|
**I've
been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I
want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing
so.
**This page right here was actually a blog post from my
late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I
never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the
past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to
publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by
the way.
|
***
Naalimpungatan ako, sabay panic, anong oras na? Relax 6:30 pa lang! Araaaayyy... mabagal-tamad kong sinabi. Exam pa mamaya 8am. Hinimas ng palad ko ang malapad kong noo, sakit ng ulo ko. Anong nangyari? Suot ko pa rin ang fuchsia kong blouse at brown na short na suot ko din kagabi, at shet, ang monstrous ng dating ng talampakan ko! Sang bang lupalop ako nanggaling kahapon?Mabilis ako nagpalit ng malinis na shirt at naghugas ng paa sa banyo. Baba ako sa cafeteria ng dorm na hindi pa man bukas. Tubig agad ang tinungga ko, sobrang dehydrated at ang daming fatigue ng katawan ko. Habang hinihintay ko ang order kong hotsilog, tinawagan ko muna si Mayk, unlicall kase.
"Kagigising ko lang. Nangyari kagabi?" Tanong ko na parang nagka-amnesia.
"Grabe, inaakbayan mo nga balikat nung tatay ni Jay eh!!"
Pagkasabi na pagkasabi pa lang niya nun, parang mabilis na nag-click rewind sa utak ko lahat ng nangyari.
Graduation party ng tropa ni Mayk, pumunta ako mag-isa. Layo ng konek noh? Tropa niya pero ako nag-punta. Close naman ako sa kanila, ang problema si Mayk, out-of-reach pa rin ang phone. Kala niya kase big time na 1 day lang kahapon ang work na inalok sa kanya sa Subic, kala niya uuwi din siya sa hapon, kaya walang dinala kahit ano kundi t-shirt, tubig at 100.00 lang. Gulat siya eh 1 week pala, pero gagawan daw nila way para makauwi.
Kaya yun, nauna na ko sa inuman. Lahat ng bagong dating napapatanong, "oh san na si Sendo?" Sendo kase tawag sa kanya ng mga tropa niya. Ako naman todo explain.
Isa, dalawa, tatlong oras nakalipas, di pa rin dumadating si Mayk, alalang alala ako kase gabing gabi na. Pang-apat na oras, di ko na maalala, pang-lima malayo na ako sa katotohanan, pang-anim lahat kinakausap ko na. Hanggang sa maya-maya sumigaw isa sa tropa niya, "Nag-riring na cell ni Sendo!"
![]() |
| Ako, si Boss, at yung bag kong floral nasa likod ni Boss |
Galit pa ko, "Baba mo yan! Baba mo yan! Ako tatawag!" Halos maiyak ako nung tinanong ko nasan na ba siya, alalang-alala ako, at yun siya ay naliligo. Toink! Sobra daw kase baho niya na, dahil nga wala siyang dala kahit ano, pawis na pawis siya sa work.
Hanggang sa ayun, pagdating niya sa place, wasted na ko. Lahat na inaakbayan ko, lahat dinadaldal. At ayun, uwian na, hinatid ako ni Mayk at pagbaba ng jeep sa Legarda, upo ako sa banko malapit sa dorm. Grabe parang gusto ko na nga humilata dun sa banko at dun matulog. Di ko kinaya hanggang sa binulwak ko na bituka ko all over the place. Di ko alam nangyari pero nakita ko si Mayk bumili ng mineral sa ministop, isang litro at nilinis ang eksena ko. Sosyal lang.
Hinatid na ko sa gate ng dorm, tapos sinisigawan niya ko (ni Mayk) na, "Huyy.. bhe..! Bhe! huyy!" With intervals yan ah. Di na ko lumingon kase di ko na kaya. Inakyat ko ang 3rd floor, hinalungkat ang susi ng kwarto sa bag, bukas ng pinto, hagis ng bag sa kama, hagis ng natirang mineral sa lamesa. Sabay dive sa malambot at mabango kong kutson.
Bumubulong ako, "contacts ko.. contacts ko... contacts ko.." Tumayo ako kaunti kahit nakadapa sabay tanggal ng contact lens ko. Yan ang isang bagay na hinding hindi ko makakalimutan tanggalin. Sabay bulong pa ulit, "alarm... mag-alarm ka.. alarm.." Kase nga may exam pa ko ng 8am. Wala akong idea kung nagising ba mga ka-roomate ko sa comosyon ko.
At yun, bumalik na ulit ako sa kausap ko.
"Shet!" Natawa na lang ako.
"Nakakahiya, ayuko muna magpakita kila Jay, o kahit kanino na katropa mo."
"Kaw kase eh, nga pala may bote ng wine sa bag mo.."
"Waat? Ooh?! Sira ka bawal alcohol dito sa dorm"
"Binigay ng tatay ni Jay, lake kase ng bag mo jan tuloy tinago ni Boss. Tinatawag kita kagabi, baka ihagis mo sa sahig bag mo.."
Inisip ko pa.. "Buti sa kama ko hinagis! Adik ka!"
