|
**I've
been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I
want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing
so.
**This page right here was actually a blog post from my
late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I
never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the
past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to
publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by
the way.
|
Ano ba ginawa ko? Hindi mapalagay isip ko. Epal ba ako? Nakikisiksik sa blog ng iba masyado? Epal ba ako sa blog mo? Nagdadalawang isip na tuloy ako mag-comment sa lahat ng blog na nasa blog roll ko. Kase kahit hindi ako dinadalaw nung iba, nag-cocomment pa rin ako pag interesting. Eh paano kung yung blog pala na yun eh ayaw makatanggap ng comment ko? Paano ko malalaman? Pero ang saya-saya pag may isa kang blog na tinitingala sabay di sinasadyang napadalaw siya sa blog mo.
Nag-iisip.
Ang saya mag blog, kahit minsan walang sensible na comment na ibibigay sayo, masaya pa rin. Free ba talaga tayo sabihin lahat ng naiisip natin? Hindi ako maingat. Magpapakatotoo ka ba sa comment box o magpapaka-plastik ka para lang may masabi? Pero kahit na! Isang comment nga lang ng isang blogger ay super malaking bagay na e, kahit minsan na siyang nag-skip read dahil wala siyang time, kaw naman kase gang kanto post mo. May buhay din naman siya noh, nagttrabaho o nag-aaral at kailangan din magpahinga.
Nakapikit.
Sa loob loob ko, gusto ko makisama sa kanilang all. Masaya. Ang saya pag nagkakamabutihan kayo ng loob at nagiging close kayo. Ang kulit sa twitter at minsan sa FB. Palitan ng kuro-kuro. Pero meron din namang hindi maganda ang dinig sa tabas ng dila mo, pero quite lang sila kase ayaw nila makasakit ng damdamin ng iba.
Ngumiti.
Lahat naman tayo gusto mag-sulat at umaaasa na may maisusulat na maganda. Lahat naman tayo dito nagpupursige na matanggap tayo sa kung sino tayo. Yung sinulat mo minsan description na sayo, ikaw na mismo nagsabi db? Pero paano kung may di ka napaliwanag? Paano pag kulang pa paliwanag mo? Paano pag biglang bukas pala nag-iba ka ng prinsipyo at pananaw mo?
Masaya.
Salamat sa lahat ng mga nag-bblog na hanggang ngayon ay dumadalaw pa din. Salamat sa mga blogger na halos maging kaibigan ko na. Pasensya na kung ako ay madalas umepal sa buhay niyo at sa blog niyo. Salamat bahagi kayo ng blogging life ko. Pasensya na sa mga di ko napapansin, di ko sinasadya. Pagkakataon mo na i-comment ang hinanakit mo sa hindi ko pagdalaw sa blog mo o kung ano mang hinanakit mo sa kin. Pag-usapan natin.
Lahat ng tao dadating sa buhay natin, madame ang magiging masaya sa prisensya natin. Kaso nga lang hindi lahat. Hindi lahat tatanggap sa kung sino ka.

ako gusto ko nakakatanggap ng komento mula sa yo at para sa akin di ka epal. :D
ReplyDeleteAt bakit mo naman naisip yun, aber? Hehehe... May connection ba to sa FB post ko kahapun? hihi..
ReplyDeleteThe best rewards sa blogging.. for me.. is the feedback. Feedback.. hindi yung cash/income (kasi hindi naman ako kumikita sa blog ko).. kundi yung traffic at yung comments. Though minsan, merong mga readers na mas feel lang magbasa kesa magkomento, na-aappreciate ko rin sila..
You gain acquaintances through blogging. Merong mga taong nakaka relate sayo.. nakakarelate sa mga sinusulat mo. And when that person feels a connection, mag-iiwan yun ng bakas. Sigurado. They give advice when you feel troubled. They smile with you when you feel happy. Nagagalit na rin kung meron kang kaaway. Haha. Human nature na yata yun.. na we want other people to hear about our opinion on things.. And I think I wouldn't call it epal..
So epal ka ba sa blog ng iba? The answer is no. Hehehe.. Para sa akin, hindi ka epal, Kamil. I appreciate your comments.. truly. :)
P.S.
