Pages

Wednesday, March 23, 2011

Susi Sa Puso Mo. Ep.7

**I've been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing so.

**This page right here was actually a blog post from my late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by the way.


Nagsasayaw na ang iba at ang iba naman ay kasama ko sa isang table na may bucket ng red horse sa gitna. Nangangalahati pa lang ang baso ko at masaya lang na nakikipag-balik tanaw sa mga kaklase. Iba't ibang kulay ng ilaw ang sumasayaw habang tinutugtog na ang E.T ni Katy Perry.

"Pare sayang naman kayo ni Nicole noh? Three damn years pare!" Halos sumigaw na si Jan sa pakikipag-usap sa kin.
"Ganyan ka ba pagdating ni Danica dito?" Sigaw ko pabalik.
"Sinasabi lang Matt, lam mo naman syempre mas gusto pa rin namin si Nic para sayo." Sa kanan ko naman si Louie.
"Yaan niyo, sigurado matutuwa kayo kay Dan" Pag-tatanggol ko.

Halos wala ng tatalo sa perpektong nararamdaman ko kay Danica. Sobrang simple, kwela at mababaw lang ang kaligayahan niya. Hindi ko kailangan magpaka-perpekto para sa kanya. Ang kailangan ko lang ay magpakatotoo. Yun ang wala si Nicole.

Sabado nag-aya ang mga college mate ko ng reunion. Nag-aalangan ako pumunta dahil nasa isang tropa lang kame ni Nicole. Nakikita ko na pinipilit lang ngumiti ni Danica para lang makumbinsi na pumunta na ko.

"Sige na pumunta ka na, ikaw na nagsabi na ang tagal mo na silang di nakikita." May assurance sa mukha niya.
"Oh sige sige, pupunta ako." Sabi ko
"Very good!" Ngumiti siya sabay balik ng kaen sa noodles niya.
"Pero dapat sasama ka!" Halos mabilaukan ang Danica ko.

Syempre ayaw niya, pero napilit ko pa rin siya. Tutal three months na kame, kailangan mapakilala ko na siya sa mga kaibigan ko. Alam naman niya kung saan sa taft tong bar na toh eh. Yun pa, taga San Andres lang yun. Sinabi na rin niya na mauna na ko kase gabi na rin matatapos duty niya. Kaya ayun, kada may bagong dadating napapadungaw ako sa pinto sabay check sa cell ko kung nag-text na ba siya. Dapat nandito na yun ganitong oras eh.

Pagkalingon ko ulit sa tropa, napansin ko na medjo nakangiti si Jan, bakit? Sabay may kamay na sapilitang tinakpan ang mukha ko. Tinanggal ko at nung nakita ko kung sino, di ko inaasahan na siya at napatayo ako.

Si Nicole. Malambot at maliit lang ang kamay ni Nicole kaya mdali ko natanggal sa pagmumukha ko. Nakangiti siya.

"Kaw pala Nic."
"Kamusta na Matt?" Ang awkward lang dahil mapangit ang huli naming pagkikita.
"Okay lang." Matipid kong sagot. Ramdam ko na ngumingiti sa tuwa naman ang tropa na nakaupo pa rin sa mesa.
"Wait lang ha." Kunyari pupunta na lang ako sa banyo, hindi ko pinaghandaan ang tagpo na ito.
Lalakad na ako pero bigla niya akong hinawakan sa braso. "Wait lang Matt."
Natigilan ako at naghintay sa mga sasabihin niya. "Gusto kita makausap."
"Sige, sabihin mo na dito."
Agad naman niyang sinabi ng walang hiya-hiya sa mga kalalakihan na nasa harap naming dalawa.
"Gusto ko mag-sorry Matt, hindi kita inintindi. Gusto kong sabihin sayo na..... na-mimiss na kita."

Biglang dumungaw sa utak ko ang mga masasayang araw namin ni Nicole. Halos pagsilbihan ko ang babaeng ito na nasa harapan ko. Pero ngayon hindi ko alam kung worth it pa nga ba ang lahat ng panahon na ibinigay ko para sa kanya.

"Naisip kong sobrang liit lang naman nung pagkukulang mo, napapangiti ako pag naaalala ko yung mga......."
"Tama na Nic!" May tono na ng galit sa boses ko. Ano ba ang ginagawa niya?
Medjo nagtaas din siya ng boses sa pagkakataon na toh.
"Bakit? May iba ka na? Ganun na lang ba kabilis yun Matt? Bakit naman di mo ko hinintay o tinanong mo man lang sana ako na baka magbago pa isip ko?"
Sinusubukan ng lahat na wag kame pakialamanan sa usapan namin na nakakahiya na, patuloy pa rin ang iba sa pagsasayaw.
Hinila ko si Nicole sa isang tabi at sinubukang ibulong sa kanya lahat ng hinanakit ko.
"Nic, maliwanag na ang lahat di ba? Ikaw na nagsabi, masyado akong kulang sayo, wala na akong ibibigay dahil nabigay ko ng lahat!"

