Pages

Monday, July 30, 2012

July 2012 Slambook


Kamila

I am an average thinker that was born and raise in San Pedro, Laguna. I love to blog pretty much just about myself and what's going on with my life, kase di ba? Hindi mo naman ma-shashare ang mga bagay na wala ka, eh yun lang ang meron ako, ang aking life.

Simpleh lang ako, hindi ma-garbo. Open ako and positive sa kung ano man ang ihain sa kin, pero hindi ako ganung kabuting tao. Expect mo na na meron pa rin akong flaws and limitations.

All this time akala ko talaga ang galing ko sa Science (subject ito ah), hindi pala! Nakita namin yung mga grades ko nung Elementary and Highschool, yun ang pinaka-mababa lagi. Totoo nga talaga na hindi ko choice ang Nursing. Pero, inaamin ko na nagustuhan ko na rin toh, at actually nangangarap akong matayog na sana makapag-med ako, sana. I know, in God's will.

***
More about me, kung sinisipag kayo, ito ang updated slum book ko:


"SLAM BOOK JULY 2012"

GENERAL


Name: Kamila Tibayan

Nickname: Kamil. Mil. Poklay.

Gender: Gay, inside and out. (Please wag mong sabihing naniniwala ka)

Zodiac Sign: GEMINI. Fickle. Impulsive. Bipolar.

Location: Sampaloc, Manila

Occupation: Wala pa ngayon, pero malapit na, I'll let you know. Haha

Ambition: Makapag-medicine.


Top of the World Ambition: Mabilhan ang aking family ng bahay at lupa, sports car and makapag-open ng business para sa kanila. :)

Language Spoken: Tagalog at Carabao English


FAVORITES

Favorite Website: Blogger, Tumblr, Twitter hmm.. at Fb. Common.

Movies: Pirates of the Carribean at YES MAN pa rin.



TV show: That 70's show. Daddy Long Legs.


SINGER: Sarah Bareilles. Parokya ni Edgar.



 Actor: Johnny Depp.

     

Actress: Zooey Deschanel.



Book: The Little Prince. Become the Person you Dream of Being.



Subject: Pipilitin ko i-like ang SCIENCE. Gusto ko eh.

Color: RED.

Magazine: Cosmopolitan.

Sports: Basketball. Yun lang MEDJO alam ko. Di ko alam kung may konek yan sa pagkakaroon ng court sa tapat ng bahay namin nung bata ako. Di ko rin alam kung may konek yan sa kahiligan ng mga kuya ko sa basketball. Hindi ko alam ang marami sa mga rules ng laro na toh. Di rin ako mahilig manuod ng mga laro nito sa TV. Pero yan na ang pinakamalapit na sports na masasabi ko.

Food: LECHE FLAN.









Drinks: Kape, kaibigang tunay.











Favorite time of the day:  Gabi hanggang madaling araw.

Principle in life: 

The BEST is yet to come. I am God's creation thus through HIM and for HIM I can do and will do great things.. 

Likes: Free-spirit, Totoo sa sarili.

Disikes: Mayabang pero, wala naman maipagyabang



Q & A

What would you be as a vegetable? Kalabasa. Pipino. Ang ganda kase ng pipino, gusto ko maging maganda.

Is your bowel movement regular? Hindi, complicated.

Anong oras ka naliligo? Bago matulog, pag may lakad, pag-feel na feel ko na na malagkit ako.

Matrapik ba sa Mendiola? Buong bansa ma-traffik! or maybe buong ka-maynilaan lang.

Anong madalas mo gawin sa mall? Pupunta kapag may plano bilhin, kumakaen, nunuod sine.

Ano gusto mo nung bata ka maging paglaki mo? Teacher.

Anong super powers ang gusto mo? Gusto ko lang ng napaka-sharp memory.


Heart to Heart

Describe yourself: Physically, bilogan (mukhang manas), maputi, 5'4", 156 lbs. Mahaba ang buhok. Malabo ang mata. Pango ang ilong. Abnormal ang kuko. Literal na muffin top ang bilbil. Madalas naka-slouch (sign ng low self-esteem).

Emotionally, sobrang ma-emotional ako pagdating sa family. Malambing ako sa mga kaibigan (di ko sure). Mabilis ako magpatawad, lalo na pag uber babaw.

Mentally, mabilis magbago ang isip. Impulsive. Frank. Mabilis uminit ang ulo pero mabilis din mawala.

Status: Currently nasa long term relationship

Have you ever been married? Malayo pa. Matagal na matagal pa.

Do you have kids? Wala pa, pero plano ko 2 or 3.

What is love? Love is patient and kind; love does not envy or boast; it is not arrogant or rude. It does not insist on its own way; it is not irritable or resentful; it does not rejoice at wrongdoing, but rejoices with the truth. Love bears all things, believes all things, hopes all things, endures all things. Love never ends. Corinthians 13: 4-8

Love of your life? Ang nag-iisang, MAYKEL.


What is your worst habit? EATING.

What is your best quality? Gusto ko sa sarili ko yung frank ako pero hindi ako papayag na may natatapakan akong ibang tao. I don't judge people instantly, tsaka open ako sa posibilities.

Accomplishment in life? My blogs, my attitude at prinsipyo sa buhay, being a leader sa school, my friends.

Biggest regrets? Must not regrets, every obstacles is an opportunity.

One word to describe your life so far? Faithful.


**********


Sunday, July 29, 2012

A Better Place.

I believe that we are molded into the person that we are right now through the circumstances that we had experience from the past. Kaya yung pagiging emotional ko, pakiramdam ko, may dahilan talaga. Pero dahil alam ko na medjo taboo ang maging emotional (kase madalas feeling ng iba papansin o nag-iinarte lang), eh madalas, nagpapaka-tigas na lang ako. Pero, okay lang, kaysa naman araw-araw ka mag-dwell sa mga bagay na hindi mo naman hawak ang kapalaran, kaysa naman di ka mag-move forward towards greater means di ba? Minsan, nakakabuti din makipag-hide and seek sa nararamdaman, nagsisilbing analgesic, nagiging painless.

At ako'y magkkwento.

Ang totoo niyan, ang dahilan ng post na ito at yung nakaraan kong post na walang kwenta, ITO, ay ang pagkawala ng isang importanteng bagay sa pamilya namin. Ang aming munting bahay at lupa. Pero alam mo yun, ang manhid ko din, kase pakiramdam ko napagdaanan ko na  toh, parang tapos na yung phase na toh eh, kase parang matagal ko na naranasan yung lost na toh. Noon kase may nangyari na ding ganito, may importanteng bagay din ang nawala sa amin, actually mas importante pa nga yun kaysa sa bahay namin.

