Pages

Wednesday, April 27, 2011

Kulangot sa Pader.

**I've been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing so.

**This page right here was actually a blog post from my late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by the way.
"ANONG MASASABI MO SA PAPEL NA TO?"

Kung ang sagot mo ay may kulangot ito, may points ka. Pero kung ang sagot mo ay MAY MALIIT NA TULDOK, yan din ang sagot ko nung unang tinanong sa kin yan.

Nakakapagtaka lang noh? Kase pwede ko namang sagot ay, malinis o maputi o yan ay 8.5 x 11 na bond paper. Pero mas nauna ko pang napansin yung kakarampot na tuldok na yun at binigyang pansin ko yun kahit yung papel naman ang hinihingan ng opinyon.

So napalipad sa malayo ang isipan ko at ang na-compile kong reflection tungkol dito ay:

Una, minsan ang isang pagkakamali (super bulinggit na pagkakamali) ay walang panama sa billiong billiong tama. Lalo na kung ang nakagawa ng pagkakamali na yun ay taong pinagkakatiwalaan mo.

Pangalawa, mas madalas tayo manlait kaysa mamuri ng iba. Para bang mauubos ang laway kapag pinuri mo ibang tao, or para bang magkakasakit pag hindi nakapanglait. O di kaya, lage tayo naghahanap ng may mairereklamo sa ibang sitwasyon. Katulad sa TUMBLR, lahat na ng ginagawa ng tao pinakailamanan na. I mean one time may nabasa ako, "BAKIT KAILANGAN SABIHIN LAGE SA FB STATUS NA --"bbye! Sleep na ko!!"". I mean paki ba nila? Mamamatay ba sila pag may mga taong nag-gogoodbye at hello sa status?

Pangatlo, may mga pangyayari na hindi naman big deal, pero ginagawang big deal. Katulad ko at katulad nitong reflection na toh, tuldok lang naman toh, pinapalawak ko pa ang meaning.

Ang totoong naaalala kong explanation tungkol dito ay: MAS NAKIKITA AGAD ANG MAPANGET, KAYSA SA MAGANDA. KAHIT SABIHIN MO PANG SUPER DUPER GANDA PARANG MAG-HA-HIGHLIGHT PA DIN KUNG ANO PANGET.

Pero may iba pa akong gustong ipahiwatig tungkol sa papel na yan bukod sa pwedeng ipamunas yan sa puwet.

Isipin mo na ang papel na may tuldok na yan ay katumbas ng panibago mong araw. Pwedeng may mangyaring di ka-aya-aya today, pero wag mo hahayaan na masira ang kabuuan ng araw mo ng dahil lang sa maliit na bagay na yan. Para bang asahan mo na life is unfair! Life is unfair! Life is unfair! Pag may nangyaring di mo gusto, it's either just to let it go at move-on ka or harapin at tanggapin mo kung ano man yun. Pero syempre depende pa rin toh kung gaano kalaki ang problema, in this case maliit na mga problems lang ang tinutukoy ko, kaya nga tuldok eh. Para naman yung mga iba pang moment ng araw mo eh di masayang kaka-contemplate sa pangyayaring yun. Mas bigyang oras at panahon mo ang magagandang bagay sa araw mo, mga blessings, kase one way or another, for sure may blessing kang matatanggap sa araw mo na yan.

Hayun lang. Ikaw may iba ka pa bang pagkakaintindi sa kulangot na yan? Anong kulangot mo ngayong araw na 'to na pinahid mo lang sa pader or ilalim ng mesa dahil wala ka naman kebs?

27 comments:

  1. ang tuldok, kumabaga ay ang pagkakamali na nagawa ng isang tao na siyang dumungis sa papel na sya namang kanyang kabutihan. ganuman kalaki ang kabutihang kanyang ginawa, ang lagi na lang napapansin ay ang pagkakamali

    ReplyDelete
  2. Naitanong ko na din ito sa sarili ko dati. Minsan talagang mas madaling mapansin ng mapanghusgang madla ang ultimo ga-tuldok na pagkakamali kaysa kabutihan. Pero sa kalaunan, alam mo ba kung ano na ang nakikita ko sa tuwing nakikita ko ang ehemplong iyan?

    Isang taong punong-puno ng pagasa at opotunidad.

