ng taba ko at sulit din ang 8 hours sleep ko hanggang kinabukasan ng Monday bago ako pumasok ulit sa work. Lol.

Sa hinaba-haba ng sinulat ko na walang katuturan, sana may napala ka pa rin kahit papaano.
**********

Thursday, August 30, 2012

Mga munting kaligayahan.

Masaya ako dahil continue pa din ang blessing sa life ko. Nga pala, hindi ko na-blog last time, pero may surprise gift akong natanggap nung isang araw... ito..



Mula sa isang tao na baka kilala mo na. Ayun, alam ko naman na ayaw niya magpakilala kahit medjo obvious na kung sino siya. So ayun, graduation gift ko mula sa kanya. Hindi ko expected! At surprise na surprise ako pagkatanggap ko na naman ng package. Lagi na lang niya ko sinusurprise at medjo nahihiya na din ako dahil wala man lang ako maibalik kahit kapiranggot man lamang.

Ayun, pero sobrang thankful ako na nagkaroon ako ng kaibigan na katulad niya na mapagmahal at thoughtful. Blessed talaga ako.

Masaya din ako dahil sa wakas eh nakapaglinis na ako ng kwarto namin. Grabe. Nung nagka-off ako nung Sunday and Monday. Although di ko pa rin naayos ang drawer ko at the least mukha na ulit kwarto ang kwarto namin.

About work naman, I'm still enjoying it. Mas interesado na ako sa mga pinag-gagawa namin at willing pa ako mag-exert ng effort. Kahit medjo ang sikip na ng memory ng utak ko, araw-araw ko pa rin sinusubukan ang best ko. Sabi naman NIYA eh, do your best and HE will do the rest. Nagtitiwala ako sa Kanya, at dahil sa tiwala na yun, lalo na din tuloy akong nagtitiwala sa sarili ko.

At nga pala.. today is such a special day dahil birthday ni MOBY ngayon, first birthday niya.



Another reason to be happy today is that, I got my first EVER SAHOD!!! May gas abelgas! I'm so happy!! DI lang halata, kase alam mo naman, ayuko ng nag-aassume. Wala pa kase ako dun eh, yung katotohanan na nagwowork na talaga ako, training pa din ako, at katulad ng paulit-ulit kong sinasabi, wala pa rin kasiguraduhan ang kinatatayuan ko. Kaya, flat affect na lang muna habang nag-hihintay sa paghahatol sa amin.

Ayun lang naman. Basta plano ko pag ako ay okay na, work kung work na talaga, eh i-lilibre ko ang mga mahal kong kapatid na miss na miss ko na. As celebration na din sa pag-pasa ko at kung sakali, celebration din ng pagkakaroon ko ng trabaho.

I'm so happy!! Everything seems to be on its right place.. lahat ay good for me. And I thank this all to HIM... Sobra! I will serve all these achievement for HIM, dahil wala naman sa kin toh lahat kung hindi din dahil sa kanya. Hay...

Thank you Lord.


**********