At dun hinagis niya ang parehong braso niya sa leeg ko at niyakap ako ni Nicole ng sobrang higpit. Sinubukan kong ilayo siya sa pagkakayakap sa kin. Walang pumigil bagkus naghiyawan pa ang mga kaklase ko at tinapunan pa kame ng tukso. May isa pang sumigaw na, "Magbabalikan na yan!"

By the time na nagawa ko ng ikalas ang mga braso niya sa leeg ko, nakita ko ang nag-iisang babae na hindi nakikisali sa hiyawan, isang babae na nakatayo sa pinto at luhaan. Si Danica na agad tumakbo palayo.

P.S. Ang Illustrator po ng larawan sa itaas at mga larawan sa mga nakaraang ep ay si Michael Reyes ng Joe lang.

19 comments:

  1. sabi na nga ba may masasaktan eh. tsk tsk. parang flames the movie :D

    ReplyDelete
  2. ay ganun may nicole pa? ang landi. badtrip. hehe..kawawa naman si dan.excited na ako sa susunod. nakakabitin naman.. tapusin mo na and dapat happy ending ah? haha..

    ang galing naman ng illustrator mo. 2 tumbs up. :)

    ReplyDelete
  3. baa..si bebe pala may gawa!!hehehe!!magaling-magaling-magaling!!

    uy wawa naman si Danica....

    ReplyDelete
  4. @Bino Kuya ano yung flames the movie?? hahahaha di ko lam yun!!! hahaha

    @Mayen Salamat at napansin mo na si Illustrator..nagpapapansin nga siya masyado..hahaha

    @Iya Niyahahahaha..salamat Ate Iya..sige sabihin ko sa kanya na nagandahan kayooow :)

    ReplyDelete
  5. bakit kaya walang love story na walang iyakan o sakit na mararanasan.. bakit walang perfect couple.. bakit kailangan may masaktan... hayst...

    ReplyDelete
  6. @Al Heheh affected ka Al.. hahahah :) syempre kailangan may pagdaanan munang hirap..para maging strong ang isang relationship

    ReplyDelete
  7. hahahaha! may nagseselos, nkakarelate ako.. hmp pinapainggit niyo akong dalawa ni iya_khin, ang cute cute ng gawa niyo sa aking anak pero sa akin wala wala wala, hahaha! mabait din naman ako ah..:(

    ReplyDelete
  8. tsk tsk.. nagkakasakitan na.

    ReplyDelete
  9. @Memey Di ka naman nagsasabi na gusto mo pala Memey.. gusto mo ba? I have all the time in the world..hanggang bukas... :)

    @Empi Thanks sa pagbabasa Empi!

    ReplyDelete
  10. ang ganda ng illustration. Ang sakit ng mga eksenang pinapakita. Pwede ka ng gumawa ng books.Ang galing!

    ReplyDelete
  11. @Rommel Salamat Kuya Rommel! Matutuwa ang gumawa nung illustrator!

    ReplyDelete
  12. hahaha picture pa lang o.. buod na ng story.. hehehe... ang landi kajhit ayaw na go parin...

    ReplyDelete
  13. @Kiko & Arvs Thank youuuu sa inyong dalawa!!! :)

    ReplyDelete
  14. hello kamila! haha sensya na now lang ako nakadalaw panu sobrang busy sa pag aayus ng thesis namin..defense kasi nmin kahapon at ayun awa naman ng Diyos! nakaraos din! hehe ywehey! GOD BLESS you always kamila!

    ReplyDelete
  15. @Halojin Shuper okay lang Halojin!...

    ReplyDelete
  16. ay bakit ganon? oi dapat happy ending...hehehe

    ReplyDelete
  17. Alam mu b para lng mbsa q 2ng series-seriesan mu e pnirint q ang episode 2 hanggang ep.7 s ofis..haha,ng patago! Ang ms2bi q lng e gus2ng gus2 q ung line n "hndi kta m2daliin,pero s tngin ko handa n ko",panalo! At nk2inis dhil bitin!malay q b kung ngpkmtay c dan dhl s nkta nia o pnatay nia c nicole..

    ReplyDelete
  18. @Halojin OKay lang yun.. no problemow... thanx sa pagdalaw sa blog

    @Kyle Hehehe Kyle..may last part pa yan... hehehe

    @Jheng NUmber one fan? hahahaha bes talaga o.. gumanda lang intern mo jan may palihim ka ng ginagawa ah.. di pa tapos toh..

    ReplyDelete

Anong meron?