    ReplyDelete
  3. ang masasabi ko lng mei sa tuldok na yan, sana kong ano man ang nararamdaman ko o nangyayari sa buhay ko ngyn sana matuldokan na sa araw na ito.. sana sana sana.

    ReplyDelete
  4. Tama! Madalas napapansin ang maliliit na mga bagay halimbawa na lang yong mga maliliit na pagkakamali ay pinalalaki. Maliliit na diskusyon ay pinalalaki. Yong panget na pagmumukha napapansin kesa doon sa magandang kalooban.

    ReplyDelete
  5. Likas na sa atin ang unang makita ay ung mali o ung panget, ang kagandahan lang sa iba, tinatama na nila ito para lang di na makahawa...

    may entry akong ganito dati, 2 article na magkasunod :D

    ReplyDelete
  6. i had the same reflection noon sa ganyan. Minsan nakikita natin yung stain instead of the white paper

    ReplyDelete
  7. nakakarelate ako sa pangatlo. katulad kagabi, di nasoli ng kapatid ko ang hiniram nyang dvds. galit na galit si papa kung bakit hindi nasoli. ang sabi ko, bakit nyo ba pinoproblema yan. di naman nya sinabing isoli nyo yan, kaya sya ang mamomroblema kung kilan nya isosoli yan. dinadagdagan nyo lang wrinkles nyo eh.

    ang haba noh? wehehe.

    ReplyDelete
  8. tama.kahit ganu pa kaliit yan.halata.ewan.kinundisyun ata ang human brain to recognize differences kaya usually yung mga mali---or mga mail or impurities ang unang napapansin

    ReplyDelete
  9. gustong gusto ko yan! kadalasan nga sa atin, yung magagandang bagay na nagagawa natin...sa bahay, sa office, sa kaibigan, asawa, sa gobyerno, atbp hindi napapansin, pero katiting na pagkakali lang pansin agad.

    ReplyDelete
  10. nakakarelate talaga ako sa blog post mo kamila. Totoo talaga lahat ng sinabi mo. sa billion billion na tamang nagawa mo sa isang pagkakamali lang lahat ng yan mawawalang parang bola.

    Naranasan kuna yan sa opisina, sa bahay, sa mga kaibigan at kamag-anak. Yon bang isang pagkakamali lang nakalimutan na lahat ng mga mabubuti at tamang bagay na nagawa mo.

    ReplyDelete
  11. ang lalim naman neto... ikaw na ang tatalo kay Socrates.... ikaw na ang soon to be teacher sa pilosopiya... ewan ko kung tama akko...

    di ko gaano nagets... pero natamaan ako... kasi ung tuldok na yan kaya kong palakihin...

    hay buhay...... :'(

    ReplyDelete
  12. oh so true yung mga maliliit na bagay na pinapalaki. ika nga sa Ingles, 'making a mountain out of a molehill.' regarding naman sa repleksyon ko sa kulangot mong nakadikit sa monitor ng aming screen... hmmm... hindi ako makapaniwala na nakagawa ka ng isang makabuluhang post mula sa isang tuldok :) now that's what I call creative writing! wagas! ahihi~ :)

    ReplyDelete
  13. I agree with you! Ganoon nmn talaga ang mga tao, yung flaws agad ang nakikita o napapnsin. Kaya ingat lang tayo sa ating gagawin sa buhay.

    Nice! This is what I can consider a genius writing...Naks! :)

    Nunal yan ni LT na dumikit sa pamahid niyang face powder? lolz!

    ReplyDelete
  14. mas masarap kasing pag usapan ang pagkakamali o mali ng iba kaysa sa magandang katangian nito...mas interesting pa tapos dami pang makiki-usyoso.

    ReplyDelete
  15. Kung ano kasi ang sinabing di dapat gawin yon ang ginagwa ng tao.
    ganon ang tao. yong opposite ang pinagiisipan lagi.

    pero kahit ganon pa man sa bandang huli pwede namang mag isip ulit at itama ito. wag lang matigas ang ulo.

    ReplyDelete
  16. napakulangot tuloy ako! hahahah! muta wala ba?!! ewww kader-der! hahahha!

    what to do yani ganun talaga, pag konting mali mo lang napupuna na kaagad...life is ironic!

