***
Nung bata ako, I know I used to play doktor-doktoran, and the thing is, ako yung doktor, ako yung pharmacist at ako din yung pasyente at the same time. Di ako naglaro ng nurse, kase hindi ko talaga alam ginagawa nung nurse at that time, pero ang galing alam ko yung pharmacist! But, yup, ako'y isang nurse na ngayon (at least assuming while waiting for the board exam's result db).
Ang weirdo lang, kapag pala ganitong gumagraduate ka, bigla ka napapaisip kung ano talaga ang dapat mong gawin na susunod, kung sa paanong way ka hindi magiging palamunin, kung saang lupa ka maghuhukay ng pera, o kung saang lupa mo ba ilulubog yung sarili mo pag-bagot na bagot ka na, yung mga ganun.
Ngayon talaga sasabihin ko sa imo, gusto ko mag-doktor! Gusto ko ng PhD or MD sa title ng pangalan ko. Gusto ko magmukhang matalino paminsan-minsan. The ultimate of the most ultimate!
Anyway, bakit bakit bakit. The ultimate reason behind this, kase, bukod sa uso yata, eh gusto ko i-enhance ang aking knowledge and power. Ayuko na maging tanga-tanga. Alam mo yun? Brain power ang mag-aral, kaya as long as you can grab it, go! Win-win naman toh di ba? Tsaka balita ko ang pag-enhance daw sa utak eh can prevent Alzheimer's... yata..daw.. kung tama pagkakaintindi ko.
Pero alam mo naman ang mga cliche ng mga ganitong pangarap di ba? May ka-imposiblehan. May hadlang. Parang teleserye. Pero, normal lang naman problema ko dito, hindi na kailangan ng kadramahan. Wala lang kameng pera, at kailangan ko na rin tumulong sa pamilya ko kase, hindi kame rich, yah know?!
Pag-sinabi ko kay Mamang na, "Mommy I want to study again..." Yah know? Lulubog ang dalawang mata nun. And of course, ayuko mangyari yun.
At kung mangangarap ako mag-aral ulit, kailangan ko na sustentuhan ang sarili ko.. di ba? Tama naman di ba? (Na-iimagine ko ang hard core na pag-tango ng nanay at tatay ko)*
Ngayon, ang hindi ko pa concretong plano patungkol dito ay, of course, chill! Kase hindi pa nga lumalabas yung resulta ng board eh, hindi pa ako nag-nnclex, alam mo yun. Isa-isa lang dude. One step at a time. Alam kong papasok na ako sa totoong katotohanan ng mundo na totoo (ano daw?), pero wala pa rin dadaig sa isa-isang maliliit na tapak, na ika nga in english is one small step for a man, a giant leap for mankind, yah know?! *ngisi
And along the way, gusto ko din i-enjoy ang journey na toh. Alam kong hindi pwedeng sulat na lang ako ng sulat ng plano dito sa blog ko. Nakaka-umay!! Dapat, set actions. Short term goal ko lang naman dito ay mag-work, ipasa ang mga exams and I know everything will follow and will be at the right places and at the right time, in God's will! Dahil kung ano man ang plano NIYA para sa kin, yun din ang plano ko para sa sarili ko. Hello, siya kaya ang Boss ko!!
Dreaming is one thing, but obviously, FAITH is a bigger thing!! You'll just have to believe. Madalas nga kinukwento sa review namin ang LAW of attraction, kung ano pinapaniwalaan mo, most likely, mangyayari yun. Kahit gaano man ka-imposibleh o gaano man ka-praning ang pangarap mo sa buhay, you'll just have to believe!!!
So kayo? *With parang pang-commercial na tono* Ano ULTIMATE DREAM niyo?
*********************
PS: Pwedeng pwede ka maging narcistic at i-blog mo din ang sarili mong ULTIMATE DREAM! And you'll have a chance to win a LIFE PLANNER!! *mukha lang po akong nagjojoke, pero hindi ako nagjojoke. Basahin na lang ang paraan ng pagsali dito -----> CLICK HERE!!
At kung ayaw mo naman sumali, like mo na lang itong post na ito sa facebook ---> ITO ITO ITO! or re-tweet this post on twitter --> ITO ITO ITO!! para ako na lang ang manalo... hahahaaha! :)
*had fun making this post. :)


No comments:
Post a Comment
Anong meron?