Magiging mahaba-habang post toh, hindi ka obligadong magbasa, wag magpumilit.
Ayun, sabi ko na nga ba eh, God has better plans for me. On my last post, nakwento ko na, pero ikkwento ko pa rin na yun nga, nung Monday I have plans to apply na somewhere in
Shaw Blvd, pero kinabukasan ko gagawin. Pero bigla akong natigilan kase nag-text na naman yung una kong inapplyan sa
Ortigas na na-pre-selected nga ulit ako sa kanila at kailangan ko pumunta kinabukasan din ng 2pm. Eh kapag bumalik ako dun at na-reject na naman ako, it will be my the 3rd time to be rejected, and everyone knows how bad it feels na ma-reject. So, Ortigas o Shaw Blvd? Gulong-gulo ako.
Pero, naisip ko, naku, paano pag yun na yung signal ni Lord at malay mo matanggap ako sa Ortigas di ba? Kaya nagdasal na lang ako, and
*poof* sinagot ni Lord ang dasal ko, ayun, NAGKA-LAGNAT ako. Actually si Mayk din pag-uwi ng gabing yan nilalagnat din pero mas malala ako, kase kinabukasan magaling na siya, at siya na nag-nurse sa kin back to health. Nag-T-TSB pa yan, (Tepid Sponge bath) I know, ang sweet! Kinikilig ako. Chos.
Sobrang big deal ng lagnat na yan, at seryoso ako, yan ang naging sagot sa panalangin ko. Pero hindi naman yung tipong kinumbulsyon ako tapos nakita ko si Hesus sa mga panaginip ko ah.. (
napanaginipan ko Siya once, pero ibang kwento yun). Dahil sa lagnat na yan, nasigurado ko na na ayaw na ako patuluyin ni Lord dun sa
Ortigas. Biglaan kase yung lagnat, literal na pagkatapos ko magdasal, maya-maya nilalagnat na ako ng walang dahilan. So cancelled ang Ortigas, isa na lang ang focus ko.
Monday ng gabi till Wednesday ng hapon nilagnat ako, then Thursday desidido na ako ulit na mag-apply sa
Shaw Blvd kahit medjo may sinat, gusto ko din kase magpawis, para mag-tuloy-tuloy na ang recovery.
So yun na nga, super typhoon, lakas ng ulan nung umaga nung Thursday. Sa bahay, pwedeng pwede pa akong mag-back out. At in all fairness, wala pa kameng payong ni Mayk. Wala na rin kameng mahiraman or should I say wala ng gustong magpahiram, kase lahat ng payong na hiniram namin eh hindi bumalik dahil winawala namin ni Mayk. Pero don't worry, God gave us umbrella, may naawa sa aming dalawa, kaso may pito yung payong, kulay pink with laces on the sides. Cinderella pa ang design. Medjo maliit din, pero pwedeng pwede na. Lol. Imaginine niyo na lang, si Mayk ang may hawak ng payong. Cute niya noh?
At kahit gaano pa kalakas ang bagyong Gener, wala akong paki. Kailangan ko ng tumuloy, kung hindi, matatapos na naman ang araw na toh ng walang nangyayari, maghihintay ako kay Mayk buong maghapon habang naglalaro ng SIMS 3 at nag-fafacebook. Ayuko na noh!
Sa Pureza, naghiwalay kame ni Mayk. Sakay ako ng jeep pa-Mendiola kase kailangan ko pa magpa-print ng resume, kulang na yung dala ko. At sa nag-iisang tao lang naman ako nagpapa-print ng resume. Sa pinaka-friendling computer shop sa buong Mendiola, kila Kuya Pot. Open from Monday to Saturday 6am to 7pm (yata, haha). Habang nasa jeep, grabe, parang umuulan na ng bigas sa labas. Kaya bago ako tumuloy kila Kuya Pot, bumili muna ako ng kunya-kunyariang automatic pero hindi talaga na payong. Binilhan ko na din ng kapote yung envelope ko na paglalagyan ko ng resume. Pero wag ka maghahanap ng kapote ng envelope sa mga school supplies ah, plastik envelope tawag nila dun. Ang ironic, kase kahit na bumabagyo, ang good mood ko pa rin, and you know it. Kapag mga ganitong feeling, something good is about to happen.
