Pages

Friday, March 11, 2011

Susi Sa Puso Mo. Ep.3

**I've been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing so.

**This page right here was actually a blog post from my late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by the way.
Episode 1 | Episode 2 | Episode 3 | Episode 4 
Episode 5 | Episode 6 | Episode 7 | Episode 8 | Ending Episode

Halos alas-nwebe na ako nakapag-out sa duty ko, kahit 8pm naman talaga labas ko. Di ko pa rin makalimutan yung morenong mayabang kaninang hapon. Busangot ang mukha at kung makatingin sa kin kala mo kung sino. Eexplain ko pa lang sa kanya kung payag ba siya sa presyo ko, ayun at naglakad sabay senyas na sumunod ako at mag-madali.

Sanay naman ako makisama sa kahit anong klaseng customer, kaya pinabayaan ko na lang at dinaan sa ngiti. Ngiting ngiti ako hanggang sa ibigay niya na yung bayad. Biglang nag-transform facial structure niya nung nalaman niya na P700 pala ang presyo ko sa service, siya kase eh di nagtatanong.

At since may extra ako ngayong araw, binilhan ko sila mama ng Bibingka sa Bebengkinitan, medjo may kamahalan, pero peyborit kase ni mama toh. Sabay daan muna ako sa sea side.

Mangasim-ngasim na malansa ang amoy ng dagat. Umupo ako sa semento na inuupuan madalas ng karamihan at tumitig sa mga tao. People watch bago umuwi. Gawain ko na toh gabi-gabi. Tinitingnan ko paano sila kumilos, paano sila tumawa at paano maglakad. Paano hawakan ng lalaki ang gf niya habang dala ang shoulder bag nito. Paano kumaen ng hotdog sandwich si lola at ang kaibahan sa apo nito. Paano mag-usap ang kumpol ng magbabarkada na taga FEU.

Gabi-gabi ibang eksena at gabi-gabi may pwede ako isulat at ikwento. Huli akong napatitig sa mag-syotang parehong kumakaen ng ice cream. Isang malalim na hinga ang lumabas sa kin. Ako kaya kailan? Sumakit pwet ko sabay baba sa sementong kinauupuan.

Nilabas ko fone ko at tinext si Mia, "Be may ulam n b jan?"
Sabay silip ako ulit dun sa mag-syota, di ko na sila nakita, pero merong isang matangkad na mama na pumalit sa pwesto nila. Di ko aninag mukha niya, pero halatang mukha siyang wasted.

Nag-vibrate fone ko:
"te meron n, bilisan mo
n dw umuwi sb n mama,
tma n tambay."

Humarap ako sa karagatan na madilim at dinantay ang siko ko sa semento. Excited at nakangiting nag-text back:
"geh, uwi na po!
may pasalubong ko
sa inyo. lam mo n bkt.
hehe, kwnto ko pag-uwi,
intay mo ko wag k muna
slip."

Nanlaki mata ko, halos hawakan ko ang hininga ko. Dahil pagka-press na pagka-press ko ng send, dalawang malakas at malalaking palad ang sumunggab sa magkabilang balikat ko. Sapilitan akong pinaharap nitong taong toh sa kinatatayuan niya. Naiwang nakalapag ang bibingka sa semento at muntik ng dumulas patilapon ang celepono ko. Nanlaki mata ko at di makapaniwala sa mamang mapungay ang mata.

Inuga-uga niya ang buong katawan ko at ang sakit ng mahigpit na hawak niya sa braso ko. Di ko maintindihan kung ano na ba nginangawa niya, pero isa lang naiintindihan ko, lasing siya.

"Ginawa ko naman lahat! Binigay ko naman lahat sayo!"
"Di kita niloko kahit kailan, ito lang! Itong pagkakamali lang na toh??? Pwede ko naman baguhin toh! Sana bigyan mo naman ako ng pagkakataon"
Napapalingon na lahat ng tao sa eksenang nangyayari at di ko pa rin alam paano ako magrereact.
Wala akong naiintindihan kundi iyak niya at ang hininga niyang naghalong alak at yosi.
Nakailang segundo pa na parang taon at yumuko siya.

Luhaan na siya at garalgal na bumigkas ulit. "Mahal na mahal na mahal kita Nicole.."

