Pages

Sunday, July 29, 2012

A Better Place.

I believe that we are molded into the person that we are right now through the circumstances that we had experience from the past. Kaya yung pagiging emotional ko, pakiramdam ko, may dahilan talaga. Pero dahil alam ko na medjo taboo ang maging emotional (kase madalas feeling ng iba papansin o nag-iinarte lang), eh madalas, nagpapaka-tigas na lang ako. Pero, okay lang, kaysa naman araw-araw ka mag-dwell sa mga bagay na hindi mo naman hawak ang kapalaran, kaysa naman di ka mag-move forward towards greater means di ba? Minsan, nakakabuti din makipag-hide and seek sa nararamdaman, nagsisilbing analgesic, nagiging painless.

At ako'y magkkwento.

Ang totoo niyan, ang dahilan ng post na ito at yung nakaraan kong post na walang kwenta, ITO, ay ang pagkawala ng isang importanteng bagay sa pamilya namin. Ang aming munting bahay at lupa. Pero alam mo yun, ang manhid ko din, kase pakiramdam ko napagdaanan ko na  toh, parang tapos na yung phase na toh eh, kase parang matagal ko na naranasan yung lost na toh. Noon kase may nangyari na ding ganito, may importanteng bagay din ang nawala sa amin, actually mas importante pa nga yun kaysa sa bahay namin.

Anyway, pasensya na kung medjo malungkot, pero sabi ko nga di ba, sa header ng blog ko, happiness is a choice. Although kailangan din naman i-let out ang mga nararamdaman, kahit once or twice lang, para hindi tayo magkasakit sa puso pag-tanda. Alam niyo ba na yun ang isang dahilan bakit mas madaming lalaki ang namamatay ng maaga (sabi nila), dahil usually mga babae lang ang mas-open sa mag-let-out ng mga hinaing sa buhay.

Nakakatuwa yung utak ko. Kase sa gitna ng malaking dagok sa buhay namin na toh, naiisip ko pa rin na ayuko na manisi ng sino man sa malaking pagkakamali na toh. Magiging masakit, oo, pero alam mo yun, the harder you fall, the higher you're gonna bounce back. Alam ko tong failures and mistakes na toh, parte to ng mas malaking plano, a better place for everyone. Wala naman siguro kayong narinig na taong nagtagumpay ng hindi naghihirap, madalas nga ang mga pangyayari na ganito ang magtuturo sayo ng daan.

Gusto ko mag-mukhang strong para sa pamilya ko. Sasabihin ko na sa inyo, naghahanap talaga ako ng trabaho ngayon. So far, may inapplyan ako, pero di ako natanggap. At least, alam kong hindi ako nananaginip habang tinutupad ang mga pangarap ko, kung nananaginip ako, edi isang segundo lang, mayaman na ko, kaso pag-gising ko, sus, tulo laway lang pala.

Malungkot, literal na malungkot talaga. Hiwahiwalay kame nila Mama, nila Dadi, kahit mga kuya ko, hindi ko kasama ngayon. Lumilipas ang isang araw na hindi ko sila nakikita, nakakasalamuha, halos fb na lang means of communication namin. Tapos ngayon, lahat ng ala-ala sa bahay na yun, ayun.. *poof* it became coco crunch na lang bigla. Pero ganun talaga, magiging malungkot talaga, at given na yun. Pero pagkatapos nito, I'll come out strong, we, we will come out strong and rest assured we will will learn something from these. Lahat ng kalungkutan na toh, alam ko binigay toh ni Lord sa amin, at binigay niya ito ng may dahilan.

No use on pitying ourselves over and over again. We get to cry and grieve, but we must move on. No use on holding unto the tragic memories. Nabasa ko toh kay Wes Beavis, sa book niya, na alam mo yun, paano ka aangat kung puro laman ng bagahe mo eh mga bagay na hindi naman ikaw matutulungan umangat.

"Why would we want to make the journey harder by carrying burdens that we have freedom to leave behind." ~Become the Person you dream of being by Wes Beavis
Feels good to let it all out.

**********

8 comments:

  1. be happy always... failures are part of LIFE. SMILE ^__________^

    PS: ang cute ng bagong background at header :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks Jessica! Kaw din be happy always!! Thank you sa compliment sa bago kong PLUM blog.. :)

      Delete
  2. ang ganda ng bagong layout natin. tamang tama para good vibes. bata pa tayo(oo kasama talaga ako =D) marami pa tayong pagdadaanan pagsubok tulad nga ng sabi mo sis, hapinness is a choice, and its no use on dwelling on problems and things that is gone already. pano ka lilipad kung ang daming hadlang sa paglipad mo na ayaw mong bitawan?

    isipin mo na lang sis na absense makes the love grow more and more fonder. =D magkakasama sama din kayo ulit ng family mo. and God bless sa paghahanap mo ng work. fight-o!

    ReplyDelete
  3. just be thankful that it was once yours..kung anu man ang mga mahalagang nawala sau sigurado naman ako na may magagandang memories yun na pwede mo i-reminisce at magpapangiti sau..at tama ka naman everything has a reason..sabi ng title ng post mo there's "a better place"..

    superlike ko ang bagong look ng blog mo girl :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you Pink Line.. much appreciated ang iyong pagdalaw!! :)

      Delete
  4. weee... ganda ng layout.. :)

    ReplyDelete

Anong meron?