Pages

Thursday, March 10, 2011

Susi Sa Puso Mo. Ep.2

**I've been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing so.

**This page right here was actually a blog post from my late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by the way.
Episode 1 | Episode 2 | Episode 3 | Episode 4 
Episode 5 | Episode 6 | Episode 7 | Episode 8 | Ending Episode

Pagpapatuloy...

Naglakad na kame pabalik sa kina-paparadahan ng kotse ko. Syempre nauuna ako maglakad dahil alam ko kung saan nakaparada yung kotse.

"Anong kotse niyo bos? Honda ba? Yung silver na yun?"
Kinakabahan naman ako dito sa taong toh, baka itakbo kotse ko, parang hasler eh.
"Oo, yung nasa dulo nakaparada." Sabay turo ko sa kinalalagyan ng kawawang kotse.

Nanguna si Dan sa paglalakad, halos tumakbo na nga eh. Napasilip naman ako sa likod niya, mula ulo hanggang paa. Babae? Marunong magbukas ng kotse? Hindi naman siya mukhang carnapper, masyado siyang masayahin para pagdudahan. Pero hanggang dun na lang usisa ko. Wala pang dalawang minuto, at magsisindi pa lang sana ako ng yosi. "Serr, P700.00."

Nabuksan na niya ang pinto, nasa kamay na niya ang susi, bahagya na sanang kakalma ang puso ko.
"SEVEN HUNDRED?!!!"

"Ay hindi ko ba nasabi sa inyo bossing? Nagmamadali po kase tayo kanina makarating dito!" 
 Sumama tsura ng mukha ko. Tinago ko ulit ang hawak-hawak kong yosi at lighter.
"Yun po kase presyo ko sa pagbukas ng kotse talaga, tanong niyo pa kila manong kuya guard." Sabay turo niya sa walang kamuwang muwang na guard na nakausap ko kanina.

Dukot na lang sa wallet, labas ng isang buong limang daan at isang buong dalawang daan at abot sa malahiganteng palad niya. Ang liit-liit at kababaeng tao pero ang laki ng kamay Sabagay, ginawa naman niya ang hindi ko magagawa. Hindi ko naman mahihila toh papuntang pagawaan, madami pang abala ang mangyayari o basta, magbabayad na lang ako. Napatingin ako sa mukha niya at mukha pa rin siyang masayahin, pero nakaka-irita na ang dating sa kin.

"Salamat bossing! Sa uulitin!"
Sampigahin ko yung babaeng yun eh anong sa uulitin? At pa-tweetums pa, pero parang politician lang, feeling ko nasa Pasig ako at nakotongan, mas malala pa.

Ay shet! Oo nga pala, late na ko.

24 comments:

  1. Ang kapal naman ng mukha ng babaeng yun. Kung ako hindi ko sya bibigyan.

    ReplyDelete
  2. @Glentot Bakit hindi? Binuksan naman niya yung kotse..? Di ba? Hahahaha

    ReplyDelete
  3. ahaha at kahit magtanong pa sa mamang guard. ang mahal naman. anyway sino ba ang naglock ng pinto at nangailangan ng serbisyo niya.

    ReplyDelete
  4. @Rommel Kuya ang sagot lang ay mahahanap mo pag nagbasa ka... hahaha

    ReplyDelete
  5. ang mahal naman ng singil...binasag nalang sana niya ang salamin ng kotse niya..hehe

    ReplyDelete
  6. @Akoni Nyahahaa.. Kuya..how much that will cause you pag pinagawa yun? Hahahaha

    ReplyDelete
  7. ang tweet na man... huwata labli sturi... nice...

    ReplyDelete
  8. hahaha yung sabi ko queer dati ay ang ibig sabihin ay unusual na story, akala ko kasi medyo gay story kasi dan yung name, e babae pala kala ko lalaki. e yung bida mo syempre e lalaki.hahahahaha

    mmmm kaabang-abang ah solmet...hehehe

    ReplyDelete
  9. @Al Chalamat Al

    @Kyle Ahhh yun pala ang queer..sorry solmet..mahina ako sa vocabulary.. Chalamat!!!

    ReplyDelete
  10. ahehe.. dami na sanang gasolina yung P700 ah? pero mas mabuti na yun kesa sa basagin ang salamin mas mahal yun. ang payo ko lang sa bida mag tabi ng duplicate sa wallet para hindi na cla magkita sa uulitin ni ms. 700.. haha.. nice one kamil :)

    ReplyDelete
  11. @Mayen Tama! Yun din ang point ko... mura na ang 700 kumpara sa abalahin mo pa sarili mo sa kung anu ano.. nyahahaha.. Kaso nga lang hindi generous ang presyo na yun. Yun lang.

    ReplyDelete
  12. hindi pa tapos ito no..

    may kasunod pa... pero makapal ang mukha ng babeng un ha..

    hindi kaya ang babaeng yun ang mya hawak din ng susi pasa sa puso ng nagkukwento? ahehehe

    magandang araw

    ReplyDelete
  13. @Banjo Nyahahahahaha.... ayaw mo dre? hindi ko makapagsalita..baka mamaya ikwento ko na lahat haha

    ReplyDelete
  14. mahal naman!.. lesson learned magdala ka ng extra key tpos gawin mong kwentas.. hehe!

    ReplyDelete
  15. @memey Hirap naman nun memey... papaduplicate ka ng susi ng kotse.. heheheh..gawin nating hikaw.. hehe

    ReplyDelete
  16. hahaha, ang mahal...pero kahit na, kaysa naman maghirap sya sa kung paano gagawin makuha lang susi, at least kay Dan, walang ilang minuto ok na...

    Babae pala si Dan, kala ko lalake dun sa unang istorya :D

    ReplyDelete
  17. @CM yehey may kakampi na si Dan.. hhehee

    ReplyDelete
  18. @Jed Matatawa na sana ako.. hala.kaso nunuod ako balita ngayon tsunami sa japan

    ReplyDelete
  19. Dan tlaga ang nem...arrghh,,jeje..tru-to-layp b toh' kamila?! nakakaexcite ih...jejeje

    ReplyDelete
  20. 700?!!! whatttahh?!!! pang MCdo na yu ha!!

    ReplyDelete
  21. @Iya Hahahahaha seryoso.. 700.. hehehe

    @Katie Fiction lang toh Katie... heheh bakit? anong meron sa Dan? hehehe :)

    ReplyDelete
  22. hahahaha... sayang naman ang pera... tama si Mayen... magtabi ng duplicate... ako nga meron din akong duplicate parati...

    ReplyDelete
  23. @Al Talaga? Duplicate ng Kotse meron? waaaaah.. ayos yun!

    ReplyDelete

Anong meron?