|
**I've
been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I
want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing
so.
**This page right here was actually a blog post from my
late blog, “a person who wants to be
perfect at any cause, cannot attain perfection by any cause.”,
which is my very first
blog and which is a FRIENDSTER blog that was deleted a long time ago. But of
course, the blog itself was deleted but I never deleted my writings. I love
all of the masterpieces I made from the past, beautiful, ugly, good or bad
writings will always be kept! And I just decided
today (February 9, 2013) to publish again all of these masterpieces in one
site! Dates are preserved by the way.
|
sa kasalukuyan, ang di ko pa nababasa sa mga likha ni bob ong ay yung /bakit baliktad magbasa ng libro ang mga pilipino?/. dahil naantala ang pagbabasa ko sa mga dapat asikasuhin o sabihin na nating mga bagay na importanteng gawin na muna. second year high school ako nung nagsimula ako maging interesado sa mga sulat niya, sabihin mo mang gaya-gaya ako ng istilo ng pagsusulat, baka mapahiya ka lang dahil ipagmamalaki ko pa yun. sa kanya ako na-inspired na magsulat. sa wakas may isang gawain na ako ngayon na walang coach sa volleyball o direktor sa isang theater club ang makapgsasabi na di ako katangap-tanggap. eto ang problema ko sa pagiging gemini, desperada ako maging inibidwal na hindi naman ako, sumubok ng mga bagay na pwede naman hindi, i hate myself, charing. kung pagsusulat lang din ang pag-uusapan go ako, ang tanging problema ko lang ay kung panu ko ipapaliwanag ang mga nararamdaman ko sa ingles. si bob ong ang isa sa mga nagpagaan ng loob ko sa issue na yan sa sulat niya sa stainless longganisa, at syempre ang pagiging staff ko sa nurses notes sa aking unibersidad. sila ang natatanging nilalang na hindi ako pinressur na maging perpekto, at masaya akong malaman yun. freshman ako sa college ngayon, at mahal ko pa rin ang mga sulat niya. di ko alam kung san matatagpuan sa bob ong, pero nagpapasalamat ako sa kanya. ps: maniwala ka sa hindi, lahat ng libro ni bob ong na nabasa at binabasa ko pa lang, ay hiniram ko lang sa kaklase ko nung highschool (at na-gulay pa sa kin yung libro), sa kadormate, at sa kaklase ko ngayon college. salamat din sa inyo.