Pages

Wednesday, July 18, 2012

Pwede bumalik sa puso mo?? :)

"If you wait until all the lights are green before you leave home, you'll never leave home."

Wew. And I'm back on blogging. Yehey!!! As in yung maayos na blogging ah. May mga nagpaparinig kase jan.. (si jhengpot po yun). Ibang-iba na daw kase ako mag-blog. Alam niyo totoo lang, simula nung hindi na ako masyado dumadalaw sa mga blogs ng mga dati kong finofollow, simula nung hindi na rin ako nagblog ng madalas, naging lifeless na ang buhay ko.

Minsan magchecheck ako ng facebook at twitter, paulit-ulit, pero wala akong napapala. At ngayon, may gas, ako'y mag-bblog hop na muli. At hinding hindi ko na kayo iiwan! Pramis! Hahahahahahahaha.

Hindi ko lang kase ma-manage ang buhay ko noon, pero ngayon, I'm rooting for this lifetime challenge, kahit na alam kong along the way, ma-bblanko din ako at mauubusan na ng madadaldal, ako ay magpapatuloy pa din.

Siguro kaya lang naman talaga ako nanahimik... kaya ako papalit-palit ng blog, pinaka-maganda ko ng alibi eh yung nahihirapan ako ISIWALAT lahat ng nararamdaman ko. Ang emo ko kase lage, db pansin niyo naman? Pakiramdam ko kung hindi ako magsusulat at kung hindi ako dadalaw sa inyo, pakiramdam ko, hindi niyo na din ako dadalawin at yun yung gusto ko (minsan), para hindi niyo na din mabasa lahat ng ka-emohan ko. Tsaka minsan, di ba? Kaya tayo nag-bblog para ilabas madalas ang mga nararamdaman natin. Eh nung time na yun, parang pakiramdam ko, nagiging work na sa akin ang pagbblog, pinipili ko na lang yung sasabihin ko, hindi na ako nagpapakatotoo, at ayuko nun.

Ayun lang...

Pero aaminin ko, nakakalungkot. Ang tahimik na nitong blog ko. Nakakapag-bigay zen in a way, pero nakakalungkot pa din, kase wala na lagi laman mga comment box ko, minsan meron at nagpapasalamat pa din ako dun sa mga taong walang sawang nag-cocomment dito. GRABE.. I salute you! Minsan yun na ang definition ko ng kasipagan.

At narealize ko, di ba, kung dati ka pa nagbabasa ng mga walang kwenta kong post, alam mong mahilig ako magsabi ng, "WAG MO AKONG DADAMAYAN.." or wag kang maaawa sa kin, yung mga ganun. Kase nga naisip ko na kaya ako nagsulat hindi para malungkot ka para sa kin, kundi para lang masabi ko nararamdaman ko. Pero narealize ko din, na kailangan ko din pala ng kadamay. Nobody is an island, kung baga.

Last na na-realize ko pa.. alam mo yung dati ang dami ko chismis, dami ko nalalaman, dahil nga sa pag-basa ng pag-basa ng mg blog. Napansin ko nga ang bilis ko talaga magbasa minsan. Nung tumigil ako, mabilis pa rin naman ako magbasa, pero napansin ko, wala na ako masyado alam, hindi na nadadagdagan laman ng utak ko, ang taba pa naman, sayang ang space. Hehehehe...

At ayun, welcome me with big hugs once again, ha? :)


**********

4 comments:

  1. don't worry baby dito pa din ako lagi! heheheh!

    cge back on blogging kana para makaupdate kana din ng mga kikay mong video blog!! mwaaah!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahahahaha kikay video blog ate.. hahahaha natawa ako dun.. oo nga dami ko din video dati... di na ako nakakagawa... :) lab u te., :)

      Delete
  2. Welcome back Ate. :) Ako din, hindi na makabalik sa blogging. Priorities din kasi, ang hirap pagsabayin. Kaya lang nakakamiss magblog at magbloghop.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nyahahahahahaha,... nagtataka ako bakit ATE tawag mo sa kin.. hahaha..

      Delete

Anong meron?