Pages

Sunday, July 22, 2012

Gemini.

Itong ikkwento ko, isa toh sa mga kwento na magpapatunay na GEMINI talaga ako. Sabi nila, ang GEMINI daw, may OPPOSITE characteristics minsan o di kaya opposite behaviors.

Isa sa mga napansin ko eh BIPOLAR akong tunay. BIPOLAR ay yung mga taong extremes, extreme na malungkot tapos suddenly (as in OH SO SUDDEN) na magiging extreme na masaya. Hindi pa naman ako na-diagnose ng doctor, ibig sabihin, hindi ganun kalala. Madalas akong ambivalent kung magiging masaya ba ako o malungkot.

Pero hindi tungkol sa ka-bipoleran ko ang ikkwento ko, kundi itong dalawang characteristic ko na toh na sobrang hindi pwedeng magsama.. ay hindi.. baka pwedeng magsama pero magiging mahirap...  Ito yung kadaldalan ko at yung pagiging mapaglihim ko.

KADALDALAN. Alam kong madaldal na ko bata pa lang. Gusto ko lang kase kapag nakikipag-converse sa ibang tao eh tuloy tuloy. Ayuko ng dull moments. Tsaka masarap makipag-usap, makipagkwentuhan. Isa sa mga natutunan ko dito eh kung gusto mo maging close sa isang person, share a piece of your life to that person. Kaso ang problema sa akin di lang piece, kundi telenovela ng buhay ko ang kinukwento ko.

MAPAGLIHIM. Ang sarap talaga mag-blog, lalo na pag puro sa sarili ko yung kinukwento ko. Feel na feel ko sikat ako at ang dami nagbabasa. AT dahil nga ang tema ng blog na ito ay personal, at buhay ko talaga ang madalas na maririnig mo (siguro rinding rindi ka na), eh syempre di maiiwasan na sobrang ma-open book na ang life ko. Kaso ang problema dito, hindi ko naman talaga sinasabi lahat. Ngunit hindi ko sinasabi na nagsinungaling ako sa mga past na sinabi ko, ibig ko lang sabihin may mga kwentong absent at hindi pa nai-wawaksi.

Ngayon, hindi ko maintindihan paano ako naging madaldal at mapaglihim at the same time, pero nag-assume ako na ang mga susunod kong sasambitin ang sagot.

Madaldal ako, okay fine, pero may respeto ako sa sarili ko at sa ibang tao (lalong lalo na sa ibang tao). Ayuko nung idadaldal ko sa iba yung sekreto ng ibang tao para lang maka-close ko yung dinadaldalan ko o para lang may ma-chismis akong interesting (wala kang magiging tunay na kaibigan kung ganito ka).

Isa pa, napansin ko, takot na takot ako tumungtong sa mga milestones ng buhay ko. Kung baga, takot ako magyabang in advance kung hindi pa naman nangyayari yung certain milestone na yun. Kase pakiramdam ko baka pag nagyabang ako, lamunin ko lahat ng niyabang ko kase naudlot yung milestones. EXAMPLE, kunyari nung inaasikaso ko yung paglipad ko dati sa states, pwede ko naman ipagyabang yun ng todo todo, pero iniisip ko pa rin ang worst na pwede mangyari, possibleh din naman na maudlot yun di ba, kaya i decided na wag na lang ipagyabang.

Example pa ng mapaglihim moment ko eh nung nag-enroll ako sa CEU-Makati ng 2nd year. Nagulat ang mga kaklase ko nun na bigla akong nag-disapear sa CEU-Manila. Pati yung relationship namin ni Mayk, mapaglihim moment din yun, isang buwan na kame nung nalaman ng mga classmates ko na may boyfren na ko, dalawag buwan yata para sa besfren ko. At hanggang ngayon din naman, kung di ako tinatanong, hindi ko rin pinagyayabang ang edad ng pagmamahalan namin ni Mayk. Charot.

At kaya ko toh shinare, kase nga madaldal ako. May mga nililihim na naman ako sa inyo, na sa araw-araw na ginawa ni Papa God, kapag binubuksan ko ang NEW POST sa blogger, yun ang naiisip kong i-share, pero biglang maiisip ko.. wag na lang...


**********

5 comments:

  1. ambivalent
    KADALDALAN - spontaneous 'yan!
    MAPAGLIHIM eh sige na nga secret mo na lang 'yan, alam ko hindi ako ang unang nagcomment kasi naka lock ito por aprobal ahaha, alam mo bang mas magandang bumista sa mga katulad mong nagboblog dahil gusto mong ikaw ang pag-usapan kaysa sa ibang tao, tama naman 'di ba? at sa tinagal tagal ng stay ng blog mo sa browser ko dahil may work pa ako, kaya nilubos lubos ko na ang comment ahaha. Salamat sa tulong sa kapwa mong blogger dito sa Qatar.

    Smile always!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kuya mali ka... Ikaw ang unang nag-comment dito hahaha.. Salamat sa pagdalaw... At sa mga kadaldalan ko...

      Delete
  2. hahahah! alam mo ang ayaw ko lang sa gemini eh fickle minded nakakaasar yun sobra! wala lang! hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ate fickled talaga kame..yan na yata ang never ko idedwny..

      Delete
    2. Ate fickled talaga kame..yan na yata ang never ko idedwny..

      Delete

Anong meron?