Pages

Tuesday, April 19, 2011

One of the Most: Makati Past time

**I've been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing so.

**This page right here was actually a blog post from my late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by the way.
Ang One of the Most ay mga collection ng mga kwentong wasted mala-kamila. Alam kong purga na kayo sa chismis na ito, pero for the sake ng mga di pa nakakaalam, muli, ako po ay nag-moro-moro sa Mendiola, Makati at Mendiola ulit, 1st, 2nd, 3rd year, respectively, same university. Ito lang naman ay para lang po di matanga sa mga susunod na kwento.

Info about Exam Bukas (one)Dahil nga maaga ako nagising nung araw na yun, nakapag-exam ako at pumasa naman.

Pumili lang ng isang kwento kung tinatamad mag-basa:

***
     1One time, sa kalagitnaan ng langoy-langoy namin eh umulan ng matindi at gabi na nun. I know madameng nag-eenjoy kapag nag-sswiming sabay umuulan, kumanta ako nun ng "Heto akoooh, basang basa sa ulaaann walang masisilungann.. walang malalapitaaaaa---aaan!" Phobiang phobia ako nun. As in di ako makahinga, di ako makahinga, di ako makahinga at hindi ako makahinga. Halos lahat lasing na din, yung iba nagswimming na sa labas ng swimming pool kase baha na din naman, may iba pa na pinapaliguan na sa banyo kase tumba na.

     Natakot lang siguro ako sa fact na walang masilungan, kase dati nagswimming naman ako ng umuulan, at may cottage kame nun, at di ako natakot. O baka nag-inarte lang ako. Pero di naman kase ako maarteng tao, at para akong na-claustrophobia. Na claustrophobia ako sa ulan everywhere. Pool lang kase siya at banyo, walang cottage. Nandun lang ako sa gilid, alam mo yung maliit na space na pwede mo pa silungan gawa nung sobra ng bubong, dun ako sumilong ngunit di sapat.

     Nangyari, umuwi na lang ako. May nakasabay naman akong klasmeyt pauwi, at naligaw kame sa Pasig palengke.

***
     2Ito naman umahon na ako sa pool, katunayan sinuot ko na nga jacket ko kase malamig, pero di pa ko nagbanlaw nun kase maaga pa ang gabi. Dahil nasa pool lahat ng barkada, umupo na lang ako sa gilid ng pool habang nakasawsaw yung paa ko sa tubig. Ayuko na talaga mag-swim nun. Ako na lang taga-tagay sa mga nag-sswimming.

     Ayun, nagulat na lang ako kase nasa gitna na ako ng pool at naka-jacket pa din. Maya-maya niyayakap na ako nung mga lasing ko na din na mga klasmeyt, sa isip ko bakit? ay tanga, umiiyak na pala ko, bakit ako umiiyak? Hagulgol eh! Dami kong sama ng loob, parang nagbuburol lang. Babyng-baby ako talaga sa mga Makati klasmeyt ko. At nung time na yun ang dahilan ko kaya naging emotional ako, kase grabeng miss na miss ko na sila kasama araw-araw. Parang gusto ko mag-sisi na iniwan ko sila dahil bumalik akong Mendiola.

     Inahon na ako nung klasmeyt kong lalaki, hiniga ako sa bangko. At bumulwak ang katotohanan, naglinis tuloy siya ng suka ko ng wala sa oras. First stime kong umiyak sa inuman, akala ko kase ginagawa lang yun ng mga na-heheart broken. Binihisan at pinalitan ako ng damit nung mga klasmeyt ko. Dito natutunan ko na pag nagtatagay ka, tagayan ang mga kainuman, hindi ang sarili. Umuwi tuloy ako nun na mabigat ang bag dahil sa basang jacket.

***
     3Ito yung Exam Bukas (two) sana, pero di kase ako natuwang gawan pa ng isang mahabang post ito: Naipit ako one time kase nasaktong exam week ko at sa gabi ng 2nd day exam yung birthday ng klasmeyt ko na gaganapin pa sa Pansol. Bali kinabukasan may exam ulit. Pero dahil ubod ako ng galing sa time management at prioritization, pagkatapos ng 2nd day exam, deretso pansol ako. Naka-OO na kase ako. 

