Pages

Wednesday, October 10, 2012

Tiwala sa Sarili

Naaalala mo yung time na kailangan mo mag-decision, tapos you come up with this weird idea. Sobrang confident ka sa naisip mo, pakiramdam mo yun ang pinaka-tamang gawin. Parang wala nang mas gaganda pa sa naisip mo, kase yun na yun! Isa kang Picaso!

But then, narinig mo sa comment ng iba na parang mali, na parang nagtataka sila bakit yan naging desisyon mo, na parang naisip mo automatically, hindi yata tama, hindi yata dapat naging ganun pag-iisip ko, sobrang nag-doubt ka sa sarili mo, nangliit ka at naghahanap ka ng sagot kung ano ba ang mas tama. Naguguluhan ka. Gusto mong timbangin, ano ba tingin ng nakararami ang tama, ang mas maganda, ang katanggap-tanggap?

Hanggang sa nasanay ka na.. takot ka na.. hindi ka na makapagdesisyon sa sarili mo, iba na ang nagdedesisyon para sa sarili mo. Nakikinig ka na lang sa bulong-bulungan at dun mo na bina-base ang desisyon mo na hinding hindi mo na matatawag na iyo.. iyong-iyo. Hindi na.

Bulag ka na sa katotohanan na meron ka ibubuga. Habang buhay. Pipiliin mo ba na ganito habang buhay? Sumusunod ka na lang sa daloy ng tao, sa baho ng tao, mga mukhang puppet na kanya-kanyang naghahawakan ng mga tali para makagalaw. Wala kang sariling diskarte, mukha kang tanga.

Sana magising ka, sana matauhan ka. Pwede ka magpakatotoo, gumawa ng sarili mong mundo, at walang may paki, wala silang pakeelam dahil buhay mo yan! Kailangan mo mag desisyon, okay lang maging weirdo! Ano man ang maisip mo, ano man maramdaman mo, karapatan mo maisip at maramdaman yan. May karapatan ka! I-express mo ang sarili mo! Wala ng gaganda pa sa mga ka-weirduhan na dumadaloy sa utak mo.. wala na.. Ikaw ang sarili mong Picaso. Maniwala ka.
**********

4 comments:

  1. Hi kams natawa ako sa post mo para kasi naging ganito din ako katanga :)) pero now I've learned my lessons na u should decide what u want kasi sa huli kaw din magsisisi kung nagkamali ka atleast uve learned from your decision bata pa tayo para makagwa ng tamang decision mas mganda kung magdecide na laging mali dahil at the end of the day ur decisions will be correct not by mearly guessing but instinct from experience nobody knows ano mangyayari sa future so be wise and never give up - ace

    ReplyDelete
  2. This is my kind of plate.... very true lahat ng sinabi ko, i myself dont have that confident to stand sa iba kung mga disisyon kasi lagi ko iniisip ang ibang tao.... kung ano ang sasabihin nila till nakakapagod na kaya tinuruan ko ang sarili kung baliwalain na lang ang mga negative na commento nila.. its my lyf ako ang driver ng buhay ko kaya ako dapat ang masusunod they dont feel the pain kung nalubak man ang dinadaanan ko what matter is ginawa ko kung ano ang gusto ko...

    ReplyDelete
  3. tinamaan ako dun kapatid..tama! tiwala lang..kamusta na ang job seeking?? di ako nkareply kagabi kasi mahirap lang ako sa load..:)

    ReplyDelete
  4. naranasan ko na rin yan... mabuti na lamang nalampaan ko na.. tiwala lang sa sarili... isipin mo na kaya mo... at buo ang loob mo sa isang disisyon... ^___^

    ReplyDelete

Anong meron?