**I've
been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I
want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing
so.
**This page right here was actually a blog post from my
late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I
never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the
past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to
publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by
the way.
|
Episode 5 | Episode 6 | Episode 7 | Episode 8 | Ending Episode
Makikita ko siya ulit. Kinikilig ako. Pero ang awkward.
Nakaramdam ka na ba magmahal ng tao na hindi man lang napansin na nag-exist ka? Ganun ako kay Matt. Pero sabi nila Katrin at Jella di naman daw yun LOVE, obsession ko lang daw yun nung elem. Masyado lang siguro ako umasa, kase ang tagal ko din dinibdib nung sinabi niya na ang ganda ko daw sa suot kong salamin na may gradong 1.50 left and right.
Tama ang Brownman Revival, maraming namamatay sa maling akala. Halos mamatay ang puso ko, pero nalaman ko na pwede naman pala mag-move on kung gugustuhin lang. Nalaman ko na ang OA ko lang. Mas malala naman kase nangyari sa kin nung Grade 6. Iniwan kame ni Papa at umuwi siya sa heaven ng mas maaga. Kinailangan din namin na lumipat ng Manila para mabuhay at dahil dun naka-move on ang mama ko, si Mia at ako.
"Sorry sa nangyari kagabi." Napatingin ako sa likod ko at nakatayo na dun ang late na hinihintay ko kanina pa. Seryoso akong sumagot pero nagulat ako sa sarili ko na hindi galit ang boses ko.
"Ang awkward lang at gusto mo pa ko kausapin ngayon."
"Sorry talaga di ko sadya, babawi ako" At umupo siya tatlong dangkal ang layo sa kinauupuan ko.
"Hindi okay lang, wag na Matt, may duty pa kase ako sa shop, babalik din ako agad."
"Pa..paano mo nalaman pangalan ko? Sinabi ko ba kagabi?"
"Miss Serr, bawal po umupo sa hagdan" Saway ni Kuya Guard sa 'ming dalawa.
"Ayy sory kuya.." Sabay tayo ko at abot ng kamay ko kay Matt na parang professional na nagpapakilala. "Danica Gonzalez"
Kumunot ang kilay niya, bumuka ng kaunti ang labi niya, nag-dilate ang mata, halatang naguluhan siya bakit ako nagpakilala. Napatingin ng konti sa kawalan at balik ulit ng tingin sa mukha ko na parang iniisip kung sino ako. Ngayon sumagot siya, pero mas malakas na boses niya kaysa kanina.
"Di nga?" Pailing-iling siyang di makapaniwala "Shet!" Napahawak na siya ngayon sa noo niya.
"Danica? Shet ikaw nga! Pero paanong?" Gusto kong matawa sa itsura niya, pero dapat kong pigilan, ayukong isipin niya na baka kinikilig ako.
"Shet, ilang years na nakalipas, di kita nakilala. At shet, ganito pa tayo nagkakilala." Wala siyang ginawa kundi umiling at magsabi ng shet.
"Matt, sige na una na ko, baka pagilitan ako ng boss ko eh naka-duty ako." Naglakad na ko paakyat ng hagdan.
"Danica!" Napalingon ako ulit sa kinatatayuan niya.
"Mamaya pagkatapos mo mag-duty." Ngumiti siya at parang matutunaw na ko. "Kaen tayo, dito na lang ulit tayo meet."
Naglakad ako pabalik, kinuha ang kaliwang kamay niya at sapilitang nilagay ang surf board key chain sa kamay niya.
Tumango ako at pinilit magpa-cool sa aking simpleng ngiti, naglakad palayo at sa puntong ito hindi ko na mapigilang ngumiti ng todo-todo. Oh my gard! Gusto ko magtatalon sa tuwa.

wahaha nice! avid reader na ata ako ahihihi. ganda ng kwento.
ReplyDelete@Kraehe Nice ang sipag mo naman... hahaha... kahit kase ako tinatamad basahin gawa ko hahaha
ReplyDeleteminsan lumalandin rin eh hehehehe
ReplyDeletekinilig ang bruha.. ang haba ng hair.. hehe.. I love reading this. :)
ReplyDelete@Bino Lumalandi ba? hehehe
ReplyDelete@Mayen Waaaahh thank you mayen.
Sheeeeeeett..sheett.kinilig ako don ah..hahaha..shet!
ReplyDeleteanak ng... may episode episode ka pang nalalaman dyan ahhh.... ehehehhe... nice,,, maganda,,, suer kilig ka naman niyannn...
ReplyDeletewow! parang lumalakad sa ulap ah.. excited..:)
ReplyDelete@Akoni Chalamat Kuya!!!! :)
ReplyDelete@Al Ngayon mo lang napansin ehehehe
@Memey Sakit na ng ulo ko memey!
hello kamil..tapos na ung test nmin nung monday isang test na lagn po bukas at ok na ang lahat... sensya na kung d ako nakdaan.busy po sa pagrereview talaga eh... Nga pala salamat po sa comment ^_^
ReplyDeletebkit masakit ulo mo meimei? di ka naman natulog anoh? sleep na bunso..miss kita sa kabila.. mwah
ReplyDeleteoh my gard talaga... hahaha.
ReplyDeletepwede ko bang lagyan ng sili ang bibig ni matt?!!
ReplyDeleteahahha... dapat lang may kalandian ang isang story.. ahahah
ReplyDeleteharot!
ReplyDeletehehehe :)
piZ!
:)
husay talaga nito paautograph nga!!!!
ReplyDeletethis is nice ah... sabay natayo magiisip ng mga story
ReplyDelete@halojin Okish lang yun..go go ka lang
ReplyDelete@Memey Buong maghapon na kase ako tapat ng computer memey eh..yan tuloy
@Empi Hehehe.... yah yah yah.. hehehe
@Iya Heheheh wag anghang naman nun
@Kiko Hindi pa ganun kalandi yan..hehe
@Jay Hehehe wala pa wala pa wala pa
@Jed Weh..? hahaha flattered me.. hahahah...
@Uno Tama..tama..di na ko makaatulog sa gabi.. hehehe
ayun o.... naka limang episode na.. aminin mo, kinikilg ka sa episode na ito habang sinisulat mo no hahaha...
ReplyDeletemagaling marekoy.. magandang umaga...
@Banjo parang hirap na hirap ako tapusin ito. hahaha
ReplyDeleteMagaling. gusto ko yong eksenang sapilitan mong binigay ang sufboard key chain.Natural na natural ang dating. lumilivel up.
ReplyDelete@Rommel Wow salamat binasa mo pa..haba nito eh
ReplyDeleteay shet.... hehehehe. :) ayooss!
ReplyDelete