Anyway, pasensya na kung medjo malungkot, pero sabi ko nga di ba, sa header ng blog ko, happiness is a choice. Although kailangan din naman i-let out ang mga nararamdaman, kahit once or twice lang, para hindi tayo magkasakit sa puso pag-tanda. Alam niyo ba na yun ang isang dahilan bakit mas madaming lalaki ang namamatay ng maaga (sabi nila), dahil usually mga babae lang ang mas-open sa mag-let-out ng mga hinaing sa buhay.

Nakakatuwa yung utak ko. Kase sa gitna ng malaking dagok sa buhay namin na toh, naiisip ko pa rin na ayuko na manisi ng sino man sa malaking pagkakamali na toh. Magiging masakit, oo, pero alam mo yun, the harder you fall, the higher you're gonna bounce back. Alam ko tong failures and mistakes na toh, parte to ng mas malaking plano, a better place for everyone. Wala naman siguro kayong narinig na taong nagtagumpay ng hindi naghihirap, madalas nga ang mga pangyayari na ganito ang magtuturo sayo ng daan.

Gusto ko mag-mukhang strong para sa pamilya ko. Sasabihin ko na sa inyo, naghahanap talaga ako ng trabaho ngayon. So far, may inapplyan ako, pero di ako natanggap. At least, alam kong hindi ako nananaginip habang tinutupad ang mga pangarap ko, kung nananaginip ako, edi isang segundo lang, mayaman na ko, kaso pag-gising ko, sus, tulo laway lang pala.

Malungkot, literal na malungkot talaga. Hiwahiwalay kame nila Mama, nila Dadi, kahit mga kuya ko, hindi ko kasama ngayon. Lumilipas ang isang araw na hindi ko sila nakikita, nakakasalamuha, halos fb na lang means of communication namin. Tapos ngayon, lahat ng ala-ala sa bahay na yun, ayun.. *poof* it became coco crunch na lang bigla. Pero ganun talaga, magiging malungkot talaga, at given na yun. Pero pagkatapos nito, I'll come out strong, we, we will come out strong and rest assured we will will learn something from these. Lahat ng kalungkutan na toh, alam ko binigay toh ni Lord sa amin, at binigay niya ito ng may dahilan.

No use on pitying ourselves over and over again. We get to cry and grieve, but we must move on. No use on holding unto the tragic memories. Nabasa ko toh kay Wes Beavis, sa book niya, na alam mo yun, paano ka aangat kung puro laman ng bagahe mo eh mga bagay na hindi naman ikaw matutulungan umangat.

"Why would we want to make the journey harder by carrying burdens that we have freedom to leave behind." ~Become the Person you dream of being by Wes Beavis
Feels good to let it all out.

**********

Out of the comfort zone.

May maliit na bagay akong nararamdaman sa kaloob-looban ko.. Isang maliit na bagay na ang pakiramdam eh yung parang may naka-block sa lalamunan ko, na parang may humihila ng dibdib ko pababa sa sahig, na kapag nagsalita ako, naririnig ko ng konti na nag-e-echo ang baga ko.

Maliit na takot, anxiety, fear of the unknown. Pero, hindi ito masamang bagay, more of a good thing.

Excited na excited ako lumabas sa itlog ko nung college ako. Pero paglabas ko, parang may gyera, at nakalimutan ko yatang magdala ng tamang sandata. Buong buhay ko, lagi ko tina-take-note sa sarili ko na, the worst is yet to come. I am the worst person in the world, at may mga mas magagaling pa sa akin.


Ito lang naman eh para alalahanin ko lagi na hindi lahat ng bagay na gusto ko, well, makukuha ko, may malaking posibilidad na malasin ako, at may malaking posibilidad na maranasan ko ang ika-ngangawa ko sa huli. Pinapaalala din nito na kailangan ko magpakumbaba palagi, at malinaw sa pag-iisp ko na hindi ako ganoon ka-importanteng tao.

Pero may mali pala sa ginagawa ko. Una, lage akong negative. Parang sinabi ko na rin na may mga magagandang bagay na nakahain sa hinaharap ko, pero mas pinipili ko magpaka-ilalim sa lupa. Pero, hmmm, ang dahilan naman kase nito, itong pag-iisip ko na toh, eh dahil ayuko mag-expect. Expectation sa sarili at expectation sa mga pangyayari sa buhay. Minsan pag masyadong mataas ang expectation, mag-aassume ka ng mga bagay-bagay, walang limitation. At kapag yung mga bagay na yun hindi nangyari, ang lagkit sa feeling di ba? Hindi masarap. Ayuko ng ganoong pakiramdam.

Binaba ko masyado ang sarili ko. May mga bagay akong pwedeng gawin, pero hindi ko sinubukan, dahil may certain level lang akong kino-quota. Pero aminin mo, okay naman ang ganitong paraan kung gusto mo magpakumbaba.



Sa takot ko na masaktan, sa takot ko sa mundo, sa takot ko dun sa malagkit na feeling, hindi tuloy umusad ang balsa ko.  Sa sobrang baba ng tingin ko sa sarili ko, nag-set ako ng limitation at boundary sa kung ano pang posibleng mangyari, hindi ko inisip na may mga mas magagandang pang posibilidad out of the box.

Kaya itong anxiety na toh, magandang bagay toh. Malalaman mo kase kung nasa labas ka na ng comfort zone mo pag hindi mo na maintindihan kung natatae ka ba o nasusuka. Physically, oo, ramdam ko yung takot pero psychologically, parang kinikiliti lang. Dahil alam ko at the least, kung masasaktan man ako, alam ko naman na magiging parte yun ng inner growth ko.



Lahat ng mararanasan natin sa buhay na toh, walang magiging latak, kase gaano man kaliit at ka-walang kwenta yan, i-ka-aangat pa rin natin yan to be that person we want to be, or rather to be that person HE wants us to be.




"The BEST is yet to come. I am God's creation thus through HIM and for HIM I can do and will do great things.."



**********

Thursday, July 26, 2012

Naligtas ka na ba?

Kapag tiningnan mo mga grades ko simula elementary hanggang highschool (hanggang college pa nga), mapapansin mo na ang subject na laging nangingibabaw sa grading card ko ay ang subject na RELIGION. Pero hindi ako mabait, hindi ako perpekto, pero tama lang yun, kase ganun ako ginawa ng Diyos.

Isa akong Katoliko. Bukas ako sa pag-attend sa iba't ibang simbahan at relihiyon kase nga naniniwala ako na hindi naman relihiyon mo ang mag-sasave sayo, kundi ang FAITH mo kay God. Eh ilan sa mga besfren ko (si Abi at si Rhea) ang hindi katoliko, at hindi naman nila ako nakakalimutang ayain kapag may salo-salo sa simbahan nila.