     So nagswimming na kame, nag-inuman na. Ito baso, sige drink all you can ang eksena ng The Bar. At pasado 5am, nagpumilit ako magbanlaw. Walang tulog, walang keme-keme, bangag at lasing akong sumakay ng ordinary bus ng madaling araw pauwing Manila galing Los Banos. Halos lumipad yung bus na yun na sinakyan ko, pero wala naman akong paki dun sa driver kung gusto niya kame idamay sa pagpapakamatay niya kase busy ako magtulo-laway. Ssssuup... balik sa labi. Yung 2 oras na byahe papunta kahapon eh 5 minutes lang yata nitong madaling araw. Roller coaster sa SLEX.

     TY naman na walang nag-atubili na nakawan ako (siguro mukha akong taong grasa nun), pero kada naaalimpungatan ako, iba na yung katabi ko. Dahil sa sobrang take note ko na umuwi ng maaga, walang traffic kaya ang dilim pa din pag dating kong Lawton. Dito ko naman naisip na pwede mong sabihin sa sarili mo na, "hindi ako lasing" (3x till fade) kada mafi-feel mong pa-sway-sway ang earth, para makauwi ka pang buhay. (Pero I don't encourage drunk driving ah). Successful akong nakapag exam muli. At yes pumasa naman ako.

Welcome ang skip read sa post na ito. Kaya kung wala ka sa mood magbasa, kwento ka na lang kahit anong feel mo sa comment box.

Salamat sa mga nag-atubili na magsagot last time: Kuya AkoniTe IyaMommy RazzMayenHalojin, at JaySa mga di pa naligaw sa mga blog na yan, time na para mag-ala cast away. Korny ko lang.

21 comments:

  1. Naku pasalamat ka wala ako dun sa inuman nyo sa pool, baka hindi mo makuha mag-emo dahil sisirain ko ang moment mo hehehe joke

    ReplyDelete
  2. @Glentot ibig sabihin masaya ka pala kasama glentot!

    ReplyDelete
  3. sa unang wento lng aq kokoment kc mgiging busy aq for today sa calls. grabe, wala mn lng cottage or waiting shed? bare pool lng. hirap nun.

    ReplyDelete
  4. @Khantotantra Parang club house kase yun.. tas parang sinara na yung mismong space sa loob, kaya dun lang kame sa pool pwede... hahaha :) Nag explain pa ko..hehehe

    ReplyDelete
  5. Humahataw ng tagayan kahit may exam.gusto ko rin ang mga ganyang bonding ng mga kaibigan.At minsan lang ko lang nagawa yong may mga kadramahan-bumabaliktad na sikmura pagkatapos maitumba ang mga bote for the sake of barkada.Di kasi habang buhay na magkakasama kayo.

    ReplyDelete
  6. @ROmmel Minsan okay lang din naman kuya na walang inom.. masaya na kapag buo barkada.. kaso nga lang pampalipas oras na din..

    ReplyDelete
  7. naku ako naman e hindi mahilig sa inuman, sobra. pero may isang beses na sumama ako sa mga kaklase ko. ako ung taga luto, taga ligpit tas sumbungan -- para akong nanay. tas nung madaling araw, may mga lasing na. may mga nagsiksikan na daw sa kwarto. mga babae't tibo, babae't lalake.
    pero wala kaming kasamang bading.
    nung mag-uumaga na, may lumapit sakin, sasapakin nya daw ung isa naming kasama.
    aun mahabang istorya.
    nung araw na un, dahil nalasing
    nalantad ang katotohan
    bading pala ung isa.
    nanghihipo. nanghahalek.
    buong umaga naming iniiwas mabugbog eh. kasi sinusugod na...
    e sa calamba laguna un
    papunta kami sa san pedro - dun uuwi. medyo malayo.
    aun, papatayin daw nya bading. katakot.
    nung tanghali after nyan, lantutay kami sa bahay nung kaklase namin, dun kami nakatulog. grabiiiii.
    gulo gulo.

    ReplyDelete
  8. @Zyra Para ka din pala yung tropa namin Ms.Zyra.. ganun din.. sinusuway kame.. yung mga klasmeyt ko nga nagyoyosi hindi niya pinagyoyosi.. pero kaibigan ko toh sa mendiola..hindi sa makati.. :) Salamat sa comment ms.Zyra

    ReplyDelete
  9. -ano yon? ondoy?

