**I've been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing so.
**This page right here was actually a blog post from my late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by the way.
|
Ang lawak. Nagkalat ang mga maliliit na bagay na kumikinang kahit
saan ako tumingin.
Hindi ko
mapigilang mapangiti, huminga ako ng malalim at tinanaw muli ang kalawakang
nakikita ko.
Ramdam ko ang
mahigpit na kamay sa kaliwang kamay ko. Pumapagitna ang malalaking daliri niya
sa bawat maliliit na daliri ko. Hindi ko na kailangan lingunin pa kung
sino yun na masaya ding nagmamasid at kasabay na na-aamaze.
Naghalong lambot,
kiliti at init naman ang nararamdaman ng talampakan ko. Hanggang sa nag-unahan
na ang mga paa ko na makarating sa tubig alat. Halos mag-hilahan kame nung
nakahawak sa kamay ko para lang mahabol ang alon na naglalaro sa harap namin.
Bumitaw siya,
tumakbo ako palayo, yumuko siya at humakot ng tubig na agad naman kumawala sa
mga kamay niya at agad na itinalsik ang mga natira papunta sa kin. Agad naman
din akong nagtaboy ng tubig papunta sa kanya para tuluyan na rin siyang mabasa.
Nagtatakbo ako at
nagpahabol. Nagsimula na siyang gumawa nung monster sound na ginagawa niya kada
hinahabol niya ko. Hindi ko alam, pero nanlalambot ako sa ginagawa niya. Halong
takot at halakhak yung sigaw ko. Ang bigat nung tinatakbuhan kung alon sa mga
paa ko.
Sumulyap ako kung
gaano na ba kalapit ang paghabol niya, hinihiling na sana medjo malayo pa, lalo
ako nanghina nung nakita ko na nanjan na siya. Natalo ako. Tawa at halong
pananakot naman ang ginagawa niya. Pakiramdam ko sa kalamnan ko nanggaling yung
halakhak ko, nakikiliti ako kahit di pa naman niya ko nahahawakan.
Hanggang
nakapalibot na sa kin ang kanang braso niya habang ang kaliwang kamay niya ay
nagpupumilit na hakutin pa rin ang tubig patungo sa pagmumukha ko sabay kuskos.
Ang brutal. Kinagat ko siya sa braso. Nakawala ako, pagkakataon ko na. Hinila
ko siya sa tenga, bago pa man kame makarating sa dalampasigan, pareho kame
nadapa at kumaen ng lupa. Sarap lang.
At hindi ako basa,
walang lupa, walang humahawak sa kamay ko, madilim ang paligid.
Pikit na lang ulit
ako, mas maliwanag pa.
Anong lasa ng
tubig alat kapag mata ang humuhusga?
Drawing ni Joe
ang nasa ibabaw.


ganda ng mga eksena.
ReplyDeleteayyy ang tweet naman neto. galing ah. na-feel ko yun.wahehehe
ReplyDeletewag kasi papalipas ng gutom bago matulog hehehe...
ReplyDeleteka sweet naman ng panaginip mo.. ang romatic ng eksensa eh.. teka baka nagkakamali ako.. panaginip yan ha... sana tinuloy mo lang.. umpisa na eh. hahaha
kasagutan ko sa tanong mo... maalat.. :)
magandang araw
hahaha! bangungutot ba yan?!! at akala ko kung ano na ang tumatalsik! lol
ReplyDeleteoo nga hirap kaya tumakbo sa dagat,bigat sa katawan!!
@Rommel Tsalamattsss.. lam ko right? ganda... huhu sana nasa eksena ako
ReplyDelete@Kyle Hayy feel na feel ko din soulmate..
@Banjo Talaga maalat? Di nga sure ka na jan dre??? oo nga gutom me... hay...
@iya Hahaha at ano ang tatalsik..? napaisip ako sa naiisip mo...
ang HALAY!!!!! wahahaha
ReplyDelete@Rap Isip mo lang mahalay Rap!!! hahaha
ReplyDeletena-feel ko, parang nakikita ko...pero, guni-guni mo pala...tapos naisip ko si peter pan, happy thoughts..hehe
ReplyDeleteang cute ng drawing ,hehehe
ReplyDelete@Kamil: na inlove naman ako tuloy bigla sa kwento mo... parang sguto ko tuloy magtatakbo sa dito sa disyerto sa amin at magpahabol naman sa mga camel... heheheheh...
ReplyDeletehmm.. ala-ala o pangarap?
ReplyDeletekaganda naman ng panaginip mo. sana totoo lang. kasi mukang miss na miss mo na sya.. :)
ReplyDeletetalsik?!! laway! hahaha ano bang iniisip mo? napaisip din ako uli....
