Pages

Tuesday, August 21, 2012

Momo Team and Wave 5.

Dati bilib na bilib ako sa sarili ko, ngayon hiyang hiya na ko. Hahahahaha. Hindi pala ako ganun kagaling mag-english, sa training ko lang DOON nalaman. Grammar, Subject Verb Agreement, Verb tenses, Pronunciation,  you name it, lahat shunga shunga ako.

Iniisip ko nga siguro kaya akala ko ang galing galing ko kase pag nagsasalita na ako ng English, tumatango lang mga teacher ko eh. Joke.

Sabi ko nga sa inyo, wala pa rin kasiguraduhan ang aking kinatatayuan. Pero masaya akong ibabalita sa inyo na sumakabilang step na ako. Ibig sabihin, next level na. Hay! Praise You Lord! So anyway, wag kayo mag-alala dahil kung ano man ang maging fate ko dito eh tatanggapin ko ng maluwag sa dibdib. Pero asahan niyo na gagawin ko pa rin ang best ko.

Lahat ng challenges sa buhay, mga opportunities yan para mag-grow, kaya bukas kamay kong tinatanggap ang challenge na toh.

Bukod sa lahat ng pangyayari sa work, eh masaya din ako sa mga bago kong kaibigan. Gusto ko sana sila i-blind item pero wag na lang kase di naman kayo makaka-relate at hindi rin naman sila magbabasa. At isa pa, hindi ako marunong magpa-excite ng tao, kaya ayun.

Masaya kapag nagtutulungan kami para makapasa, kapag nagkkwentuhan at nag-aaway, pag nag-aasaran at gumagawa ng issue sa loob ng room. Ang saya!!!! Syempre di maiiwasan na may mga group ka talaga na makaka-close di ba?

The MOMO Team

Ika nga ni Carlvin (wearing white jacket), mga baliw daw kameng lahat, sobrang we-weird kase ng personality ng isa't isa, syempre including siya. Minsan natatawa na lang ako pagtinititigan ko lahat sila, parang nagtataka ako paanong nagsama-sama ang mga ganitong klaseng tao. Parang circus! Ayun naman kay Rhye (green shirt), Segway Team naman daw! Segway lang ng segway! Hay naku, at yesterday akala mo eviction na namin sa PBB Teens! Lahat kame tahimik habang naghihintay sa hatol. Ang hirap pala talaga ng feeling kapag close mo na yung mga taong kasama mo tapos biglang kailangan maghiwalay. Pero joke lang. Niloko lang kame na may ma-eevict. Pero bago pa masabi sa min na joke lang at okay kameng lahat para sa next round, naiyak na si Ate Jen (Floral shirt), at ako na flat affect lang. Muntik ko na ngang tanggapin na evicted na talaga ako eh. Si Cyrin naman (katabi ko na naka-black) is like my twin sister naman. Nursing din siya, at hahahaha Michael din pangalan ng bf niya. Lol lang. Si Alejandro naman and Neth ay mga English teachers, kaya wow na wow, ang galing talaga nila. Si Eli.. ayun Elate lagi! Peace Eli! Pero bilib ako jan, nagpupundar para sa future.

Thank you Lord sa mga new friends! Hahaha. Nung isang gabi, inom kame sa Metro Walk, ayun napagtripan na pag-positive and negative comments sa isa't isa. Ang binigay nilang comment sa akin eh sobrang self-conscious daw ako, wala daw akong tiwala sa sarili ko. Hindi ko nga sigurado kung nag-pplay safe lang tong mga mokong na toh eh. Hahahhaa. Pero kung totoo nga, nakakatawa naman isipin kase aminado naman ako na sobrang mababa talaga ang self-esteem ko. Lalo na nung nalaman ko na shunga shunga ako, naku.. parang habang tumatagal nawawala yung tiwala ko sa sarili ko. Advice naman nila, I should be otherwise.



Anyway! Naku! Marami pa kameng bigas na kakainin at kapeng iinumin. At salamat talaga kay Lord. Lagi ko din talaga pinagdadasal ang wave ko na sana gawin namin ang best namin at sana makayanan namin lahat ng challenges na dadaanan pa namin, with the loving guidance ni Lord. <3

**********

6 comments:

  1. enjoy your work Kamila and treasure every moment with your new found friends! :)

    ReplyDelete
  2. parang protege ah...

    enjoy lang marekoy.. at sumabay ka muna sa agos..

    gandang araw po :)

    ReplyDelete
  3. halakata... dibale papataasin naman ni Lord ang self esteem mo teh, hehe..
    kaya niyo yan, treasure the new found friends.

    ReplyDelete
  4. wow nafi-feel ko ang excitement :) gusto ko rin ng new work, new environment and to meet a new set of people :) God bless sayo :) wala talagang hadlang kapag masaya ka sa work mo :)

    ReplyDelete
  5. momo team? naalala ko tuloy avatar. hehe. :)

    ReplyDelete
  6. saya naman. new friends. new begginings. enjoy enjoy lang sis. im glad nageenjoy ka sa first work mo stay happy!=D

    ReplyDelete

Anong meron?