Nirerespeto ko pa rin ang pagiging Katoliko ko kahit na alam ko na madami sa amin ay mga bulag at nawawala pa rin sa tamang landas. Alam ko, madami pa rin sa amin ang bingi sa mabuting balita kahit na pina-paulit-ulit namin kada Linggo ang kantang, "Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.."

Nung nagsimula ako dumaldal sa isa sa mga kaibigan ko patungkol dito, natawa talaga ako, kase ang unang tanong niya, "Ano yan Kamil? Nagpalit ka na ng religion? Hindi ka na katoliko?" Ang hirap pala talaga mag-sharing pag-patungkol dito, mahirap ipaliwanag, para itong kalawakan na sa sobrang lawak ng concepto, kailangan mo ng tamang visual aids para mapahayag ng mabuti.

Siguro iniisip mo, parang di bagay sa kin mag-ganito. Pero naisip ko, hindi naman. Nangako talaga ako sa kanya na ipagkakalandakan ko siya sa mundo. Inaamin ko ang dami kong flaws, makasalanan ako. Pero ikaw rin naman na nagbabasa, panigurado.

Inaamin ko, I'm a sinner, oo, dahil tao ako. Ikaw din makasalanan ka, lahat tayo. Kahit na aware kang mabait ka at mataas ang grade mo sa subject na Religion, makasalanan ka pa rin!! Ano ba susunod dito? Pag alam mo na at aware ka na makasalanan ka nga? Tatanggapin mo?

Wait, aware ka ba na ang tanging payment lang sa kasalanan ay KAMATAYAN? Oo, pramis! Ito ah, hindi ko talaga alam sang verse sa  Bible hahanapin ang FACT na ito. Oo, ito ay factual! Walang halong fiction. Hindi rin ito fairy tale.

So, okay, sayonara na ba? Kamatayan daw eh, eh lahat tayo makasalanan, eh di lahat tayo kailangan mamatay. Hmmm.. Hindi. Kantahin mo ulit, "Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan..." Ayan ang sagot.

Paano? Paano inalis yung kasalanan? Anong eraser ginamit? Tingin mo? Paano naligtas?

Sabi, KAMATAYAN lang ang kabayaran. Ayun, kaya si Hesus, pinako sa Krus, namatay. *poof!* Ligtas ka na. Ngayon kung tingin mo kabilang ka sa sanlibutan, wag ka na magdalawang isip, kasali ka dito, ligtas ka na!

Ito panigurado yung magiging mahirap dito, ang pananampalataya mo sa mga salitang toh (lalo na na parang di pa ako kapani-paniwala ~pero seryoso ako). FAITH.

Ako, ilang beses ko narinig toh bago ko talaga fully na-gets, medjo slow kase ako. Pero nitong huli nung narinig ko ulit toh, bigla akong napaisip na.. "Ah.. kaya pala tinawag siyang mabuting balita.. kase nga naman MABUTING BALITA naman talaga ito...!!!"

Di ba? OO, may langit at may lupa, at may impyerno. Nakakatakot, syempre, ayaw mo mapunta dun sa mainit na mainit na parte ng mundo. Pero, ano ito? Hindi na ako mapupunta dun, kase I have faith. Good news ito! Dahil mapupunta ako sa langit dahil sa FAITH ko that GOD is my savior. Ikaw? Di ka ba masaya?


Don't just open your ears to it, learn to listen.


Note: I'm open sa lahat ng opinion niyo patungkol dito, may respeto pa rin ako sa lahat ng relihiyon, kahit na ano pang relihiyon pa yan..pasintabi na lang. Kung may pagkakamali man ako sa mga nasambit ko, pwede i-comment niyo na lang. Salamat. :)




**********

Tuesday, July 24, 2012

update...

Hello, ayun, I just finished blog hopping! Grabe na-miss ko toh sobra! And I miss the people who has been blogging non-stop. Na-realize ko nga na yung iba eh nawala din pansamantala at kasabay ko lang lately na bumabalik sa blogging. I'm so happy!!

I also kinda miss my old blog. Sarap itago, pero ang sarap pa rin kase balik-balikan nung mga ka-epalan ko dun. Nainggit ako bigla sa mga bloggers na open book talaga. Medjo anxiety ko kase ang sobrang buksan ang libro ng buhay ko sa inyo. Pero alam ko naman na one way or another, madadaldal ko pa rin sa inyo yun, dahil kaligayahan ko ang i-blog yun at I should always do what makes me super duper happy! :)


Super energized ako, alam mo yun? Ang dami ko gustong idaldal.. gusto ko magsulat ng magsulat. Yeah. And grabe ang fast phase ng panahon na toh. Alam ko yung mga kaibigan ko ngarag na ngarag na kakaaya sa kin lumabas, kaso, lam mo yun, butas ang bulsa ng bagong graduate na toh. May hiya din naman ako sa magulang ko. Kaya ayun, sana maintindihan nila.

So whatever right, parang walang sense ang post na toh right.. walang kwenta din yung previous post ko eh. Parang di nasulat ng maayos.

**********

Mainit kase..

Nung isang araw, nag-jeep ako papuntang Morayta. Maya-maya, sa kainitan ng byahe, napalingon na lang ako sa driver na kasalukuyan nang nagmumura. Hindi ko pa gets kung ano talaga pinuputak ng budhi niya. Pero nung nakita ko yung truck na nakaharang sa jeep na sinasakyan ko at ang katangahang pag-overtake ng driver ng truck na ito sa maliit na daan o daluyan ng trapiko na yun, na-gets ko na.


Siguro sa tanang buhay mo, imposibleh na hindi ka pa naka-encounter ng mamang tsuper na badtrip sa byahe. Bakit kailangan magmurahan sa ganoong kaliit na bagay. Masasayang ba yung gas niya pag naghintay siya konti para makadaan na yung truck na nag-overtake? Eh halos mga jeep nga ngayon, pag walang sakay, bawat kanto tinitigilan eh para makahakot lang ng pasahero.


Kalye natin, hindi sa panlalait, pero ang katotohanan ng nakikita ko, madalas puro taeng madudumi. Mga taong gusto mandugas ng ibang tao, mga taong nag-uunahan, mga taong handang umapak ng ibang tao para makatungtong sa taas. Hindi mo na masisisi ang katabi mong naglalakad kung bigla niyang hawakan ng mahigpit yung dala niyang bag, kahit na naka-business attire ka pa, wala na kase mapagkatiwalaan ngayon. Ay.. tae ba nasambit ko sa unang linya ng paragraph na toh.. hayaan mo na, wala namang kinaibahan.