At ayun, I'm ready! Jeep ako papuntang Shaw Blvd. So itong job na toh, nalaman ko lang toh sa Jobstreet.com. Di nga lang ako nag-apply sa Jobstreet, nag-walk-in lang ako, kase ganun din naman. Upon arriving, funny, nagkasya kameng 44 applicants sa loob ng isang maliit na kwarto. I was the last to arrive (or so I think), ako na yung nakaupo katabi nung pinto. Sabi ko nga sayo, si Lord ang may plano ng lahat ng ito, kaya everything that happened on this day, flowed so perfectly, as in. Yung pag-upo ko sa upuan na yun, may dahilan yun.
Pagbukas ng pinto, a girl named Kath ask us to pass our resume. Eh syempre katabi ko yung pinto, kaya isa ako sa mga unang nakapag-pasa. First batch na naman ako (last time na nag-apply kase ako, first batch din). I get to arrived last but get to be on the first batch, di ba? God's plan.
Then also, dahil nga nasa batch ako na toh, I get to meet a wonderful person, let's call her Ed. Ang bait niya sobra, di ako nabored during the wait cause she's so funny, tapos nagkkwento siya nung mga experience niya during her last job which is that same job we're applying for.
And ayun, after the screening, nalaman namin, na hindi pala kame nasa isang company. Mga Head Hunters pala napuntahan namin, it was called Uniserve. May mga company silang hawak, and darating yung mga representative ng mga company na yun to interview us. Yung mga kasama ko was a little disappointed that we're not on a direct application process. At first I agree, pero, yun nga, iniisip ko pa rin na dito ako nilagay ni Lord eh, may dahilan toh. And I must say, head hunters, they will be super helpful kung fresh grad ka or no experience at all, cause they'll tell you what you need to say and do during interview.
Uhmm.. 2 companies are present during our application. At 7 kameng applicants na napili na pwede mag-try on both company. That was pure blessing, kase the rest of the applicants, sa isang company lang pwede, I mean, wala silang option, if they fail on that one, wala na, but kame if we fail on one, may isa pa.
It was pure shock though, nung nalaman ko kung anong company, it was Convergy's and Sitel. I mean, these are big companies. Never ko nga inimagine na mag-aapply ako sa Convergy's, parang di kaya ng level ko eh.
Ito na, Marty came, an angel from Convergy's. He interviewed us in another room, seven of us. He wants us to just be ourselves, be relaxed. Mabait siya and very jolly. During the interview, iniisip ko lang, just be yourself, be confident, kaya ko toh. And ayun, blessed! After the initial interview, natanggap ako for the next process, along with Ed and another guy named Pat.
After this, he gave us an exam. Para akong nagsasagot ng board exam, I mean, yung utak ko, the way I made choices. Tapos we had to wait after the exam kase Marty have to interview Pat first kase may iba pang appointment si Pat, kaya nauna siya. Pat actually passed the exam and passed the final interview at ang kailangan na lang niyang gawin is to go at Ortigas kung saan located ang office mismo nila Sir Marty.
Nung lumabas na si Pat, Marty called me and Ed. He released the result of our exams. I actually PASSED. But I was sorry for Ed, kase unfortunately, hindi siya pumasa sa exams. Thank you na lang ako ng thank you kay Marty, di ko kase alam sasabihin ko.
I thought, sobrang dami pang process ang mararanasan ko before the final interview. Kase ganun naranasan ko last time. Had almost 2 interviews from different HRs, then 2 different exams and other processes. Kaya nagulat ako, Marty said, he will be giving me a final interview like what he did with Pat.
Hindi nakakain ng utak ko ang pinagsasabi ni Marty, pero nagpatuloy kame sa interview. He asked me certain questions, I answered back kahit ang gulo gulo minsan ng sagot ko, I still tried my best to focus. Ang daming tanong, pero I was glad I was still able to answer. Nung natapos na, ayun sinabi niya nga na I have problems with my long and short /i/, then I have to improve my vocabulary. Sabi ko naman, yes, na-aware ako na medjo marami pa din akong weakness.
Then he said na pasado na nga ako, na I should go to Ortigas and have an online exam there tapos
Job Ehem Offer. Medjo na-blurred yung pandinig ko sa Job Offer. Tapos inexplain pa niya yung account ko, na it was TOOOtoot something and that it's a big account service in the United States, bla bla bla.
