|
**I've
been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I
want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing
so.
**This page right here was actually a blog post from my
late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I
never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the
past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to
publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by
the way.
|
"ANONG MASASABI MO SA PAPEL NA TO?"
Kung ang sagot mo ay may kulangot ito, may points ka. Pero kung ang sagot mo ay MAY MALIIT NA TULDOK, yan din ang sagot ko nung unang tinanong sa kin yan.
Nakakapagtaka lang noh? Kase pwede ko namang sagot ay, malinis o maputi o yan ay 8.5 x 11 na bond paper. Pero mas nauna ko pang napansin yung kakarampot na tuldok na yun at binigyang pansin ko yun kahit yung papel naman ang hinihingan ng opinyon.
So napalipad sa malayo ang isipan ko at ang na-compile kong reflection tungkol dito ay:
Una, minsan ang isang pagkakamali (super bulinggit na pagkakamali) ay walang panama sa billiong billiong tama. Lalo na kung ang nakagawa ng pagkakamali na yun ay taong pinagkakatiwalaan mo.
Pangalawa, mas madalas tayo manlait kaysa mamuri ng iba. Para bang mauubos ang laway kapag pinuri mo ibang tao, or para bang magkakasakit pag hindi nakapanglait. O di kaya, lage tayo naghahanap ng may mairereklamo sa ibang sitwasyon. Katulad sa TUMBLR, lahat na ng ginagawa ng tao pinakailamanan na. I mean one time may nabasa ako, "BAKIT KAILANGAN SABIHIN LAGE SA FB STATUS NA --"bbye! Sleep na ko!!"". I mean paki ba nila? Mamamatay ba sila pag may mga taong nag-gogoodbye at hello sa status?
Pangatlo, may mga pangyayari na hindi naman big deal, pero ginagawang big deal. Katulad ko at katulad nitong reflection na toh, tuldok lang naman toh, pinapalawak ko pa ang meaning.
Ang totoong naaalala kong explanation tungkol dito ay: MAS NAKIKITA AGAD ANG MAPANGET, KAYSA SA MAGANDA. KAHIT SABIHIN MO PANG SUPER DUPER GANDA PARANG MAG-HA-HIGHLIGHT PA DIN KUNG ANO PANGET.
Pero may iba pa akong gustong ipahiwatig tungkol sa papel na yan bukod sa pwedeng ipamunas yan sa puwet.
Isipin mo na ang papel na may tuldok na yan ay katumbas ng panibago mong araw. Pwedeng may mangyaring di ka-aya-aya today, pero wag mo hahayaan na masira ang kabuuan ng araw mo ng dahil lang sa maliit na bagay na yan. Para bang asahan mo na life is unfair! Life is unfair! Life is unfair! Pag may nangyaring di mo gusto, it's either just to let it go at move-on ka or harapin at tanggapin mo kung ano man yun. Pero syempre depende pa rin toh kung gaano kalaki ang problema, in this case maliit na mga problems lang ang tinutukoy ko, kaya nga tuldok eh. Para naman yung mga iba pang moment ng araw mo eh di masayang kaka-contemplate sa pangyayaring yun. Mas bigyang oras at panahon mo ang magagandang bagay sa araw mo, mga blessings, kase one way or another, for sure may blessing kang matatanggap sa araw mo na yan.
Hayun lang. Ikaw may iba ka pa bang pagkakaintindi sa kulangot na yan? Anong kulangot mo ngayong araw na 'to na pinahid mo lang sa pader or ilalim ng mesa dahil wala ka naman kebs?