Ang utak ko naman ay parang traffic sa ka-maynilaan. Bakit ako si Nicole?! Bakit siya wasted?! Paano ako aalis sa sitwasyon na toh!!!! Bakit pinapanuod lang kame ng mga tao?! Bakit hindi ako sumigaw ng saklolo?! Nasan na ang bibingka ko???!!!!!

At bago pa man may dancing police na pwede mag-ayos ng traffic sa utak ko, bago pa man tumakbo palapit ang guard sa di kalayuan para tulungan ako, bago pa man ako nagtangka sana na sumigaw ng saklolo, mabilis na lumapat ang mga labi ng mayabang moreno sa bibig ko

25 comments:

  1. ay sweet naman.. hehe.. totoo kinilig ako. bakit naman kaya sya nikiss agad. over naman si mr. moreno, pero nice post. more..more..

    ReplyDelete
  2. @Mayen Salamat Mayen... ang haba lang.. haha

    ReplyDelete
  3. prang naguluhan ako :D , si Dan na ba ang nagkukwento ngayon? hindi na ung lalakeng nakaiwan ng susi sa kotse?

    ReplyDelete
  4. @CM Nyahaha..ang gulo ba ng plotting? hehehehe ayan... oo at si Dan na nga.

    ReplyDelete
  5. balikgtad naman ang nagkukwento.. ayon naman ito sa experience ng girl... :)

    magaling. nakakexcite naman marekoy... aba aba aba..

    level up ah...

    magandang araw sayo :)

    ReplyDelete
  6. ay gumanti ang moreno hehehehe

    ReplyDelete
  7. ano yan meimei? may nagnakaw sau ng halik? haha! anong pakiramdam? ..:P bitin naman..

    ReplyDelete
  8. Ang inosente biglang hinalikan Awww. at ang bibinka asan na?

    ReplyDelete
  9. @Banjo Chalamat sa pagbabasa kahit super habey parekoy

    @Bino Hehehehe...

    @Memey sa akin? pwede rin..hahahaha pero wish ko lang sa ganyang eksena..hahaa

    ReplyDelete
  10. @ROmmel Kuya napansin mo din ang bibingka? hehehehe

    ReplyDelete
  11. gusto ko ang twist ng kwento...babae na naman ang nagkukwento...sunod na ba ang guard? o ang moreno?sa FEU pala siya natambay, baka nakatabi ko na sya..haha

    ReplyDelete
  12. haha nakakatuwa. ep 4 na agad!

    ReplyDelete
  13. @Akoni Koya.. hindi yung feu student ang ankatambay sa MOA.. hehehe at nakita lang niya.. ang labo ko pala magkwento hehehe

    @Chelle Chalamat chelle sa pag-appreciate!

    ReplyDelete
  14. nice nice nice.... gusto ko ung ganyan, magkahalong metaphor at usual grammar parang dokumentary ang dating....

    ReplyDelete
  15. kakatuwa naman ang boyfriend mo, hayaan mi kasi siyang magbago tutal gusto naman pala nya kaso hindi pweding palaging sinasabi ang pagbabagong gustong mangyari, dapat ginagawa ito kung totoong niloloob nya ang kanyang mga sinasabi, kapag inuulit ulit ulit ulit ulit, punuin mo na ng bibingka ang bibig at tawagin mo ng manloloko.

    PS-nasave ba ang bibingka?

    ReplyDelete
  16. Uy, ang cute ah. Mukhang interesting, can't wait for the next one. =) Sino si Nicole? Hehe.

    ReplyDelete
  17. @Ajieluz Di po ako yan..fiction ko po yan.. hahaha :)

    @Tsina Thanks Tsina! :)

    @Kiko Charr din! Hehehe

    ReplyDelete
  18. nabasa ang bibingka ni ate habang naghahalikan sila :D. may series na may vlog pa...

    ibang level ka na kamila. ;D

    ReplyDelete
  19. @Teacher Nahiya naman ako sayo cher..!! WAAAAAAHHHH!!!!!

    ReplyDelete
  20. bwahahaha,,, now lang po ako nagbasa... kasi super busy ako sa pagbuo ng video blog ko.. last 4 days ago... eheheh... ganda naman ng twist..

    ReplyDelete
  21. @Al Anow ka ba.. okay lang.. no problem..

    ReplyDelete
  22. okay at nagdradrama na ang ating bida...hahahha sa moa ata ito ah?hahaha

    ReplyDelete
  23. @Kyle Hahahah haba nga ng drama eh..lol

    ReplyDelete

Anong meron?