However, there are some bloggers/readers na medyo ume-epal talga. Yung.. medyo walang kinalaman yung comment nya sa post na ginawa mo. Still, nag-effort naman silang magkomento, so thank you na rin.. Kaso nga lang, like I told you yesterday.. lumalabas na nagpapa-impress lang. Hmm.. Maybe I'm just reading it wrong. Ewan. Hehehe.. :)
sabi nga nila... you blog express not to impress "D
ReplyDeletejust keep on blogging "D
@Bino Kuya bino awww.. thank you.. that's nice to hear...
ReplyDelete@Leah Super uber to the max naman akong na-touch dito ms. Leah! Waaaaah! Salamat.. at medjo nagkaroon akong assurance na may mga blog pa din naman na gusto makatanggap ng maayos na comment! Thank you ms. Leah!
uyy paepal ako ah..pero love your entry na to!!!!
ReplyDeletelab et...
epal din kasi ako sa ibang blogs eh... naiisip ko nga din minsan kung nakasakit ba ako sa comments ng iba? or kung OK lang ba sa kanila... mga ganon2x.... pero tama u di nga lahat eh tatanggap kung sino ka....
di ako nagskip read ahhh. :D
wala lang... umeepal lang... chaaarrrr... lol
@Axl Thank you Axl.. tama tama.. expression.. ang blog ay expression.. salamat.
ReplyDeleteako aminado akong medyuomadalas akong magskip read lately dahil busy busyhan ako hehehe anyway..sa blog ko di ka epal sis..kahit anong sabihin mo dun ok lang magpakatotoo ka lang kahit na damihan mo pa ang comment mo ok lang hehehe much appreciated ko pa yun =)
ReplyDeletesa di malamang dahilan ganyan din ang iniisip kagabi lang, kung baka nagiging epal na ako sa blog ng iba. minsan kasi ang haba ko magcomment. Pero sa lahat ng iniwanan ko ng comment, siguradong nagbasa ako ng post nila. kung wala akong time magbasa, hindi na lang mag ko-comment. Iniisip ko din kung dadami pa ba ang kakilala ko, eh puro tungkol lang naman sa akin sinusulat ko. Pero keri lang, kasi, again, tama ka hindi lahat tatanggap sa natin.
ReplyDeleteby the way, umepal ka lang sa blog ko di ako magsasawa.. haha.. nakarelate ako sa post na to, madami pa sana ako gusto sabihin kaso...ang haba na naman nito. hehe..
@Egg Lage kita nakikita sa iba't ibang blog... hindi pa yata kita ntry dalawin..hahahaha dalawin kita ngayon.
ReplyDelete@Jaid Sa kin okay lang talaga skip read.. need nila yun.. minsan kase mga dalawang oras bago matapos mag blog hop.. syempre.. di naman lahat madaming panahon..dapat intindihin.. at oo sige..magcocomment ako ng magcocomment sayo..
ReplyDelete@Mayen Oh naka-relate ka ba? Dadame din kaibigan mo.. medjo madami na nga eh. Ako nung nagsisimula pa lang.. wala katao-tao.. parang ghost town ang blog ko. Salamat! Sige mag-cocomment ako.! Kahit na mahaba comment mo.. keri lang kase mas nakaka-appreciate nga yung ganun eh.
una sa lahat, if epal ang blog mo, ano pa kaya yung blog ko???
ReplyDeleteu know what, we cant please talaga kahit sino. ang importante, nakakapagbigay ngiti at inspirasyon ka. hindi man sa lahat, siguradong dun sa mga taong nakakaunawa sayo! :)
Una sa lahat ano ba ang epal? di ko alam walang word na ganyang aking planetang pinangalingan. seryoso ako di ko talaga alam ang kahulugan. Alam ko lang di maganda. Sos, may mga ganyan talagang pakiramdam. blog lang ng blog. Sayo naman ito.