Quiz kung nagbasa ka:
1. Nung finally natawagan ko na si Mayk, anong ginagawa niya?
2. Anong floor ang kwarto ko sa dorm?
3. San ko gusto humilata at matulog?
4. Pumasa ba ako sa nangyaring exam?
Okay lang na di sagutan, hindi ako demanding, at wala din naman reward. Smile lang.


Off limit ako sa pagtungga day.. ndi ako umiinom.. ehehehhe... pero nakatikim na (napaka epokreto ko kung sasabihn kong hindi pa.. eheheheh...)... pero hindi ako masyadong umiinom.. mga once in a blue moon lang... parang mabibilang mo lang sa kanang daliri ko ang pag inom ko... una graduation ko ng high school... ikalawa,,, graduation ko sa College.. ikatlo di ko na matandaan ang okasyon... ika-apat.. noong mabigo daw ako... ika-lima.. naku huwag mo nang tanungin... ehehhehe...
ReplyDeleteOkay po titser, sasagot na..
ReplyDeletepero bago ang lahat...nagustohan ko ang storya mo kakaiba, pa-fashback-plasbak ka pang nalalaman..hehe..kaya kyut..
1. naliligo si mayk dahil mabaho siya parang ikaw
2. 3rd floor pero ang totoo 13 floor un, tinanggal lang ang 1.
3. gusto mo humilata sa ministop ayy don pala bumili si mayk ng meniral..hehe dun mo pala gusto humilata sa banko malapit sa dorm.
4. wait muna next chapter...hehehe
ahahaha! ikaw na ang bangag!! don't worry my dear dami kong experience na ganya.
ReplyDeletenagbasa ako di ako nagiiskip read!
sagot:
1.naliligo si mayk
2. 3rd floor
3.sa bangko
4.nakapag exam ka ba?!! yun lang
sandali, itutuloy ko ang pagbabasa pag dating ng house. tinatawag na akon ng aming makulit na driver. uwian na daw tama na ang trabaho bukas naman.
ReplyDeletebida na din c lablayp.. :)
ReplyDelete1.naliligo c mayk kasi mabahong mabaho na..
2.3rd floor
3.sa malambot at mabango mong kutson, nag dive ka pa doon eh..
4.di ko alam.. hahaha
binasa ko lahat yan, cross my heart..
alam mo namang kahit hindi ko sagutin ang tanong eh nagababasa ako ng blog mo. ako din hindi ko nalilimutan alisin ang contacts ko. lalo pa't hindi ako gumagamit ng extended. kasi mahal. hehe..pero sasagutin ko pa din ang tanong.
ReplyDelete1. naliligo si mayk kasi nanggigitata na sya.. hehe
2. nasa third floor ang dorm mo.
3. sa banko na nasa Legarda
4. aba malay ko kung nakapasa ka. ang tanong may nasagot ka ba sa exam kung nakapag exam ka nga?. hehe..
hindi ako na ngopya..promise!
binasa ko lahat ayoko lang sumagot baka kasi sabihin mo nangopya lang ako sa mga sagot nila hehehe =)
ReplyDeletenalasing na rin ako ng ganyan katindi dati grabe. ayoko ng maalala mga ginawa ko that time hehehe
hehe may quiz na sya ah... hello ate kamila :p joke! kamila lang hehehe. ang cute mo sa pic dun sa nag shoshot haha.. ganda mo uyyy! ala lang hehe... sagot sa
ReplyDelete1. naliligo si maky kasi baho na siya haha..
2. 3rd floow and kwarto hehe...
3. dun sa may bangko sana ikaw hihilata at matutulog pero ang dve ka pari sa kama mo haha...
4...??? wala namang nasabi naresult kung pumasaka ? ang sbi lang wa ka idea hahah... pero lam ko papasa kaw.. cute mo kasi
hahha nahihirapan akong sumagot. ayaw ko na ng quiz kakagrad ko lang eh.. hahaha
ReplyDeletehahahaha may quiz enoh...dahil masipag ako magbasa..
ReplyDelete1.naliligo
2.3rd floor
3.bangko
4.ndi ka nakapasa...
(takip ang mata habang type,baka svhin nangongopya sa sagot sa itaas)lol
eve!
nagskip read ako wakekeke. zero ang score ko.
ReplyDeleted kuna sasagutin tanung mo kac sinagot na nila lahat eh!hehee
ReplyDeleteang masasabi ko magaling kang magsulat at napapatawa at naiinspire ako sa mga sulat mo.. keep it up kamila.
mangyayari din ba sa akin an ngyari sayo kahit na di ako umiinom?... ahahhaa....
ReplyDeleteang bait naman ni mayk.. kung ako sya, naku, iiwan kita dun!! bahala ka dun! ahahaha
http://joannahalabaso.blogspot.com/
ReplyDeletehahha grabe ahh... unlimited sa pag inom... share your blessings sis!! hehe
buti mabait si mayk. hehehe... tagay pa... hehehe
ReplyDeletegusto ko din maranasan na malasing... hehe...
ReplyDeletenasabi na nila yung sagot kaya di nako sasagot :P
pwede bang hindi sumagot kamila hahaha! nice one hehehe...
ReplyDelete