Pages

Thursday, March 31, 2011

Ako si Oprah.

**I've been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing so.

**This page right here was actually a blog post from my late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by the way.
Ikaw, ikaw na nagbabasa. May worth ka sa mundo na ito. Wag mong isiping wala. Bawat pagmulat ng mata mo sa umaga, may bagong oportunidad ka para mabuhay. Wag mong sabihin na mamaya o bukas ka pa magsisimula ng pagbabago. Bakit di pa ngayon? Busy ka masyado?

Ngayon na! Isipin mo na may maipagmamalaki ka! Maging masaya ka. Lahat ng pinagdadaanan mo na paghihirap at kalungkutan ay parte lamang ng power strength na kailangan mo i-redeem sa end ng fun run. Lahat ng pangyayari kaninang umaga at ang mangyayari pa mamayang hapon ay parte lang ng isang magandang kabuuan.

Tingnan mo ang kabuuan ng iyong araw. May nagawa ka bang may sense? May productive ka bang inasikaso? Binati mo ba ang nasalubong mong kakilala sa magandang paldang suot niya. Kahit na nakakainis siya, di mo mapagkakait na ang sarap sa mata nung mga bulaklak sa palda niya, bagay sa kanya. Pag binati mo siya, congrats! Isinangtabi mo ang isang bagay na hindi maisasantabi ng iba. Ego. At napaligaya mo pa siya (bukod sa pinalaki mo na naman ng isang pulgada ang ulo niya).

Mag-bigay ng compliment sa ibang tao, wala naman mawawala sayo di ba? Iwasan ang pagiging mapanglait. Di ka rin naman ganun ka-pogian kuya eh. May baho din naman minsan utot mo.

Mag-toothbrush sa umaga, para naman buong tapang kang makangiti sa mga badtrip sa traffic nung umaga at sa mga stress sa trabaho sa tanghali. Hindi sa aasarin mo sila, pero nakakahawa ang pag-ngiti. Good cause ito, parang charity, masarap ipamahagi.

Huwag pilitin maging masaya kung hindi ka masaya. Pero wag din naman lugmukin masyado ang sarili sa kalungkutan. Hindi tayo perpekto, at hindi rin perpekto ang taong katabi mo. Kaya wag masyado mag expect sa ibang tao, ma-didissapoint ka lang.

Dame ko pinagsasabi noh? Madame pa sana ako idadaldal, pero masyado nang elonggated, ang ano? Secret!

Oh eto na lang.

Salamat sa aking very own dorky friend. Ang isa sa pinakamamahal ko sa balat ng lupa at balat ng kaliskis ni magdalena. Hmwuah! Salamat dito. Love you bes! Ehmjhay.


At isa pang pagbabanggit ng pangalan. Hindi ko alam paano niya nalaman na mahilig ako sa kisses. Ginawa ko lang namang pop corn ang binigay niya habang nanunuod ng movie. Oo, ang kisses ay parang pop corn lang sa kin. Nakakaadik kase eh, ang sarap. Salamat MATET!


Alamin pa ang iba kong natanggap DITO.
May hinihintay pa akong isang bagay eh. Dun sa babaeng nagngangalan na IYAKHIN.

At masayang masayang masaya ako ngayong araw. God is good all the time! All the time God is good! Dami kong blessings! Ipinamamahagi ko ang blessings ko sa inyo through HUGGG!!! HUGGG! HUGGG! HUGG!!! Oh cheesy? Parang di ako.

22 comments:

  1. congrats sa isang napakagandang pose...dahil may picture mo sa dulo. hahahaha. yan may compliment na..^_^ ....

    ReplyDelete
  2. @Kikilabotz Nakalimutan ko na dapat bukal pala sa loob at totoo dapat ang compliment! HAHAHAHA.

    ReplyDelete
  3. kakakita ko lng ng pic nyo ni Joe sa fb, ang taas ng araw sa suot nyang shades...jejeje...

    yeah nbanggit u kc s dati ung post n lab n labidabs u ang kisses...jejeje...kya ayan...

    compliment ko para sa pic u dun...hamputi moh!!!