    ReplyDelete
  17. nakakalungkot isipin pero totoo. Na sa dami ng tamang nagawa mo pag nagkamli ka kahit minsan lang limot na ang lahat ng maganda.

    Tapos kung napaka ganda mo hahanapan ka ng pangit. (pero hindi ako yun kasi hindi naman ako maganda. cute lang.. haha)

    this is realy nice reflection. Sobrang totoo.

    ReplyDelete
  18. anak ng.. natawa ako sa title ng post mo.. lalo na sa papel.. Uu no.. bakit kaya ganun.. kahit na papel ang pinaguusapan.. nakafocus parin tayo sa tuldok.. eheheh

    ReplyDelete
  19. Alam mo kung ano ang ikinatuwa ko sa post mong ito? Dahil nagsimula ka tungkol sa kulangot at nagtapos ka tungkol sa buhay :)

    Hi Kamila, kumusta, iha? Na-miss ko dito. Pasensya na, medyo nag-ikot-ikot ako sa mahal kong probinsya.

    ReplyDelete
  20. isang napakalaking claps sa isang napakagandang pagaanalisa sa tuldok sa papel... claps claps claps!

    ReplyDelete
  21. Ikaw na magaling mag-analyze. In fairness, narealized ko na di ko ginagawang mag-isip ng malalim ha? Haha.

    Para sa akin, ganun din sa sagot nila. Hahaha. Kahit na napakabait mo at candidate ka sa pagiging santo, kapag nakagawa o may nagawa kang maliit na mali kahit pa nautot ka lang sa publiko, masisira ang kalinisan ng pagkatao mo. Life's unfair! At kapag nagkaganun, sucks to be me na ang motto mo. Haha.

    ReplyDelete
  22. ang tuldok... bow. ahaha


    wow, suma-psychology! ahaha naglelevel up na! naguguluhan ako sa explanation nung iba.. kasi psychotic ako eh. ahaha... wala akong matinong isip kaya ganun.

    ReplyDelete
  23. "Pwedeng may mangyaring di ka-aya-aya today, pero wag mo hahayaan na masira ang kabuuan ng araw mo ng dahil lang sa maliit na bagay na yan."

    wow!naenlighten ako dito. i never thought of that that way. lagi kasing yung "minsan ang isang pagkakamali (super bulinggit na pagkakamali) ay walang panama sa billiong billiong tama." and nasa isip ko.

    thank you sis kamila. =)

    ReplyDelete
  24. Oo nga. Laging natatabunan ng isang pagkakamali ang lahat-lahat ng kabutihan/kasiyahan na naidulot mo.. lalo na sa taong minamahal. Ganun tlga siguro ang buhay. Kahit na anong gawin mo, meron nang mga hesitations kasi nagawa mo na noon. kahit na isang simpleng pagkakamali lang. It has a lot to do with trust.

    At tama rin. Sa buhay ng tao.. kahit na gaano kaganda, meron talaga tayong nanonotice na kapangitan. Pero I think is normal lang naman. Kasi hindi naman tayo perpekto.. Lahat tyo merong isang bagay na pangit.. a FLAW.. na kung minsan ay pilit nating itinatago..

    Naisip ko dito ang recent episode ng GLEE. Born this way. Hwag dapat ikahiya kung anong meron ka.. maganda man o pangit. Acceptance.

    Hmmm... malayo ba ang comment ko sa post? LOL...

    ReplyDelete
  25. Kung inisip kung katatawanan eh tatatawa talaga ako. But for me, all i have to say is masaya ako sa nangyari sa buhay, kung anu man ang natuldukan yun ay dapat nang tuldukan..

    ReplyDelete
  26. tomoh! kung may kinukwento ka sa isang tao tapos hindi kilala ng taong kinuwentuhan mo yung taong kinukwento mo (hang gulo!), try mong i-desribe yung taong kinuwento o pinag-uusapan mo sa kanyang bad side, sa kanyang pangit na ugali, pangit na hitsura at tiyak makikilala na yan! haha

    ReplyDelete
  27. Naniniwala pa rin ako na hindi ito ang katapusan natin. Hindi ito ang tuldok na tatapos sa atin kung tuldok nga ang katapusan.........nabasa ko sa blog ni Akoni ang tungkol sa atin sa blog ibig page 14...........

    ReplyDelete

Anong meron?