ReplyDeleteako, gustong-gusto ko mga komento mo, may sense, hindi tulad ng ilang blogger skip reader sila, malalaman mo naman kasi ang iksi ng comment at wala sa post ang sinasabi nila...hehehe
ReplyDeleteSensya na minsan hindi ako nakakadalaw dito, walang time magbloghop. Saka ang bagal ng connection ng internet namin.
@MD Md na nga lang tatawag ko sayo.. madalas kase kita tawaging Emerson. Lol. hahahaha. Salamat sa mga sinabi mo.. sana nga nakakapgbigay inspirasyon..lol.. ikaw naman nakakapagbigay ngiti...
ReplyDelete@Rommel Hahaha epal.. hindi ko sure kung paano ko ipapaliwanag.. hmmm.. parang outcast yata meaning nun.. hehehe..
@Moks Salamat Moks! Talaga may sensa ba mga comment ko sayo?? Salamat! At okay lang naman kahit di ka madalas dumalaw.. no problemow yun..
Tahimik - hindi ko alam kung ano ang ginagawa mo, pero hindi ka epal, pal OO.
ReplyDeleteNag-iisip - ako kadalasan sa mga comments nakakakuha ng ideas..hehe..kaya pag-binasa ko ang isang blogs, pati mga comments ay babasahin ko din. mas hindi ako tinatamad basahin ang mga comments.
Nakapikit - gemini nga tayo, kambal.
Ngumiti - agree ako ka Powerhouse Production, kakaiba pangalan niya. kung kulang man ang paliwanag mo, nandito naman kami para punuan ang mga pagkukulang. dont worry, people change kaya ayos lang un at normal lang. ex. Dati pinaka-hate ko ang beef loaf, ngayon pinakapaborito ko, see?! people change.
Masaya - halos kaibigan mo na ba ako?
@Akoni Sa tanang comment mo kuya.. ito na yata ang pinakamahaba! Hahahaahah! Natuwa ako! Tama ka..minsan may mga comment na may sense talaga.. yung pinag-isipan talaga.. Kambal na ba tayo kuya? Hahaha nice yun! Iniisip ko kase babae kakambal ko..pero mas astig kung lalake! Kuya halos kapatid na nga kita eh!
ReplyDeletemasasabi mong epal ang isang blogger kung madalas lang itong mag-iwan ng walang kwentang komento sa mga sinusulat mo. (e.g. nice post! keep it up! care to exchange links?)
ReplyDeletesila yung mga tipong nagpapapansin lang, para i-advertise yung sarili nila at makakuha ng atensyon ng sa gayon ay may iba namang magkainteres buksan ang blog site nila.
sa kaso mo, hindi pagiging epal ang tawag dun. kasi may sense ka magbigay ng mga komento. may isine-share kang ideas or experiences based dun sa mga post na binasa mo at yun ang mas naaappreciate ko.
P.S. Hindi porket di ako nag-iiwan ng komento sa mga post mo, di rin ako dumadalaw dito. tahimik lang ako pag dumadalaw sa mga blogsites na gusto ko at pasensya na.. natural na saken ang pagiging SUPLADO. hahaha. pero alam ko kung sino naman ang mga dapat at hindi dapat kong bigyan ng atensyon. ;-)
naku..ikaw pa epal. eh isa ka sa tinitingala dito sa blogosphero kaya isang comment mo lang marami ang natutuwa. hehehe...
ReplyDeletekeep rockin kamila..video ko..(eto ang epal hahaha)
@Suplado Gulat ako dun ah! pasabog comment mo! Salamat at naaapreciate mo pala ang mga comment ko.. hahaha di ko akalain. Aba namay akoy natuwa! As in malaking ngiti sa aking face ang dinulot nitong comment mo.
ReplyDelete@Kikilabot Nyahaha..nambola ka pa.. nanghihingi ka lang ng video.. wait kailan na ba? Ano ba yan.. napressure tuloy ako.. hahaha
anong drama to? lols... umutot si akoni kaya mahaba comment. ahahaha
ReplyDeleteaminado ako nag skip read ako minsan, kasi limited sa time (dahil nasa office at baka mahuli) at kapag nasa bahay naman (maraming mas epal sa bahay na nakikigamit din ng pc)... saka kung sobrang tagal na nung post na di ko nabasa, di na ako nagkokoment minsan kasi sobrang late na... hehehe, pero binabasa ko padin kapag wala akong maiblog... literal na bloghop.
di ka epal....
ermmm...may mga blog akong bnavasa at d na iniiwanan ng bakas,,,kasi wula akong masabi...jejeje...un lang...