    ReplyDelete
  4. hahahha! adik special mention!!eto na on the go kaso paudlot-udlot kasi lam mo na di nagpapahalatang pumepetiks!! haaha! lapit na!!!
    kulit mo, namiss ka namin..promise....mwaahugz!

    ReplyDelete
  5. @Matet Oo nga..! Ako ba maputi... nagpapaputi pa nga ako eh.. jokes! Obsess eh noh? Hahaha.. yan lang kase pwede i-compliment sa kin na pwede ko tanggapin ng bukal sa loob! Salamat sa kisses!

    @Iya Oo naman ate ng hindi mo makalimutan yan! hahahah..aabangan ko yan malamang!

    ReplyDelete
  6. rock n roll. mabait ako ngayon. kasi di ako nangaway.May napasaya kaya ako ngayon.

    ReplyDelete
  7. naks naman napakainspirational naman neto.hehehe
    tama be positive!

    ReplyDelete
  8. you really are a sweet, sweet person kamila :)

    ReplyDelete
  9. power hug meimei, hehe! happy yipe yehey.. :))

    ReplyDelete
  10. @Rommel Good boy!

    @Kyle Ang negative lang eh chan ko.. gutom na ko..

    @Spiral Prince heheheeh sweet ba ko? parang hindi.

    @memey Yipeeee!!!

    ReplyDelete
  11. oi pengeng kisses. kaso mukang ubos na. masarap ngang gawing pocorn yan. kahit minsan sumasakit na ang lalamunan sa tamis sige pa din ang subo.

    Tama ka na ang pag ngiti ay nakakahawa. parang pag humikab ka. mapapansin mo hihikab din ang kaharap mo o ang katabi mo. ganun din ang pag ngit. Masarap din magbigay ng compliment and lalong masarap maka receive nito.

    I super like this post. very inspiring make wanna sing "happy! everybody should be happy!! hehe.. I'm happy kasi marami kang blessings kamilshake!

    ReplyDelete
  12. anung meron dito ah...

    akala ko mamimigay ka na ng ibat ibang bagay katulad ni oprah hehehhe

    ReplyDelete
  13. kakagising ko lang..ano mayroon? :P

    ReplyDelete
  14. hahah ikaw na may alagnag langgam sa bahay at ang sweet niyo lan namna.. hehehe

    ReplyDelete
  15. i like the post. kaya ako masaya pa rin kahit may sakit ngayon. hehehe

    ReplyDelete
  16. ano ung elonggated??? ahaha... curious ako... chos!!

    basta ako, marami na akong napasayang taoo... pero marami na din akong nalait na tao! wahahahaha.... kwits lang. ^^

    ReplyDelete
  17. @Mayen Hehehe tama.. hikab... madali ako mahawa ng hikab.. lol.. at madalas din akong humikab.. lagi kase akong antok

    @Uno Hahahaha mamimigay sana ako kaso medjo mahaba na ang post.. free TV lol

    @Akoni Kuya tulog ka na muna ulit!

    @Kiko Heheheheh langgam san?

    @Bino pagaling ka kuya Bino!!!

    @Rap Hahahahahah secret kung ano ang elonggated...

    ReplyDelete
  18. Asteeg! (ito na ang pangatlong beses na nagamit ko word na to sa araw na to. haha) Pwede na maging inspirational speaker. Para na ring nagva-valedictory address. :DD

    ReplyDelete
  19. @Kristian Huway Thank you.. niyahahahaha... sana balediktoryan nga ako.. para swak

    ReplyDelete
  20. Akala ko rin may pacontest ka dito. haha.
    Inspiring ang post na to. Ika-nga nila:

    "seize the day!" o kaya
    "you only live once."

    take care, kamila. :D

    ReplyDelete
  21. @Will Hala! bow! Thank you sa pagdalaw.. di ko expected yun.

    ReplyDelete
  22. hala di ko man ito nabasa? kelan to... di ko man ito nahanap?

    ReplyDelete

Anong meron?