Kanina lang nabadtrip na naman ako sa isang pulubi, PAANO, pag-hindi mo binigyan, sisigawan ka pa ng "TABA mo P.I.! Ka!" Dalawang beses na nangyari sa kin yun, kaya never na talaga ako magbibigay, hindi rin naman talaga nakakatulong ang mga pa-piso-piso ng sino man, lalo lang sila magiging pulubi forever.


Ano bang problema talaga? Bakit ganun? Laging naghahanap ang tao ng pag-unlad pero me mga sarili nga hindi mapaunlad. Gusto nakabukaka lang maghapon sa bahay naghihintay ng grasya. Siesta, break time, sana walang pasok.. yung mga ganun? Parang laging hayok na hayok magpahinga... sana may bagyo...sana may sona.. paano ba naman uunlad.. konting galaw..pahinga.. konting init.. konting ulan... siesta.. Laging naghahanap ng madaling paraan eh wala namang madaling paraan para umunlad kundi paghirapan.




**********

Sunday, July 22, 2012

Gemini.

Itong ikkwento ko, isa toh sa mga kwento na magpapatunay na GEMINI talaga ako. Sabi nila, ang GEMINI daw, may OPPOSITE characteristics minsan o di kaya opposite behaviors.

Isa sa mga napansin ko eh BIPOLAR akong tunay. BIPOLAR ay yung mga taong extremes, extreme na malungkot tapos suddenly (as in OH SO SUDDEN) na magiging extreme na masaya. Hindi pa naman ako na-diagnose ng doctor, ibig sabihin, hindi ganun kalala. Madalas akong ambivalent kung magiging masaya ba ako o malungkot.

Pero hindi tungkol sa ka-bipoleran ko ang ikkwento ko, kundi itong dalawang characteristic ko na toh na sobrang hindi pwedeng magsama.. ay hindi.. baka pwedeng magsama pero magiging mahirap...  Ito yung kadaldalan ko at yung pagiging mapaglihim ko.

KADALDALAN. Alam kong madaldal na ko bata pa lang. Gusto ko lang kase kapag nakikipag-converse sa ibang tao eh tuloy tuloy. Ayuko ng dull moments. Tsaka masarap makipag-usap, makipagkwentuhan. Isa sa mga natutunan ko dito eh kung gusto mo maging close sa isang person, share a piece of your life to that person. Kaso ang problema sa akin di lang piece, kundi telenovela ng buhay ko ang kinukwento ko.

MAPAGLIHIM. Ang sarap talaga mag-blog, lalo na pag puro sa sarili ko yung kinukwento ko. Feel na feel ko sikat ako at ang dami nagbabasa. AT dahil nga ang tema ng blog na ito ay personal, at buhay ko talaga ang madalas na maririnig mo (siguro rinding rindi ka na), eh syempre di maiiwasan na sobrang ma-open book na ang life ko. Kaso ang problema dito, hindi ko naman talaga sinasabi lahat. Ngunit hindi ko sinasabi na nagsinungaling ako sa mga past na sinabi ko, ibig ko lang sabihin may mga kwentong absent at hindi pa nai-wawaksi.

Ngayon, hindi ko maintindihan paano ako naging madaldal at mapaglihim at the same time, pero nag-assume ako na ang mga susunod kong sasambitin ang sagot.

Madaldal ako, okay fine, pero may respeto ako sa sarili ko at sa ibang tao (lalong lalo na sa ibang tao). Ayuko nung idadaldal ko sa iba yung sekreto ng ibang tao para lang maka-close ko yung dinadaldalan ko o para lang may ma-chismis akong interesting (wala kang magiging tunay na kaibigan kung ganito ka).

Isa pa, napansin ko, takot na takot ako tumungtong sa mga milestones ng buhay ko. Kung baga, takot ako magyabang in advance kung hindi pa naman nangyayari yung certain milestone na yun. Kase pakiramdam ko baka pag nagyabang ako, lamunin ko lahat ng niyabang ko kase naudlot yung milestones. EXAMPLE, kunyari nung inaasikaso ko yung paglipad ko dati sa states, pwede ko naman ipagyabang yun ng todo todo, pero iniisip ko pa rin ang worst na pwede mangyari, possibleh din naman na maudlot yun di ba, kaya i decided na wag na lang ipagyabang.

Example pa ng mapaglihim moment ko eh nung nag-enroll ako sa CEU-Makati ng 2nd year. Nagulat ang mga kaklase ko nun na bigla akong nag-disapear sa CEU-Manila. Pati yung relationship namin ni Mayk, mapaglihim moment din yun, isang buwan na kame nung nalaman ng mga classmates ko na may boyfren na ko, dalawag buwan yata para sa besfren ko. At hanggang ngayon din naman, kung di ako tinatanong, hindi ko rin pinagyayabang ang edad ng pagmamahalan namin ni Mayk. Charot.

At kaya ko toh shinare, kase nga madaldal ako. May mga nililihim na naman ako sa inyo, na sa araw-araw na ginawa ni Papa God, kapag binubuksan ko ang NEW POST sa blogger, yun ang naiisip kong i-share, pero biglang maiisip ko.. wag na lang...


**********

Wednesday, July 18, 2012

Pwede bumalik sa puso mo?? :)

"If you wait until all the lights are green before you leave home, you'll never leave home."

Wew. And I'm back on blogging. Yehey!!! As in yung maayos na blogging ah. May mga nagpaparinig kase jan.. (si jhengpot po yun). Ibang-iba na daw kase ako mag-blog. Alam niyo totoo lang, simula nung hindi na ako masyado dumadalaw sa mga blogs ng mga dati kong finofollow, simula nung hindi na rin ako nagblog ng madalas, naging lifeless na ang buhay ko.

Minsan magchecheck ako ng facebook at twitter, paulit-ulit, pero wala akong napapala. At ngayon, may gas, ako'y mag-bblog hop na muli. At hinding hindi ko na kayo iiwan! Pramis! Hahahahahahahaha.

Hindi ko lang kase ma-manage ang buhay ko noon, pero ngayon, I'm rooting for this lifetime challenge, kahit na alam kong along the way, ma-bblanko din ako at mauubusan na ng madadaldal, ako ay magpapatuloy pa din.

Siguro kaya lang naman talaga ako nanahimik... kaya ako papalit-palit ng blog, pinaka-maganda ko ng alibi eh yung nahihirapan ako ISIWALAT lahat ng nararamdaman ko. Ang emo ko kase lage, db pansin niyo naman? Pakiramdam ko kung hindi ako magsusulat at kung hindi ako dadalaw sa inyo, pakiramdam ko, hindi niyo na din ako dadalawin at yun yung gusto ko (minsan), para hindi niyo na din mabasa lahat ng ka-emohan ko. Tsaka minsan, di ba? Kaya tayo nag-bblog para ilabas madalas ang mga nararamdaman natin. Eh nung time na yun, parang pakiramdam ko, nagiging work na sa akin ang pagbblog, pinipili ko na lang yung sasabihin ko, hindi na ako nagpapakatotoo, at ayuko nun.