ReplyDeleteBlog lang hangga't may maisusulat at maishare ng kung anu ano. pangtanggal stress din ito. :D
ReplyDelete@Rap Okay lang yun Rap.. naiintindihan kita.. ikaw pa... ikaw na.. hahaha :)
ReplyDelete@Katie wala din ako masabi sa comment mo ngayon ahahaha
@Empi Tomoo..pang tagal stress...
hmmm... mailabas nga ang hinanakit ko sa iyo...
ReplyDeletemy turn...
tahimik: hindi ko alam ang salitang ito... marahil para sa akin ang kahulugan niyan ang pagtulog... duon lang ako nagiging tahimik eh...
Nag-iisip..: ito ang kailangan ko... magisp.. kasi minsan hindi ako nagiisip.. at basta gtinagawa ko na lang ang bagay na gusto ko gawin... hmmmp...
Nakapikit: masarap pumikit habang nagiisip.. hmmm magawa ko nga yan minsan... sabay sound trips.. eheheh nakas naman...
Ngumiti... pagkatapos mo manahimik, pumikit at magisip.. ngumiti ka na.. para naman hindi ka magmukahang emo.. eheheh
@Masaya: dapat lahat tayo masaya.. para ever body happy diba...
Oh siya... tama na yan.. alam ko na naguguluhan ka sa comment ko kasi ang layo di ba... pero huwag kang magalala.. di naman maepal ang pagcocomment eh.. at saka ito isipin mo.. kapag naka activate ang comment box.. meaning gusto niya ng comment... pero kapag naka set ang comment box niya na for approval pa.. meaning ayaw niya ng pangit na comment... ako ang comment box ko.. authomatic... post agad.. kasi ayaw ko ng approval approval kasi gusto ko marinig ang bawat salita na isusulat nila tungkol sa post ko...
pero natawa ako ng sinabi mong "kaw kasi eh gang kanto ang post mo..." nyeheheheh...
gusto kita, i treat you as my close friend now kahit di pa tayo nagkikita ganito na tayo kaclose...kita mo???!! hahaha
ReplyDeletedi ka epal,masaya ako nakilala kita...heeeepppp....syempre at iba pa!! hahaha
mahal na nga kita eh!!charoooosss!! di ako tibo!hugzzz para sayo!
i'll be your ate if you want!
@Al Nyahahaha..naguluhan nga ako sa comment ko.. lashing ka ba? Hahahaha.. adik ka! :) Pero salamat Al! Tara vblog pa tayo!
ReplyDelete@Iya Wow Natouch naman ako dun Iya.. pero mas matotouch ka sa kin, kase alam mo? Alam mo kung bakit di kita tinatawag na ate? Kase ano ka ba young at heart pa tayo!!! Kunyari magka-age lang tayo..! Hahahah Pero like ko yun! Syempre I want an ate.. if you want din na Ate tawag ko sayo..pero dahil nag suggest ka na rin naman! Edi go go go! Ate Iya!
Ako kamil: pwede mo rin akong tawaging ate... ATE AL ehehehheh....
ReplyDeletekapatid may pinagdadaanan kaba? wag ka magisip ng kung ano ano..mabaliw ka.. hehe.. ganito nalang.. i love your blog!:) hahaha
ReplyDeletehindi tlga lhat mapi-please basta wlang inaapakang ibang tao ok lang un..
ReplyDeleteAng cool nman ng blog na ito nakarelate ako..pero sa tingin ko ang pagcocomment ay indi nman sa pagiging epal..ibigsabhin lng nun natuwa ka sa blog nia kaya ka nagcomment... :)
ReplyDeletei agree with axl... blogging is to express not to impress...
