Pages

Wednesday, August 1, 2012

Basta't meron kang plano, kaya mo yan.

Basta't meron kang plano
May kasama
Konting kulay
Sarap ng buhay
Lahat gumagaan
Anumang pangarap
Kahit gaano man kahirap
Konting sikap maaabot mo 'yan
Anumang pagsubok sa buhay
'Pag meron kang plano get a little peace of mind
Basta merong plano sa buhay
Malalampasan mo.


 
Isang beses lang yata ako nakapag-plano ng buong taon, isang beses lang yata yun na sa tanang buhay ko eh napuno ko ang isang maliit na planner na binili ko lang sa Papelmelroti. Pagkatapos ng December, kitang kita ko na baboy na baboy ang bawat pahina nung planner ko, pero natuwa ako, it had served its purpose.

Yung mga sumunod na taon, hanggang ngayon, nag-pplanner pa rin naman ako, kaso hindi na kasing sigla nung isang beses na yun.

Ilang araw na rin akong tambay at ilang araw na din bumabagyo. Nung July 30 ng gabi, nitong Monday lang, nananahimik ako sa tapat ng computer, nunuod ng paborito kong movie, yung Pirates of the Carribean? Sabi ko, tamang-tama, bukas pupunta na ko dun sa aapplyan ko, (hindi ko maalala kung bakit di ako natuloy ng Monday), so yun, nakita ko toh sa jobstreet eh, at mag-walk-in na lang ako. Tapos, tuloy-tuloy pa din ako sa panunuod, sa pagtawa, tapos tina-tumblr ko pa yung ibang scene.

Maya-maya, naka-receive ako ng text. Mini-heart attack. Ayon sa text, na pre-selected daw ako, para san? Meron daw account na mag-start ng August, talaga?! Sa tipo kase nung linya nung text, parang tanggap na ko at pwede na ko mag-simula. Galing toh sa una kong inapplyan na trabaho. Nag-contemplate ulit ako. Nung binasa ko ulit, na-realize ko na parang magsisimula ulit ako sa umpisa sa pag-aapply sa kanila.

Nag-dasal ako bigla. Yun nga, madalas ko sinasabi, kung anong decision Niya, yun din ang decision ko. Kung anong plano Niya, yun din ang plano ko.

At alam mo ba ang sumunod na nangyari? Ayun, nung gabing din yun, pagkatapos ko manuod ng movie, bigla akong nagkasakit. Nilagnat ako to the highest level, samantalang nasa loob lang ako ng bahay! Gulat din ako eh, nag-aapoy ako sa init. Hanggang ngayon, nilalagnat ako (pero nagbblog pa eh noh?), at least medjo okay okay na ko ngayon. At pinipilit ko na pagpawisan ako kaya ayuko nung naka-higa lang ako maghapon, pakiramdam ko lalo ako magkakasakit. Nakakadagdag pa nga ng sama ng pakiramdam pag naririnig ko yung bagyo sa labas, ayuko talaga ng umuulan!

So ayun, narealize ko, at ito ang plano NIYA sa kin, na wag na ko tumuloy dun.

Itong kanta ni Bamboo, ang ganda di ba? Nakaka-taas ng paniniwala sa sarili na kakayanin mo talaga, at magsimula ka sa pag-pplano kung paano.  Naalala ko before ako mag-board exams, ang laging sinasabi sa min, if you fail to plan, then you plan to fail.

Mag-plano tayo. Sa Nursing, may tinatawag kameng Nursing Care Plan. Meron tong Assessment, Diagnosis, Scientific Explanation, Planning, Intervention, at Evaluation. Sa totoong buhay, pwede rin namang gamitin 'tong mga toh. 

ASSESSMENT. Ano ba na-obserbahan mo lately sa sarili mo na pakiramdam mo mali o abnormal, or kung di naman, ano pa tingin mong kulang sa sarili mo na kailangan mo magampanan. Kunyari ako, ex."hindi na kasya mga damit ko, at kapag nasa divi ako, wala na rin magkasya sa akin na damit, nahihirapan na ako maglinis ng kuko kase di ko na maabot.

DIAGNOSIS. Ano ang pinaka-main problem o pinaka-pangarap mo dito in general? Ito yung bagay na pag na-resolba mo o na-reach mo, it means success! Kunyari ako, ex. "PUMAYAT!"

PLANNING. Ilagay mo dito ang LONG TERM goal mo, ex. magkatrabaho, at SHORT TERM goal. Yung short term goal, yun yung mini-steps mo para maabot yung LONG TERM goal, ex. mag-apply, mag-training.

INTERVENTION. Yung mismong action mo sa mga na-plano mo na.

EVALUATION. Che-checkan mo na lang kung nag-succes ba or hindi ang mga plano. Kung hindi, ano kaya mga dapat i-improve.

Tsaka, ang pinaka-importante din sa pag-pplano, dapat daw SMART. Specific, Measurable, Attainable, Realistic, and Time-bounded.

So, ikaw? May plano ka na ba mag-plano?
**********

7 comments:

  1. hehe, naalala ko rin dito yung mga steps in scientific method *pang hiskul* :)

    ReplyDelete
  2. sa work life ko, wala akong kaplano-plano. ewan ko ba. feeling ko ako ang walang diskarte o balak malipat ng ibang posisyons

    ReplyDelete
  3. Dati hindi ako nagpaplano sa buhay ko. Pero ngayon may pamilya na ako, madalas na at hindi parin about sa akin, about na sa pamilya ko. :D

    ReplyDelete
  4. sabi ko na nga nawala ang comment ko kc na DC ako....

    longterm: maging forever slim short term: extreme exercise! lol

    ReplyDelete
  5. napangiti ako sa SMART. thesis thingy. anyway..ako kailangan ko na ring maging organized at planuhin ang buhay ko grabe kasi napakatamad ko na napakaimplusive ko pa haaaay...

    ReplyDelete
  6. mahirap po pag walang plano sa buhay, walang direction di alam ang patutunguhan... ganyan po ako, pero unti unti nagpa-plano na din ^_^ salamat kay GOD.

    the best SMART ^_^

    God bless po ate! :)

    ReplyDelete
  7. mahina ko sa ganyan. kasi pag nagpaplano ko minsan di ko nagagawa eh.

    ReplyDelete

Anong meron?