    -natawa ako doon sa nakajacket pa rin.

    -ayos ka pala e... kahit may exam gumimik pa. hehehe... buti na lang at pumasa ka. :D

    ReplyDelete
  10. naku.. hindi ko pa naranasan yan.. tulad nga ng sinabi ko.. mabibilang mo lang sa kmay ko ang nakainom ako.. siguro mga limang beses palang.. at siguro mga dalawang bote.. lasheng na batang ere.. ehehhe....

    lalo na siguro pag exam bukas.. do ako mapapainom at mapapalakwatsa niyo.. nasa harap lang talaga ako ng TV at nanonood para makalimutan ko ang kaba sa aking puso.. ehehhe..

    teka.. napansin ko lang... color coding ata ang bawat pangungusap sa blog entry mo ahhh

    ReplyDelete
  11. @Empi Di naman madalas, may mga piling pagkakataon lang.. hehehe

    ReplyDelete
  12. @Al Al welcome..skip read ka.. hahahaha! Pero okay lang naman hindi uminom... okay lang yun... pero sayang naman.. haah chos lang

    ReplyDelete
  13. nakakaloka!!!! lasenggera ka pala.. buti nakaya mo yung 2hours na biyahe from laguna to manila na bangag??? my gawwdd.. gandang eksperience lol...

    ganda lang ng college life mo teh!!!!! wolo long... hehehehe :D

    ReplyDelete
  14. nabasa ko lahat.. pero wala ako macomment sa bawat kwento mo,, ay meron pala yung nasa gitna ng pool ng naka jacket.. ita-try ko rin yan at ipagmamalaki na galing kay kamila ang ideya na yun. haahha...

    ReplyDelete
  15. @Egg Shet grabe ka naman maka-lasinggera jan, naimagine ko tuloy taga kanto ako. Hahaha.. Oo papunta kase madame naman ako kasabay nung papunta ako...

    @Joanna May Hehehe.. para daw hindi ginawin.

    ReplyDelete
  16. grabeh ka pala malasing.hehe.. ako awa ng Dyos walang mga ganyang eksena. walang pagbulwak na naganap sa harap ng mga kainuman ko. prim and proper pa rin ako. hehe.. sa tabi ako ng kama ko inaabutan at kahit lasing na naglilinis pa. hehe.. Pero okay ang mga friends mo hindi ka nila pinabayaan sa mga loka-lokang moments mo. Hirap naman mag swimming ng umuulan tapos walang masisilungan. nakakaloka yun ah?

    Bilib ako sa pag uwi mo ng 5am ah tapos lasing pa. buti na lang naka-uwi ka ng buo pa ang digninidad. hehe..

    ReplyDelete
  17. kwentong tagayan pa ito...?hehehe..astig mo bunsokoy ah...hehe..buti nalang walang nangyayaring masama sayo, lalo don sa eksena sa bus...scarry un para tulad mong dalaginding..hehe..MASAYA ang may barkada!

    ReplyDelete
  18. ang haba pero hindi ako nag skip read..

    walang katapusan inuman yan ah..hahaha yan lang ang comment ko.. :P

    mei, ok na ang lahat.. happy yipee yehey..

    ReplyDelete
  19. @Mayen Dati rin Mayen ako ay prim and proper... as in sinasabihan ako ni mayk na wag na wag ako magsusuka, kung di ko na kaya stop na... pero yumabang kase ako sa inuman kahit di ko kaya.

    @Akoni I know kuya, yun nga ang scary dun, pero feeling ko matapang lang ako nun kase lango.

    @Memey i know.. nabasa ko.. hehehehe sorry memey.. past time ko ang uminom.

    ReplyDelete
  20. feel na yatang kumanta ng ulan ngayon ah hehehe - nakakamiss yang ulan sa pinas. dito kasi bihira lang tapos may yelo pag umuulan, hindi sya snow yelo talaga sya na maliliit.

    ReplyDelete
  21. @Ka-Swak Ayuko ng umuulan sa Pinas...hehehe nagbabaha kase.. but anyway alam ko yung sinasabi mo.. di ko pa nga lang nararanasan.

    ReplyDelete

Anong meron?