Ayun lang...

Pero aaminin ko, nakakalungkot. Ang tahimik na nitong blog ko. Nakakapag-bigay zen in a way, pero nakakalungkot pa din, kase wala na lagi laman mga comment box ko, minsan meron at nagpapasalamat pa din ako dun sa mga taong walang sawang nag-cocomment dito. GRABE.. I salute you! Minsan yun na ang definition ko ng kasipagan.

At narealize ko, di ba, kung dati ka pa nagbabasa ng mga walang kwenta kong post, alam mong mahilig ako magsabi ng, "WAG MO AKONG DADAMAYAN.." or wag kang maaawa sa kin, yung mga ganun. Kase nga naisip ko na kaya ako nagsulat hindi para malungkot ka para sa kin, kundi para lang masabi ko nararamdaman ko. Pero narealize ko din, na kailangan ko din pala ng kadamay. Nobody is an island, kung baga.

Last na na-realize ko pa.. alam mo yung dati ang dami ko chismis, dami ko nalalaman, dahil nga sa pag-basa ng pag-basa ng mg blog. Napansin ko nga ang bilis ko talaga magbasa minsan. Nung tumigil ako, mabilis pa rin naman ako magbasa, pero napansin ko, wala na ako masyado alam, hindi na nadadagdagan laman ng utak ko, ang taba pa naman, sayang ang space. Hehehehe...

At ayun, welcome me with big hugs once again, ha? :)


**********

Tuesday, July 17, 2012

Please do this often..




Kailangan ko ang suporta niyo. Hahahahaha. Dahil kailangan ko na pumayat, yung as in seryoso. Hahahahaha... Meron naman akong plano. CLAIM IT AND YOU WILL HAVE IT! Hahahahaha.

Day 1.



**********

Monday, July 16, 2012

WHAT DOES NOT KILL YOU WILL STRENGTHEN YOU

Naku.. naku.. I need to write. Kailangan ko magsulat, dahil masaya ako. DI ba? Napapansin niyo ba ang ka-emohan ko lately!? Alam kong di naman natin talaga mapipigilan ang mga kalungkutan, minsan minsan talaga may mga dark days of the week tayo, parang kili-kili, minsan nangingitim. Kailangan ng kalungkutan, hindi puro saya, because we need balance, we need homeostasis!!

But then, we can't always insist na malungkot tayo. Imposible yun. Kahit nga ang mga namamatayan ng butiki, aso, palaka, langgam, na nag-ggrieve ay may katapusan din. (ang korny) Alam niyo, minsan pag malungkot kayo dahil sa mga failures niyo sa buhay, minsan kapag nababadtrip kayo dahil sa mga mistakes and tragedy na nararanasan niyo, minsan, sana marealize natin na totoo nga yung linya sa kantang yun (wala talaga akong idea ano yung kanta na yun, pero narinig ko lang), yung, "WHAT DOES NOT KILL YOU WILL STRENGTHEN YOU." ~(Hindi ko nga sure kung yan talaga yung linya, pero it's the thought that count)

Totoo yun! Every pagsubok sa ating life, hindi natin sila nararanasan ng WALA lang.. hindi natin sila nararanasan dahil TRIP lang ni LORD na badtripin tayo. Nararanasan natin sila for a reason, para mas maging matatag pa tayo. Shet, ang hirap.. ang hirap paintindi sayo, kase ako hindi ko rin naman talaga toh naintindihan, pero... it's like a lightning rod of realization (wow hanep..) oo, k bye.

Actually failures, shet, it will make us grow, develop our puberty, it will help us to be that person that HE wants us to be. We are not perfect, kase nga kung perfect tayo, siguro araw araw tayo euphoric, siguro araw araw tayo masaya, wala tayong problema, may gad, wala na tayo i-lolook forward the next day kung lagi tayo masaya.

Walang taong ganun, psychotic, adik lang meron. Pero ganun din naman na walang taong laging malungkot. Normal sa atin na may coping mechanism. May kanya-kanya tayong coping mechanism. Kailangan tayo mag-adopt sa buhay, at mag-move on. Yun...

Pag-abnormal ang coping mechanism mo inday, you know where you're gonna go.. sa Manda... Luyong... sa loob nun...

Happiness is an option... say it.. HAPPINESS is an option.. say it again!! GUSTO KO MARINIG! Piliin mo maging masaya.. pramis.. PWEDE yun.


**********

Saturday, July 14, 2012

Abandunado.

It's creepy, setting my foot inside that sad, old and dull house. Vividly, the melancholic memories has set in, and that weird smell increases the peristalsis of my tummy.



Abandunado. I can't imagine the hurt of my parents on leaving such a tragic household behind. But what I can imagine is the chismis the kapitbahays will make. Not giving a fuck is just enough.

Moving on, I'm not sure if that's the key. They are still hoping for that one more.. one more... pain in the ass, a chance of light in the midst of darkness. I say, let's just start all over again. But they truly believe they know enough.

I say, ikaw na bahala Lord. Alam mo na. Whatever YOUR decision maybe in that glimpse of chance, I will forever say AMEN. We don't deserve anything more, but YOU had already given it all.

But, upon contemplating about it, marerealize mo naman eh. We have more blessing compare to some who can't even eat thrice a day. Blessed tayo, we had people around us and thus we survive. We are blessed morethan we can ever imagine. Bulag nga lang. Di natin makita yun, cause we are looking straight afar, away.

I know there are better things ahead of us.





**********

Monday, July 9, 2012

Friday, July 6, 2012

Post # 5: Kailan ba chichilax?


(May 2, 2012 10:38 am original post)

Dalawang araw kameng walang pasok, at bilang ganti.. magchichillax muna ako ngayong araw. :) Pero at least share among you our updates from our hospital.. although hindi ito kailangan ipagmalaki kase..uhm kame na lang yata ang school na ganito at nag-aasikaso..

kawawa naman kame hindi na kami nakapagreview ng matiwasay. x(

Pres. Diosdado Macapagal Memorial Medical Center --> Nakuha ko na..
Tondo Medical Center --> Napasa na kay Mam Cristobal
Jose Reyes Memorial Medical Center --> dadalhin pala kay sir gatchy
East Ave Medical Center --> Thursday May 3 10 pm - 6am pupuntahan
Mission --> Napasa na, bukas pa makukuha daw.
Quezon City General Hospital --> Napasa na, May 4 pa makukuha ulit
Capitol Medical Center --> napuntahan na nila jam, ewan kailan makukuha
Pasig City General Hospital --> baka may 4 pa makuha.
Fabella --> napasa na daw kay ma lacopia
Mandaluyong Medical Center --> yung kay ma'am roxas pa ang daw okay
Ospital ng Manila --> Ongoing si Amy

Ayun.. at dahil jan.. ako ay maglilinis muna ng konti dito sa munting kwarto namin ni Mayk.. hmmm at baka pumunta ako sa bestfriend ko na si Abi mamaya.. hayyy <3

--------------------------------------------------------------------------------------------------------


Alam mo, gusto kong umiyak. Kase si mama may problema sa states. pero wala naman ako magawa para malaman kung okay lang ba siya dun or what. Nag-aalala ako. x(

Wala lang.

