|
**I've
been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I
want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing
so.
**This page right here was actually a blog post from my
late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I
never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the
past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to
publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by
the way.
|
Pagbukas ng maga kong mata nitong umaga, tulog pa si Mai sa kama niya ka-parallel ng kama ko. Automatic kong kinapa kung nasan na ba cell ko, sigurado nag-text si Matt o nag miss-call man lang. Pero wala at nalugmok ang umaga ko.
Pagkarating ko ng shop, kadadating lang din ni Mang Ernie. Di ko akalaing nakangiti at maaliwalas ngayon ang antuking mukha ni Mang Ernie.
"May nagpapabukas ng kotse."
Pagkarinig ko pa lang nun sa medjo garalgal na boses ni Mang Ernie, napanguso ako. Aga-aga naman, ganito pang di maganda araw ko, may tanga na naman nakaiwan ng susi sa loob ng kotse.
"San po?"
"Tanong mo dun sa guard sa seaside." Sabay kindat ni Mang Ernie sa kin.
Nakanguso pa rin ako, walang imik na tumango, binulsa ang parehong kamay at tamad na nagtungo sa parking lot sa seaside. Malayo pa lang nakita ko na walang kotse sa parking lot. Pero lumapit pa rin ako kay Kuya Guard.
"May nagpapabukas daw kuya?" Pinilit kong ngumiti.
"Ay wag na daw pala, nabuksan na daw pala." Nakangiting asong sinabi nung guard.
Napanguso ako ulit, mas mahaba na ngayon kaysa kanina. Napakamot sabay lakad papalayo ng walang isip-isip.
"Uy miss nasayo daw yung susi eh sabi nung may ari." Pahabol ni kuya guard. "Ikaw lang daw may hawak nung susi."
At dun gumuhit sa utak ko kung sino may pakana nito. Nilingon ko ang kabuuan ng parking lot, akala ko walang naka-park, pero may nag-iisang karag-karag na kotseng nakapark sa tabi ng puno. Tinakbo ko ng buong ngiti ang kinalalagyan ng kotse. Humihingal kong tiningnan ang malabong reflection ng mukha ko sa bintana ng kotse.
At napatingin ako sa puno na biglang gumalaw sa kabila ng kotse. Lumapit ang puno, nakangiti. At nagsalita sa familiar na gwapong boses.
"Ang drama mo." Halong pang-aasar. Mali, hindi pala siya puno. At mali, hindi niya binalikan si Nicole. The fact na nandito siya nang-aasar pa, ibig sabihin... pero hindi, hindi ko pwede ipakita na masaya ako. Yumakap pa rin siya sa babae na yun. Tumalikod ako at di ko na napigilan ibulalas sa mukha ko ang katotohanan ng nararamdaman. Pinilit kong itago ang mga labi ko na pinipilit ding ngumiti.
"Hindi ako madrama, nakita kita."
"Siya ang nakayakap, hindi ako."
At isang segundo ng katahimikan ang namagitan sa ming dalawa.
At isang segundo ng katahimikan ang namagitan sa ming dalawa.
"Isang araw.." bigla siyang nagsimulang magkwento ala-makata mula sa kawalan. "May isang sikat na mekaniko ang buong pasensyang inayos ang isang lumang kotse. Inayos ang takbo, ang bulok na tambutso, ang makina."
Hindi ako familiar sa kinukwento niya pero nakikinig ang tenga ko sa lumalapit na boses. "Tapos may isang gusgusing at uhugin pa yata na bata ang linggo-linggong kabuntot nitong magaling na mekaniko na toh."
Napatalikod ako sa sinabi niya, at seryoso pa rin siyang nagpatuloy. "Inalok ko ang bata ng Hi-Ro, sukli ay walang kasing tamis na ngiti." Hinawakan niya ang mga kamay ko. Napapangiti ako sa ka-kornyhan niya magkwento.
"At inalok din ako nung bata ng Hi-Ro isang araw habang nasa skwelahan. Sa hiya ko sa mga kalaro ko, hindi ko tinanggap. Alam ko dinurog ko ang puso niya. Kaya sabi ko, 'sa Linggo dadating naman ang mekaniko kasama siya, mag-sosorry ako.' Naghintay ako buong Linggo, at hindi na dumating ang Mekaniko, malamang hindi na rin yung bata."
Nangilid at tumambay ang mga luha ko sa mga mata ko. Ang kotse na toh? Ang kotse na toh ay isa sa mga inayos ni Papa.
"Pumanaw pala ang mekaniko, at naglipat ang naiwang pamilya sa Manila. Pero ngayon dahil sa kotse na toh, pinagtagpo na naman kame nung batang gusgusin." Medjo napangiti ako at pati na rin siya. "At ang gusgusin pa rin niya." Sabay batok ko sa kanya.
"Aray! Ay hindi pala, ang ganda ganda na pala niya ngayon, halos di ko siya nakilala nung muli ko siyang nakita. Kaso......" Tumaas kilay ko. "kaso medjo madrama."
Binatukan ko siya ulit. Umakma siyang nasaktan, nag-alala ako at akmang hihimasin ang binatukang ulo. Pero bigla niya akong niyakap ng mahigpit. "Mahal na mahal kita Danica." At napayakap na din ako sa minamahal ko din na si Matt.
Tapos ang kwento. Salamat sa pagbabasa. Hmwuah! Pasensya na kayo guys. Di ako makapag-blog-hop.


congratulations sa isang kwentong ginawa mo. pwede ba itong gawing isang pelikula mga ala twilight lang.
ReplyDeleteAng gandang basahin kasi ikaw ang gumawa.
Awww...ka-sweet naman ng ending..