Medjo tulala ako for a moment, I can hear my heart beat louder, then he still continue to explain about the account and whatever. Until he ended his statements with,
"any more questions dear?", ako parang..
"Uhmm.. does this mean I'm HIRED?". Siya naman,
" YES YOU ARE!!! WELCOME TO OUR COMPANY!!"
For real? Inutusan niya akong pumunta sa Ortigas office nila to do other process and sign a job contract. Pero pagbaba ko dun sa building sa Shaw Blvd, galing sa 36th floor, gusto ko ulit umakyat para itanong kung sigurado na ba yun.
"Kalma Kamil, kalma ka lang."
Masaya ako, masayang masaya, pero hindi ko sigurado kung dapat na ba ako magdiwang kase hindi ko sigurado kung totoo na ba yun. Naisipan kong daanan si Mayk sa work niya na along Shaw Blvd. din, at sinabi ko sa kanya yung balita. Pero sinabi ko din na hindi pa ko sigurado. Binalita ko na din na may payong na kame. Hahaha. At ayun, kahit hindi pa nag-la-lunch, dumeretso na ako sa Ortigas. Hindi ko maramdaman yung gutom ko sa sobrang kaba.
Papuntang Ortigas, grabe, binagyo ako. Hindi pa naman waterproof yung sapatos ko. Pagkatapos ko dumaan sa baha, nagulat na lang ako, bumubula na yung sapatos ko. Hindi ko sinusubukang magpatawa. Bumubula talaga siya. Naalala ko, hindi ko nga pala nabanlawan ng mabuti nung huli kong nilabhan. Paano, nakalimang beses na ko nagbanlaw, ayaw pa rin matanggal nung sabon, sayang sa tubig, kaya tinigilan ko na lang. Anyway, I thought, itim naman, di na mahahalata. Nakakahiya. Pag may nakakasalubong ako maglakad, iniisip ko, wag kang titingin sa paa ko, wag kang titingin.
At pagdating ko dun, hindi pa rin ako nag-aassume na tanggap ako. Iniisip ko pa din, madami pang process, baka may mag interview pa sa kin, yung mga ganun. Unang pinagawa sa kin, online exam. Kabadong kabado pa ko sa exam, kase pakiramdam ko talaga baka pag bumagsak ako dun, hindi na ulit ako tanggap.
At ayun, sinabi na nung guy after my online exam, that I did pass the hiring process. For real? And yes, he said yes. *Hingang malalim* Imagine kung gaano ko kagusto magwala, pero ako lang mag-isa, and ayuko mag-mukhang tanga. So nanahimik lang ako.
Naniwala na lang talaga ako na ako ay hired na, nung pumipirma na ako ng papers for the job offer. THANK YOU TALAGA LORD!!!! The best ka! Sulit ang pagbula ng sapatos ko.
Habang naglalakad pabalik ng Robinson Galleria (dun na kame magkikita ni Mayk para pauwi), bumubulong ako,
"Kumalma ka Kamil, kumalma ka.." Di ako maka-get over dun sa kaligayahan ko nung araw na yun. Teary eyed and I was very thankful kay God, kase as I said nga, these was all His plan for me. I won't even get my feet dun sa Uniserve kung nalaman ko na Convergy's pala yun prior di ba, dahil nga sa feeling na it is too better for me, parang dinisguise ni Lord para pumunta na ako. All of these blessings, gusto ko ipasalamat sa kanya, I want to praise Him! Even my rejection dun sa unang company, dahil yung mismong experience ko dun nakatulong yun sa interview ko, and thus lahat talaga ng nangyayari sa atin eh may reason kaya nangyayari.
Ayun, I know these has been a long post, but these was something to be proud of because He gave these to me! I'm so proud I'm not a jobless anymore, di na ako palamunin, hindi na ako graduate na butas ang bulsa, and thank GOD for all of these, I praise His name! Basta talaga, you trust HIM, He will guide you, He will be there for you. Tsaka, lagi na talaga ako magkkwento dito sa blog. Because I want to be proud of all HIS miracles in my life. Imagine, if I was on the wrong place and the wrong time, sigurado, wala pa rin nangyayari sa kin. At nasabi ko na lang,
"kahapon lang nilalagnat ako, ngayon may trabaho na ko.."
I remember, while I was signing the contract, napatingin ako sa labas, and there was this big letter embedded on the building paralleled to the window, " I TRUST GOD."
I did. <3
**********