Pages

Wednesday, March 23, 2011

Bumangga Giba (Part 1)

**I've been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing so.

**This page right here was actually a blog post from my late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by the way.
Hello mga bata. Ngayong araw ang kwento ko ay tungkol sa isang grupo na nabuo ng dahil sa isang junkfood. Naaalala mo pa ba ito?


Kung trip mo lang eh alalahanin mo kung anong chichirya yan, dahil kung wala yan, wala din ang kwento na ito. Habang inaalala mo, simulan ko na ang kwento.
***
Sa di kalayuan ay may apat na babae. Tatlong payat at isang UFO. Masaya nilang pinagdiriwang ang apat na oras na lunch break nila. Oo, apat na oras, san ka nakakita ng highschool na ganun? In regular basis ang ginagawa nila sa loob ng apat na oras na yun ay kumaen, magdaldalan, matulog, gumawa ng assignment at kumaen.

Dahil mainit sa ating bansa, silang apat (lalo na ang pawisang kili-kili ng UFO) ay madalas tumambay sa 7-Eleven para magpalamig at para na rin siguro tumingin ng mga song hit sabay wag bumili.

One time, wala ng pera ang apat na babae dahil poor lang sila (or naubos na nila sa naunang isang oras ng break nila ang kayamanan nila). Pero wait, may limang piso pa sila, poorness talaga? Naghanap sila ng pwedeng mabili sa 7-Eleven sa presyong limang piso. Parang thrift show lang sa TV kung saan dapat makahanap yung host ng outfit na worth piso pero may dating.

At dito pumapasok ang chichirya sa itaas. Ito ang commercial:


Naaalala mo na ba kung anong chichirya yun? Kung di pa, wala na ko magagawa.

Pumaitaas sa kalangitan ang chichirya at pumagitna sa mga palad ng bawat isa sa mga babae. Ang OA. Sige basta dun na nila nalaman na hindi naman talaga nila sure kung masarap yung chichirya na yun. Sabay bumalik na sila sa klase na parang walang nangyari.

Nung mga panahon na yun, umuulan ng battle of the bands sa buong kapaligiran nila, kaya naman kahit sino eh inspired na inspired bumuo ng banda. Lahat feel na feel makipagslaman at lahat gustong magsuot ng converse.

At yun, hindi ko na alam bakit lakas loob na nakumbinsi ng apat ang sarili nila na makakabuo sila ng banda na ang pangalan ay SUNSHOTS.


Ang Apat na babae
Aub, Mimay, Jheng
(Yung UFO ang may hawak ng camera)

17 comments:

  1. hindi ko maalala kasi hindi ko mapanood d2 ang video na yan, hahahaha!

    nway salamat nga pala ah.. thank you!

    ReplyDelete
  2. hehe. bakit naman ang UFO ay hindi nagpa-picture? siguro sa susunod pa. Naku gusto kong sabihing alam ko ang chichiria na yan. pero parang hindi ko matandaan. yung commercial medyo familiar. anu beh? generation gap na ba ito?? waaahhh...cute naman may band kau. well iniisip ko kasi ikaw si UFO tama ba?

    nway, nag panic ako akala ko natapos ang susi sa puso mo. hehe..akala ko hindi ko na subaybayan. hindi pa pala tapos. hehe..

    ReplyDelete
  3. Alam ko yang chichirya na yan! :D
    Nakalimutan ko na yung lasa pero alam ko masarap yan eh. :P
    Pero, wala na ako makitang ganyan dito.

    ReplyDelete
  4. hi marekoy... nahuli ng ko masyado... sunshots.. naalala ko yan. pero walang panama sa all time fave ng masa.. ang boy bawangnesssssssss...

    oopppssss.. teka... may karugtong? hmmm hindi kaya ikaw ung UFO? hehehe...


    magandang araw marekoy

    ReplyDelete
  5. @Memey Talaga..? Naapreciate mo ba?

    @Mayen Hahaaha.. oo Mayen, ako nga ang UFO sa grupo namin.. hehehe.. niyahahah.. mukhang madami na nga ang nakalimut sa chichirya na yan.. hahahaha.... hindi yan generation gap..sadya lang talagang laos na laos yung chichirya na yun, kaya nakalimutan, kahit ako di ko na maalala ang lasa eh. Anyhooo.. hindi pa tapos.. inaayos ko pa din, para naman medjo pangtao yung ending.

    @Jaydee Tengkyu Jaydee

    @Jae Gibbs Apir!!! Galing mo!!! Oo ako din di ko na maalala yung lasa..hehehe.. OO wala na talaga.. hahaha kahit ako wala na ko makita..

    ReplyDelete
  6. @Banjo Weeeeeh! Parekoy ikaw ay nagbalik! Hindi ka huli.. anoh ka bey! Hahahaha Oo! Dapat pala Boy Bawang na lang pinangalan namin sa min noh? Hahha.. Oo may tama ka! Ako nga ang UFO. LOl...

    ReplyDelete
  7. nagcomment ako dito ha! inis! kung sino man yung ufo na yun sigueadong magaling yun mag headbang! hehe

    ReplyDelete
  8. hindi ko alam ang chichirya na nasa photos. kamila, bitin ako sa kwento mo.Pero may mga style ka sa pagsulat na gusto ko.Gagayahin ko yan pag may time akong magkwento kwento.

    ReplyDelete
  9. @Mj OO SIGURADONG MAGALING MAG HEADBANG yung UFO NA YUN

    @Rommel Hahaha salamat kuya naapreciate mo ang style ko sa pagsusulat!!!

    ReplyDelete
  10. naalala ko lang nung napanuod ko n tong vdeo...kala ko last episode n ng susi sa heart mu...jejeje..

    ReplyDelete
  11. @Katie Di pa katie..pero salamat sa pagaabang.. :)

    ReplyDelete
  12. At ngayon may banda na pala kayo. anu tinutugtog nyo?

    Good day folk.

    http://arandomshit.blogspot.com/

    ReplyDelete
  13. @Denase Hehhehehehe abangan na lang part 2.. dun sagot ko eh

    ReplyDelete
  14. ahahhaha... kakatuwan naman to... di ko maalala kung kanino ko nabasa ang ganito... kay jengphot ba? ehehheh... magbestfren nga kayo.. I remeber the sun shot....

    ReplyDelete
  15. @Al May tama kaaa.. oo kay jheng nga.. :)

    ReplyDelete
  16. kabit na kabit din pala pagiging tropa ni'yo nina MJ, hano? hehehe

    ReplyDelete

Anong meron?