ReplyDeleteako... wala sa aking masamang tinapay lahat ini-entertain ko... magpa-impress man o hindi we really dont know... kung anu tlga ang gusto nyang ipahiwatig sa comment nya...
kung makikipag exlink nmn sila... bkit kamagdadamot db... mamaring nagpapansin sila kasi lahat nmn tayo AMININ MAN NATIN O HINDI TAMA NAG EEXPRESS NATIN ANG ATING SARILI AT THE SAME WE WANTED TO BE APPRECIATED DB.kaya nga nagbloblog tayo eh...
by the way kamila... A BIG THANKS NA-APPRECIATE MO AKO... KHIT MUKHANG NAGPAPANSIN LANG AKO HAHAHA.
smile always!
hindi kaya..i like you nga kc you can find time na magbaSa and magcomment..unlike me na wala na halos time magblog..pero bawi ako sa vacation.. :)
ReplyDelete@kamila- hhahaha...ang swweeett nattiiiinnn..hahaha..i lurve it!
ReplyDeleteayun.. naguilty naman acu dun oh! haha
ReplyDeletedahil hindi acu nakakapasyal sa blog mo, at kelan lang din naman kasi acu nag0pen ng blog.. :)
Wow, short post pero na-encompass mo ang buong idea ng blogging and interacting sa blogosphere... kudos... nicely written... Hindi ka nagkamali, meron at merong mga bloggers na parang zombies lang, pero ayos lang yan as long as meron pa ring real bloggers at readers around you...
ReplyDelete@Al Niyahahahaha..! Ate AL? My gad... di nga...? haha
ReplyDelete@Cheenee Kapatid.. oo sige hindi ako mag-iisip na para di ako mabaliw.. hehe
@Keaton Ako din, naiisip ko yun, basta wala kang tinatapakan na tao. Go lang.
@Stay See Kate Jellow sa iyong unang visit sa blog ko. Salamat! Ikaw ba natuwa kaya ka nagcomment?
@Uno Weeeeh.. paano kita na appreciate? Lahat naman dito ng blogger naaapreciate ko din.. kahit na minsan nagpapaexchange link lang... malay ko ba interesting naman pala blog nila talaga
@Chai Normal lang kase mag-comment kapag nabasa talaga. I mean, tama yung sinabi nung iba, wag na lang mag-comment kung hindi nabasa, kase no point rin naman.
@Akoni Kuya Hahaha..Exciting!
@Tara hahah bakit ka naguilty naman jan. Totoo lang kayong mga busy naiintindihan ko, wala yun..at least kayo nga mas productive ginagawa niyo..
@Glentot Yan ang sinasabi ko.. mga comment ng mga tinitingala ko.. Kapag nakikita ko lang mga ganitong pangalan mo sa blog ko.. kumikinang sa mata ko eh..! Ayan pinuri mo pa ko... ayan mas malaki na ulo ko than ever...
meimei, buzy mode me now.. huhu.. :(
ReplyDeletebasta ako khit anong blog ng frens ko binabasa ko at nagcocoment ako kasi alam kong may matutunan ako,sasaya ako, matatawa at kong ano ano pang nice info..
sa umpisa sabi ko kaya ako nagblog kasi d2 ko ibubuhos ka dramahan ko sa mundo haha! gnon pa rin ang rason ko 'til now kaya pasensiyahan niyo ako kong lahat madrama blog ko, hehe!
@Memey Di ka naman po madrama noh!!! Nakakatacute ka nga eh!!! Labidabidoo..
ReplyDeletemejo philosophical yung questions mo dun sa 2nd paragraph. i say, now you know what introspection is. ahaha.
ReplyDeletehinde ka epal :) isa kang blogera. proud na blogera. at masayang blogera :D
@Nowitzki Nyahahaha.. di ko pa rin alam kung ano meaning ng introspection?? baka need i-google..haha
ReplyDeletebinabasa ko naman blog mo, di lang talaga ko masyado macomment hahaha! guilty much... :D pero wala yatang blogero at blogera na hindi natuwa sa comment ng ibang tao lalo na pag possitive. :D
ReplyDelete@Art Niyaahaha.. I don't mean to hurt you..hahaha tsaka ano ka ba.. di ako ganun sayo..
ReplyDelete