**********

Thursday, July 5, 2012

We meet again, and hope we meet again.


Had a decent dinner with friends. It's been a while since we had a get together. Nakakamiss. Mas nakakamiss yung bonding moments noon, lalo sa starbucks. Namimiss ko na talaga yung sobrang tawa, sobrang epal moments. Hayyy.. It's been a while na nga, kulang pa din. Ayun, kaya medjo malungkot.. WALA PA AKONG UBE JAM!! Hahahahaha. Badtrip. Chos. Pero seriously, HEARTBREAKING, since medjo matagal-tagal na ding plano toh.

Nahila ko lang din si Dawn para sumama. Nakuuu... "Malaki ka na, you know what's right and wrong!" Sabi ni papang sa kanya. Lol.. Pare-pareho lang din sila ng reaction, "wow, pinayagan ka!" Sorry lang, di maka-get over. Ayun, at ito ay small dinner lang naman with Ahyz & Austin, Dawn, Ate Cute, and Mayk 


Narealize at naalala ko lang din yung paglamon ko nung gabi na yun. Parang di yata small dinner. Parang lamon attack eh. Puro sea food ang drama namin. Tsalap tsalap and at a fair prize!!! Hahahaha.

Kahit na hindi ako naturuan kumaen ng alimango, nagpapasalamat pa rin ako na may boyfriend akong maghihimay para sa akin. Hahahahahha. Si Dawn nga, yung tempura na lang inupakan, pano mamamatay na sa pagbabalat ng hipon. At least, di pa rin ako talo, marunong ako magbalat ng hipon. Hahahaha.


Dito ko lang din nalaman (sorry ulit) na pwede pala na kame yung mamili sa dampa, para mas mura. Mas cheap, eh ganun din naman. Lagi kame kumakaen nila Dadi dito sa Aling Tonyang, pero nito, sa Aling Mahrsya kame kumaen. Yung sa may Macapagal. Ang taray ni Ateng bading na nagtanong ng order, at hindi ko siya like.






Ayun... Sorry ulit.. kase parang gusto pa yata nila na lumabas pa kame, kaso may pupuntahan pa kame ni Mayk at may curfew si Dawn, kaya ayun, hindi na. Kailangan ko iuwi si Cinderella, este si Dawn, ng maaga, kase baka... sa labas siya ng bahay matulog.

Hindi nga alam nila Ahyz na isasama ko si Dawn, surprise baga. Ilang beses ko na nga pinaparinggan sa text si Ahyz na, "Uy may kasama akong iba ah.. hindi si Mayk.." ay ah, hindi man lang ako patulan ng, "Sino kasama mong iba?" Ahyz talaga.

At sinuong ko ang ulan, naiwan ko pa ang payong ko sa tricycle sa pagsundo ko kay Dawn. Pero hindi naman ako nagsisisi dahil miss na miss ko na din si Dawn! Hahahaha! Lab you Dawn!






Dapat celebration din toh ni Austin eh, dahil mag-bibirthday siya, kaso parang not much of a celebration, hindi naman na-focus sa birthday. Parang puro picture lang namin. Ako, puro daldal. Hehehehe. Pero okay na din, kase at least, first time namin makasama si Austin.
Masaya ako para sa kanilang dalawa ni Ahyz.

Advance Happy Birthday na lang!


Pero ang hindi ko nabati ng bonggang-bongga, si Ahyz! Sorry na Ahyz. Nung time kase na yun, kasalukuyan akong nag-boboard exam. NP4 at NP5, kaya ayun. Alam ko naman na naiintindihan mo. Hahahahhaha. Tsaka kahit nung natapos na yung exam, manhid pa rin ako.




Tapos, hindi ko rin masyado narealize nung kumaen tayo na hindi kita binati.

Kaya pabawi... AHYZ! HAPPY BIRTHDAY!!!

Ikaw na ang mala-Anne Curtis o mala-Solenn Heusaff kong friend. Masaya ako nakilala kita sa buhay ko, kahit na ang natatanging nag-hawig lang sa buong pagkatao natin eh ang ILONG natin na parehong muntik nang mabura.

I love you, ikaw, kung ano ka man, kung ano man maging desisyon mo sa life mo, kase alam ko na jan ka mag-ggrow. Weeeeeeeehhh.. More birthdays to come, habulin mo naman daw yung edad ni Dawn. Lol. Pero ayun. Wish you more happiness and more blessings in life. Sana, we eat again, sana we bond again, sana we laugh so hard hanggang i-ubo na natin yung utak natin. Hahahaha.. I suggest, comedy bar! Hahahahaha. Pero wag muna ngayon, may balak ako magtago eh.


At ayun lang naman...

Belated Happy Birthday Ahyz & Advance Happy Birthday Austin!!!
Salamat sa ating lamon.  More lamon to come. At sana complete na tayo! :)


**********

post #4: Busy sa labor day

(Labor Day 2012, 10:46 am original post)

Kahit walang pasok, iniisip ko pa rin yung mga forms namin sa prc. Although okay na lahat. Hmm.. parang di ko alam kung mag-chichillax na ba ako o ano ba? Yung ibang classmates ko din na hindi naman nakapaghabol kahapon eh hindi alam paao maghahabol. Nakakagulo ng utak.

Updates ng hospital:

Pres. Diosdado Macapagal Memorial Medical Center --> Kukunin ko na lang later after lunch.
Tondo Medical Center --> Napasa na kay Mam Cristobal
Jose Reyes Memorial Medical Center --> Napasa na din kay Mam Cristobal
East Ave Medical Center --> Thursday 10 pm - 6am pupuntahan
Mission --> Jam or Glenda
Quezon City General Hospital --> Friday,
Capitol Medical Center --> Bukas mapupuntahan nila Jam ng morning
Pasig City General Hospital --> Dadalhin na mamaya ni Maan
Fabella --> To be pass tomorrow daw
Mandaluyong Medical Center --> yung kay ma'am roxas pa ang daw okay
Ospital ng Manila --> Ongoing si Amy




**********

Post #3: Revise revise

(April 28, 2012, 9:16 pm original post)


After ng buong araw na buong pusong pag-eedit ng mga forms namin para sa PRC, ito at pag-uwi na naman namen eh stress na naman dahil may mga minor changes pa rin na dapat gawin. Parang sobrang, WHAT THE HELL. SHIT THIS AND THAT and PUTANESSKA.