ReplyDeletepanaginip ba? sayang kala ko totoo
ReplyDeletewahaha summer na hay
ReplyDeletekagatan s abraso like ko yan hahha
malambot. nakakakiliti. at mainit?
ReplyDeletehmmm. anu yun? jok! aheheh. :)
nice one kamila :)
tiyak nasaktan ng kagatin mo sa braso..
ReplyDeletei hope isa sa kanila ang manalo..
ReplyDeletesiguro napaaray talaga ng kagatin mo sa braso..
ReplyDeleteang galing parang fantasy lang :))
ReplyDelete@Akoni Nyahahaha..... guni-guni... pwede na rin... pero sa isip ko lang talaga yan..
ReplyDelete@Adang Alam ko right? Na-kyutan din ako!
@Al Natawa ako dun! Hahahahahaha! Sa Camel!... hehehe
@Nishiboy Inisip lang. Pinilit kong isipin. eheheh
@Mayen Super miss na miss na miss... kung alam lang ng tala.
@Iya Hahaha nagjojoke lang ako na may iniisip ako. hahaha...
@Bino Sana nga panaginip..at swerte kung panaginip nga.
@Uno Nyahahaha.. like ko din!
@Nowitzki Nyahahahaa.... pwede namang buhangin yun... hahaha...bakit ka nag-iisip ng ganyan.. haha
@Arvin Bakit tatlo comment mo Arvin? Adik ka... hahahaha... oo ayaw niya ng kinakagat sa braso.. pero kinakagat ko pa din.
@mjhay Nyahahaha... fantasy? heheheheheheheh siguro pwede.. hehehe
ang landi ng panaginip mo ha..lol
ReplyDeletecguro iniisip mo ako bago matulog ano?lol
kapal noh?hakhak
dun sa tanong mo:matabang na maalat alat ng kaunti :)
morning kamila!
@Jay Meron akong iniisip.. pero sigurado ako Jay na hinding hindi ikaw yun! hahahahahahaha!!!!! Salamat sa pagsagot sa katanungan..
ReplyDeletehay, panaginip lang pla.. hehe!
ReplyDeletenahuli ako sa commnent ah. tsk tsk.. busy mode..
@Mommy Razz Okay lang yun memey! Go go lanG!
ReplyDeletenaks naman... kilig ako. :D
ReplyDelete@Empi Ako din kinikilig eh
ReplyDeleteYown oh.. ang galing.. :0
ReplyDelete@Emerson nyahaha..salamat..
ReplyDeleteaww. ang sweet. ganda. :D
ReplyDeletetapos crap. paniginip lang pala. ang daming beses ko nang naranasan yan. kaasar lang. hahaha. kala ko totoo na eh. :)))))
@Ishashime Sana magkatotoo kahit konti... hehehe
ReplyDeleteano nga ba lasa??hmmm..haha
ReplyDeleteang kyot nmn ng drawing.. :)
@Chai May lasa yun pero hindi maalat... hahaha at hindi ako ang nagdrawing nun... hahaha
ReplyDeleteBF mo o Tatay mo??? wehehehe...para ma-kumnpleto ko yung imagination ko...wala lang...haha. Nice pagkasulat...
ReplyDelete@Hi Me Sigurado akong hindi yan tatay ko
ReplyDeletekinikilig ako dito te. kahit di ko pa to nararanasan parang na imagine ko lang din bigla. ang ganda ng pagkakasulat in fairness, may imagery talaga. hahay. pero nalungkot ako sa end part, imagination lang pala--prang tulad lang ng lagi kong ginagawa, lagi lang din nag-iimagine. hahay na naman, sana may mangyaring katulad nito or kahit di maging sing katulad at least konting pagkakatulad lang,para naman maging colorful ang summer natin. :)
ReplyDelete@Ester Ang salamat ko naman Ester sayo... thank you... nung sinasabi nung ibang commenter na navivisualize din nila yung kwento ko parang di ako naniniwala.. lol.. totoo pala... hala.. THANK YOU!!! Thank you naapreciate mo kahit imagination ko lang din yan.
ReplyDeletehaha! akala ko totoo talaga ang mga eksena hanip...!!pang rated pg..bawal under18 and etc...pero galing very creative ng imahinasyon!!!T_T
ReplyDelete@Riza mamatsssss Rizaaaa Weeeeh :)
ReplyDelete@kamila..TseHHHHH!!!
ReplyDeletelol
@Jay NYAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHA!!!!!!
ReplyDeletePumapagitna ang malalaking daliri niya sa bawat maliliit na daliri ko.-weh? maliit daliri mo? hahaha...galing tlaga ni mayk...pati ikaw na din syempre :)
ReplyDelete@Mj Wag mo ng pansinin!! Hahahahahahahahahahahaha! Bes. Mas malaki naman
ReplyDeletedaliri niya sa kin noh!