Mula sa isang tao na baka kilala mo na. Ayun, alam ko naman na ayaw niya magpakilala kahit medjo obvious na kung sino siya. So ayun, graduation gift ko mula sa kanya. Hindi ko expected! At surprise na surprise ako pagkatanggap ko na naman ng package. Lagi na lang niya ko sinusurprise at medjo nahihiya na din ako dahil wala man lang ako maibalik kahit kapiranggot man lamang.
Ayun, pero sobrang thankful ako na nagkaroon ako ng kaibigan na katulad niya na mapagmahal at thoughtful. Blessed talaga ako.
Masaya din ako dahil sa wakas eh nakapaglinis na ako ng kwarto namin. Grabe. Nung nagka-off ako nung Sunday and Monday. Although di ko pa rin naayos ang drawer ko at the least mukha na ulit kwarto ang kwarto namin.
About work naman, I'm still enjoying it. Mas interesado na ako sa mga pinag-gagawa namin at willing pa ako mag-exert ng effort. Kahit medjo ang sikip na ng memory ng utak ko, araw-araw ko pa rin sinusubukan ang best ko. Sabi naman NIYA eh, do your best and HE will do the rest. Nagtitiwala ako sa Kanya, at dahil sa tiwala na yun, lalo na din tuloy akong nagtitiwala sa sarili ko.
At nga pala.. today is such a special day dahil birthday ni MOBY ngayon, first birthday niya.
Another reason to be happy today is that, I got my first EVER SAHOD!!! May gas abelgas! I'm so happy!! DI lang halata, kase alam mo naman, ayuko ng nag-aassume. Wala pa kase ako dun eh, yung katotohanan na nagwowork na talaga ako, training pa din ako, at katulad ng paulit-ulit kong sinasabi, wala pa rin kasiguraduhan ang kinatatayuan ko. Kaya, flat affect na lang muna habang nag-hihintay sa paghahatol sa amin.
Ayun lang naman. Basta plano ko pag ako ay okay na, work kung work na talaga, eh i-lilibre ko ang mga mahal kong kapatid na miss na miss ko na. As celebration na din sa pag-pasa ko at kung sakali, celebration din ng pagkakaroon ko ng trabaho.
I'm so happy!! Everything seems to be on its right place.. lahat ay good for me. And I thank this all to HIM... Sobra! I will serve all these achievement for HIM, dahil wala naman sa kin toh lahat kung hindi din dahil sa kanya. Hay...
Thank you Lord.



Good for you. Enjoy ever moment. :)
ReplyDeleteikaw na ang maraming masayang ganap! sana magtuluy-tuloy hehe :) syempre di kita makakalimutan ano! ikaw pa
ReplyDeletecongrats kamil.. naniniwala ako na lahat ng mga gustong mong gawin ay matutupad. you deserve it.
ReplyDeletecongrats sis dahil nakapasa ka at congrats sa first sahod mo. im so happy for you. =D ang cute ni moby happy birthday sa kanya.
ReplyDelete