I know, I know, dapat professional human being. Ayun, sinusubukan ko naman for your information.

Anyway. Although its been a day full of stress (evidence by increase in yosi intake), eh pinilit ko pa din maging super happiness ang araw ko by laughing with my classmates na gumagawa din ng kani-kanilang mga forms. Ang hirap lang, yung akala mong mga hawak mo na na mga forms eh okay na, akala mo ready na kahit may mga  minor error lang, akala mo mahinahon ka na lang maghihintay dun sa kapiranggot na mga kulang----- pero di pa rin paa.. Ahuhuhuhu plus flat affect face.

Gusto ko magwala, pero ano ba naman magagawa nun di ba? Gusto ko manisi, pero ano bang mapapala. Mabuti pa tumulala. Katulad kagabi, nakatulala lang ako sa Mc Delivery site ng McDo habang namimili ng malalamon.

Naiisip ko na lang. Sige na nga. Go go go na. Para maging maaga din ang panahon na pwede na kameng mag-focus sa pag-aaral. Ayun.

Ano man ang mangyari, malalagpasan din ang lahat ng ito.


**********

Wednesday, July 4, 2012

Post#2: Leche

(April 27, 2012 11:05pm original post)

Gusto ko lang magsumbong talaga sa blog ko. Sa ikapapanatag ng lahat ng nararamdaman ko. Totoo lang ang hirap talaga minsan magalit, galit ka, gusto mo mag-revenge, pero parang wala kang karapatan na magreklamo. Minsan iniisip ko na lang, imbis na magreklamo at manisi, wag na lang, kase hindi naman din kame uusad kapag ganun ginawa namin.

Grabe, ilang araw na lang, deadline na sa PRC, ang mga completion forms namin, latak pa rin. Nakakaiyak talaga. Walang organisasyon ang NURSING ng college namin. Totoo. Factual ito. Lalo pa ang section namin na unfortunately nawalan ng president at simula nung nalaman niyang bagsak na siya, para kameng mga ibon na tinanggalan ng pakpak.

at ito na nga, magsusumbong na talaga ako, RANT starts now.

Una lang, nakakabadtrip dahil kung kailan di pa okay ang lahat ng PRC forms namin (at LATE PA INASIKASO), tsaka naman pinalitan si DEAN Toooot. Hello? Hello? Are you okay? Yan ang number one source din ng inis ko ngayon. Okay lang sana yung paikot-ikot ka sa NCR at nag-hohospital hopping ka eh dahil pagkukulang mo naman talaga na di mo inasikaso ng maaga ang lahat, pero ano? Nakikisabay pa yung pagkawala ng DEAN sa school sa mga stressor? Kailangan literal na nanghahabol ng taong laging wala sa school?

Pangalawa, ang REVIEW namin? NGAYON ewan ko na lang sa kanila. Pagkatapos nila kame ilagay sa hindi makatwiran na coordinator ng theoretical at in-house review, ngayon naman eh sinasayang nila ang perang pinangbayad namin sa mga review center.

PUTA if I may speak. Pasensya na sa pledge of loyalty na binigkas ko nung graduation.

At akala yata ng mga coordinator eh mga superhero ang mga studyante. Talaga. Nagpapahabol sila. Kumbaga kame talaga ang may kailangan, at sila ang dapat habulin. Katulad na lang ni Ma'am Toooot. Alam ko may pagkukulang ang bawat isa sa amin sa section na kinabibilangan ko, pero ginawa naman namin lahat ng part namin at nagsolo ang section namin na isa-isahin ang bawat hospita na kinabibilangan namin. Pero puta to the highest level. pagkatapos ko siya habulin nung isang araw, naubos ang buong araw ko kakahabol sa kanya, eh puta mawawala lang pala ang form ng mga classmates ko.

At ako pa ngayon ang pupunta sa hospital na yun na on the first place dapat una ko nang ginawa.


The best pa ang nakuha namin balita kanina. Ito, to the highest level talaga. Madami pa talagang forms ang hindi okay. MADAMING MADAMI pa. Pero wag ka, kung maka-GM naman yung isa pa naming coordinator na si TOOOOTTT, puta. Dalhin daw ngayong hapon ang mga forms at bukas daw magpipirma si Dean ng 7am. HUWAAAT the pakinininin. Burn in hell.


Kapag hindi ko talaga natapos toh. Baka magpakamatay ako. Joke. Hindi naman masyado. Pero susubukan ko talaga, na maasikaso lahat ng ito. Pag walang nangyari.. ewan ko na lang.

Plano:

APRIL 30 - Jr, PDMMC
MAY 1 - Fabella

MAY 2,3,4,5 - dapat okay na napapirmahan na
MAY 6,7,8,9,10,11 - PRC

goodluck.



**********

Tuesday, July 3, 2012

Kamil's Ultimate Dream

Before you start reading, sana na like mo na ang post na ito sa facebook, ITO! or na-retweet man lang ang post na ito sa twitter, ITO!

***

Nung bata ako, I know I used to play doktor-doktoran, and the thing is, ako yung doktor, ako yung pharmacist at ako din yung pasyente at the same time. Di ako naglaro ng nurse, kase hindi ko talaga alam ginagawa nung nurse at that time, pero ang galing alam ko yung pharmacist! But, yup, ako'y isang nurse na ngayon (at least assuming while waiting for the board exam's result db).

Ang weirdo lang, kapag pala ganitong gumagraduate ka, bigla ka napapaisip kung ano talaga ang dapat mong gawin na susunod, kung sa paanong way ka hindi magiging palamunin, kung saang lupa ka maghuhukay ng pera, o kung saang lupa mo ba ilulubog yung sarili mo pag-bagot na bagot ka na, yung mga ganun.

Ngayon talaga sasabihin ko sa imo, gusto ko mag-doktor! Gusto ko ng PhD or MD sa title ng pangalan ko. Gusto ko magmukhang matalino paminsan-minsan. The ultimate of the most ultimate!



Anyway, bakit bakit bakit. The ultimate reason behind this, kase, bukod sa uso yata, eh gusto ko i-enhance ang aking knowledge and power. Ayuko na maging tanga-tanga. Alam mo yun? Brain power ang mag-aral, kaya as long as you can grab it, go! Win-win naman toh di ba? Tsaka balita ko ang pag-enhance daw sa utak eh can prevent Alzheimer's... yata..daw.. kung tama pagkakaintindi ko.