ReplyDeleteCongrats! Natapos mo rin ang kuwento. Dapat magpa-party ka hehehe. O, submit na agad sa publisher haha :)
marekoy.. balikan ko lahat ng episode nito.. haysssss....
ReplyDeleteano ba yan... para akong estudyante, eh hindi naman ako gagraduate para maging busy..
apektado talaga kami ng lindol sa japan hahaha...
maganda ka este magandang araw marekoy..
seryoso... parating niyang naiiwan ang susi sa loob ng kotse.. dapat siguro may spare key siya na nakalagay sa kanyang pocket... tingin mo? at nalulungkot ako at mukhang matatapos na ang sere-series mo.. hmmp... MORE...MORE....MORE....
ReplyDeletewe want more... ehehhe
una sa lahat..gustong-gsto ko ang story dahil sa mejo may pagkarealistic?! (wula lang feel ko lang my pinghugutan ang story..jejeje)...panglawa sa lahat gusto-gusto ko ang names ng mga bida...dahil malapit ung name nila sa name nemen ni SO, kaya everytime bnabasa ko ang story naiimagine ko na kme yun...(ayie nuh bah!!! jeje)...pangatlo sa lahat ang ganda ng drawing, iinggit nga ko kasi gusto ko din magdrawing ng ganyan,pero di ko lam kung pano...jejeje...
ReplyDeleteang kulit pa ng ending...knasal ba sila?! jejeje
at lahat-lahat na..ito...ay....mahusay....!!!!
gawa ka pah...pero sa libro mo naman ipublish....jejeje...
wow. super sweet ng ending. anu beh. kilig naman ako. thanks kamil sa magandang kwento. nag enjoy ako sa susi sa puso mo.
ReplyDeleteok lang hindi mag blog hop minsan. pahinga muna. busy ka ba now? anyway, take care. :)
nakss~ kileeeg naman ! xD ang cute rin nung pic.
ReplyDeleteaba aba! bravo! isa itong milagro! hehe... galing!
ReplyDeletehappy ending.. nice! kilig to the max..:))
ReplyDeletebabalik ako... maya na reply comment. :)
ReplyDeleteang ganda ng kwento. pwede na talaga sa precious hearts :D
ReplyDeleteng dahil sa hi-ro, they lived happily ever after. hehe :)
ReplyDeleteim proud na hanggang ending nabasa ko siya.. hahaha
ReplyDeletethumbs up!!!!
ReplyDeleteur blog turns into romance....galing!
@ROmmel Mala twilight.. hehehe hindi naman fantasy kwento ko kuya ah! hahahaha Salamat kuya!
ReplyDelete@Ms.N Nyahahaha.. sana pwede tanggapin ng publisher.. hehehe may kilala ba kayo.. hahahaha
@Banjo Alam ko maganda ako dre.. hahahaha.. at salamat.. nuh ka ba.. no need to back read... nakakapagod yun.. wag ka masyado mag effort.. sapat na na dumalaw ka ngayon..
@Al Al naman eh di binabasa ang title.. o hindi ka talaga nagbasa.. halata ka eh! hahaha sampigahin kita! hahahaha
@Katie Bravo haba ng comment mo ngayon Matet! Abay naapreciate ko yan! Thank you.. pinilit ko ng buong puso na gawin realistic.. masaya ako at napansin mo yun! Wala naman ako pinaghuhugutan masyado.. At salamat kahit sa pangalan nakarelate ka. Malupit talaga ang drawing dahil magaling yung nag drawing..pero hindi ako yun..salamat!!
@Mayen Thank you naapreciate mo! Hahaha isa ka sa mga nagbasa.. thank you!!
@Jaydee Thank you Jaydee!!! :) Oo naman dapat cute ang pic..
@Jheng Bess at nasan naman ang milagro jan! hahaha adik ka!
@Memey Tenkuuuu memey! Hmwuah!
@Bino Waaaaahh kuya wag ka ganyan..parang hindi naman!
@Lily Oo..ng dahil yun sa Hi-Ro..
@Kiko Infairnes.. bakit mo nga binasa lahat..
@Harol Jellow your back!!! hindi naman masyado..paminsan minsan lang
awwwww ang sweeeeeeeeeet! kinilig ako wakekeke. nice story kamila..
ReplyDelete@Kraehe Salamat ng madame much!
ReplyDeletelike it u called me matet...jejeje..
ReplyDeleteAng cool ah. Ngayon ko lang talaga binasa kasi feel ko mabibitin ako kung sinusunod ko talaga mula simula, tsaka baka makalimutan ko ang nangyari sa isang episode. Naubos pa naman yung supply namin ng Memo Plus. lol.
ReplyDeleteKudos to you! Hindi rin madali magsulat ng kwento sa magkaibang POV at sa magkaibang kasarian pa ha.
Bigla ko tuloy naalala elementary days ko. Danica din name nung crush ko. Wala lang kaming mga ganung 'moments' tulad ng nasa kwento mo.
waaaaah!! lil sis ano na nagyari sayo?namimiss ka na namin ng kuya mo! batukan ba?!! hahaha
ReplyDeletegaling naman ng kwento happy ending! dahil lang sa isang mahiwagang susi!!! yeppeeee!
@Lhuloy Hehehe gusto mo ba ang matet? sige matet na lang tawag ko sayo
ReplyDelete@Kristian Ano yung POV? hahaha di ako magaling sa mga abbreviation sorry! Pero salamat kung nabasa mo lahat! Naapreciate ko.
@Ate iya Waaaaah!!! San na? ATE nasan na!!! hmpppp
Point of view yun. Nung unang ep kasi sa POV ni Matt ta's sa sumunod ay kay Danica naman. Ganun. :)
ReplyDelete@Kristian Ahhhh POV pala yun! hahahahah salamat may nalaman ako..
ReplyDelete