Pero alam mo naman ang mga cliche ng mga ganitong pangarap di ba? May ka-imposiblehan. May hadlang. Parang teleserye. Pero, normal lang naman problema ko dito, hindi na kailangan  ng kadramahan. Wala lang kameng pera, at kailangan ko na rin tumulong sa pamilya ko kase, hindi kame rich, yah know?!

Pag-sinabi ko kay Mamang na, "Mommy I want to study again..." Yah know? Lulubog ang dalawang mata nun. And of course, ayuko mangyari yun.

At kung mangangarap ako mag-aral ulit, kailangan ko na sustentuhan ang sarili ko.. di ba? Tama naman di ba? (Na-iimagine ko ang hard core na pag-tango ng nanay at tatay ko)*

Ngayon, ang hindi ko pa concretong plano patungkol dito ay, of course, chill! Kase hindi pa nga lumalabas yung resulta ng board eh, hindi pa ako nag-nnclex, alam mo yun. Isa-isa lang dude. One step at a time. Alam kong papasok na ako sa totoong katotohanan ng mundo na totoo (ano daw?), pero wala pa rin dadaig sa isa-isang maliliit na tapak, na ika nga in english is one small step for a man, a giant leap for mankind, yah know?! *ngisi

And along the way, gusto ko din i-enjoy ang journey na toh. Alam kong hindi pwedeng sulat na lang ako ng sulat ng plano dito sa blog ko. Nakaka-umay!! Dapat, set actions. Short term goal ko lang naman dito ay mag-work, ipasa ang mga exams and I know everything will follow and will be at the right places and at the right time, in God's will! Dahil kung ano man ang plano NIYA para sa kin, yun din ang plano ko para sa sarili ko. Hello, siya kaya ang Boss ko!!

 Dreaming is one thing, but obviously, FAITH is a bigger thing!! You'll just have to believe. Madalas nga kinukwento sa review namin ang LAW of attraction, kung ano pinapaniwalaan mo, most likely, mangyayari yun. Kahit gaano man ka-imposibleh o gaano man ka-praning ang pangarap mo sa buhay, you'll just have to believe!!!

So kayo?  *With parang pang-commercial na tono*  Ano ULTIMATE DREAM niyo? 


*********************

PS: Pwedeng pwede ka maging narcistic at i-blog mo din ang sarili mong ULTIMATE DREAM! And you'll have a chance to win a LIFE PLANNER!! *mukha lang po akong nagjojoke, pero hindi ako nagjojoke. Basahin na lang ang paraan ng pagsali dito -----> CLICK HERE!!


At kung ayaw mo naman sumali, like mo na lang itong post na ito sa facebook ---> ITO ITO ITO!  or re-tweet this post on twitter --> ITO ITO ITO!! para ako na lang ang manalo... hahahaaha! :)

*had fun making this post. :)






**********

Post #1: Stress

(04/21/2012 10:01pm original post)

Sabi ko sa status ko, bye facebook! bye twitter! At sinabi ko rin na bye blogging! Hahahah. Pero eto ako, nagbblog. Sorry, buhay ko toh.

Sobrang stress, hindi dahil sa pagrereview kundi sa mga bagay na kailangan i-accomplish para sa school clearance. Hmmm.. Alam mo yung psychotic na ko kanina, gusto ko na magpakamatay kung yun ang pinakamadaling mean para mawakasan na ang mga stress na nararamdama ko.

Alam mo yung 70 days na lang (maya-maya  69 days na lang) at BOARD EXAMS NA! Yan ang totoong dahilan bakit ako ay pansamantalang magtatago sa facebook at twitter. At hindi lang magtatago, hindi talaga ako gagamit. Pero ano? Imbis na nagrereview kame, kanina, kame ay nag-aaksaya ng oras sa skwela, naghihintay na ma-cleared. At ang dami pa naming kulang kaya sa malamang sa alamang kame ay babalik pa sa school.

Ang mga alam kong kulang namin:

  • PRC forms
  • Certificates ng mga ka-batch namin na kailangan namin i-disseminate.
Hindi ko na alam kung meron pa bukod jan, pero isa-isa lang. Yan na muna. Alam kong stress na stress na ko. Alam kong stress na stress na din mga classmates namin, halos di namin alam kung makakapag-board exam ba talaga kame ngayong June 2012 dahil nga hindi pa tapos ang lahat ng ito.

Spell stress talaga kame.

Pero kanina, sa kalagitnaan ng stress, kinalma ko sarili ko. Pinauulit-ulit ko sa utak ko na, CHILL kamil, may hangganan din toh. Kahit na wala pa yung pinaka-importanteng bagay kung bakit ako ay nasa school kanina (yung record form na kailangan ipapirma sa dean namin, di ko alam sang lupalop napunta) eh pinilit ko pa rin ang sarili ko kumalma.

Sublimation. Yung mga energy ko na kabadtripan eh diverted na lang sa pag-pplano kung paano ba kame uusad. 

Naisip ko tuloy, habang nasa byahe ako pauwi, kahit papaano salamat na din at may Omnipotent na nagparamdam sa akin na kailangan ko kumalma. Bukod sa nagtipid ako ng energy ko, nakapag-isip pa ko ng maayos. Uusad din kame. Naniniwala ako.

Isa pa, yung iniisip ko na maikling panahon na lang ang two months para mag-aral, binura ko yun sa utak ko kanina. Hindi yun maikli, at kakayanin ko mag-review. Siguro itong mga inaasikaso sa school, ngayon lang toh, pero sisiguraduhin ko na sa MAY at JUNE, wala na kameng ginagawang ganito. FOR SURE.

Naisip ko din na, ganito talaga, kailangan maging problemado. Di ba? Ang weird naman ng taong walang problema di ba? Yung araw-araw ang saya-saya mo. Parang? Ano? Masaya ka na eh, eh di wala ka na i-lolook forward kinabukasan, kase okay ka na sa life mo eh. Parang ang taong walang problema, hindi tao. Lol.

Normal lang toh. 

Minsan talaga lahat ng mga actions natin may katumbas na effect sa buhay natin. Pero ang kailangan lang maging matapang tayo sa kung ano mang effect yun, dahil naging desisyon natin ang buhay natin. Parang sa jeep, pag sumakay ka. Minsan may choice ka o wala sa kung saan ka banda uupo. Kung napa-upo ka malapit sa driver at ikaw na ng ikaw yung nagpapasa ng barya dun, panindigan mo, wala naman mawawala sayo at baka mag-gain ka pa nga, self growth.




**********