|
**I've
been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I
want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing
so.
**This page right here was actually a blog post from my
late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I
never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the
past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to
publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by
the way.
|
Kapag nakita ko kaya sarili ko sa malayo, maiisip ko pa rin kaya
na tama ako?
Makikita ko kaya mga mali ko?
Ang sarap ng tunog ng keyboard
habang nagta-type ako.
Pakiramdam ko isa akong
professional writer.
Sunod sunod na pagtipa sa
keyboard at hindi man lang ako tumitingin sa kung anong letra na ba pinipindot
ko.
Sunod-sunod na lang pumupunta
ang mga daliri ko sa mga pamilyar na lugar na titipa naman sa tamang letra.
Hawak niya ko sa leeg.
Hawak niya ang oras.
Pero parang buhangin lang na
nahuhulog unti-unti ang oras na yun.
Sa mga kamay niyang maliliit.
Ilang beses na niya ako
nasabihang madrama.
Ilang beses ko na narinig na
ma-emosyonal ako.
Ilang beses ko na narinig na
dagdag pa ko sa problema niya.
Ilang beses ko na narinig ang
mga sumbat na hindi naman niya sinasadyang masabi.
Huli na nga sa pagsisisi, pero
patuloy pa rin sa pag gawa ng mga bagay na pagsisisihan.
Involuntary ng sumisipa yung
paa ko sa paanan ng lamesa na pinapatungan ng laptop.
Gumagawa ng tunog para maaliw.
Para lumayo sa kung ano mang
lalim ng iniisip ko.
Dahil pag hindi ko hinawakan
ang utak ko, lilipad na naman toh sa malayo.
Sa malayo na nagdudulot ng
pighati at luha.
Malayong lugar na may bituin,
sana maliwanag, pero ma-foggy.
Masyadong maningning ang mga
bituin, pero di sapat para maaninag yung lugar.
Naghihintay ako.
Pero di ko alam hinihintay ko.
Madrama oo.
May topak oo.
Kunyari masayahin oo.
Hindi ka kailangan mag-comment.
Hindi ko hinihingi pag-tapik mo
sa likod ko.
Wala akong kailangan.
Siguro katahimikan.
Pero madami na ako nun.
Nasanay lang ako sa kalayaan.
Nasanay ako na pwede kong gawin
lahat.
Nasanay ako na pwede ako umuwi
ng madaling araw o hindi umuwi kahit sa isa pang araw.
Nasanay ako na pwede ako uminom
gang sumuka.
Nasanay ako mag-OO sa lahat ng
masaya.
Pasimple-simple lang.
Lahat may paraan.
Hindi... hindi ako ang taong
iniisip mo.
Hindi ako nag-babar. Sa kanto
lang ako umiinom. Minsan sa bundok. Sa sahig lang kame umuupo at tumatagay.
Hindi ako nag-ddroga. Pero marunong akong lumipad.
Malapad noo ko. Madaming laman
sabi nila. Minsan mga bagay na hindi naman naiisip ng iba,
Hindi ako perpekto.
Minsan madungis.
Di marunong ngumiti ng maayos,
laging nakangisi.
May talent ako sa dila at upper
lips ko.
Natutunan ko nung elementary.
Hindi ko alam kung bakit
marunong ako magbasketball.
Hindi ko nga lam rules ng
larong yun eh
Siguro dahil lumaki ako sa
tapat ng basketball court.
At siguro dahil may mga kuya
ako na nagbabasketball.
At siguro dahil walang ibang
damit sa bahay kundi mga pang basketball
Muntik na ako malunod.
Hindi ako natuluyan.
Sabi kase ni God may gagawin pa
daw ako.
Di ko rin alam kung ano.
Pero bahala na siya kung ano.
Kapagod mag-type ng walang
kwenta.
Kapagod mag-isip.
Pagurin ko na lang isip ko.
Pag napagod ako.. kung
mapapagod ako. Matutulog ako.
Isang mahabang tulog.
Di na kailangan gumising pa.
Mukhang psychotic lang noh?
Kung nakaabot ka na sa part ng
sulat na ito ng hindi nagskip read,
Inaadvice ko na mag skip read
ka na.
Dahil wala na patutunguhan toh.
Walang reward at wala din
comment box.
Psychotic ako. Kung sakali man
matuluyan ako.
Sabihin niyo sa kung sino mang
kamag-anak ko.
Gusto ko ipasok nila ako sa
Pasig. Metro Psyche pangalan nung hospital
Medjo may kamahalan yata, pero
gagaling daw mga baliw dun.
Isa pa may gym at swimming pool
sila. Medjo sosyal.
Kaya gusto ko dun.
Hindi ako pumasa sa driving
test ulit. Pangalawang beses ko na.
At di ko alam. Magbibike na
lang ako. o di kaya maglalakad na lang ako.
Tapos wala na kameng bahay sa
Pilipinas.
Biruin mo yun.
20 years kameng
nagkunya-kunyariang mayaman kame.
Nagpatayo kame ng 2 storie
building na bahay,
May kotse kame.
Nagkaroon ako ng engrandeng
debut na naka-pink balloon gown.
Nagpainom kuya ko ng San Mig
Light at Red horse.
Pero panis ang carbonarang
inihanda nung nag-asikaso ng catering. Fuck you! Pagkakataon ko na toh. Bakit
ngayon ko lang toh ginawa.
Gusto kong sabihing fuck you
sayo! Kung sino ka mang naghanda ng carbonara nung birthday ko! Fuck you!
Isa pa.. dun sa lugar sa gitna
ng birthday ko! Fuck sa ipis na naglalakad sa gitna nung stage. Sigurado patay
ka na ngayon. Hahanapin ko mga kamag-anak mo at ipapa-massacre ko sila.
Hindi... hindi ako sawi sa
buhay ko.
Lahat lang kase ng tao
masyadong masaya.
Ako naman busyng busy gumawa ng
maling desisyon sa buhay ko.
Pero sa kahulihan natutuwa
naman ako.
Kase medjo kakaiba timpla ng
buhay ko.
Magulo. Parang halo-halo.
Pero masarap.
Fuck tong buhay na toh.
Kunyari happiness.
Kunyari gladlyness.
Kunyari nagtatalon ako sa tuwa
kase nasa amerika ako.
Kunyari masaya lahat ng tao.
Kunyari masaya ako para sa mga
kaibigan ko na ggraduate na ngayon ng hindi ako kasama.
Fuck.
Sino emo?
Ako?
Hindi ah?
San banda?
Layo ah.
Weird ka.
Sino ako? weird?
Mas weird ka kaya.
Tingnan mo nga itsura mo.
Binabasa mo pa din toh..
mungtanga lang you.
Sabi ko kanina.
Magiging masaya ang araw na
ito.
Kahit na alam ko na wala naman
mangyayari para sa araw na ito.
Siguro bukas maglalakad ako sa
malayo.
Mag-vovolunteer ako para maiba
naman.
Para hindi naman ako maghapong
nasa harapan lang ng blogspot nag-aabang ng magcocomment sa blog ko.
Ang sarap kase masyado ng buhay
ko eh.
Kaen.
Computer
Tv
Kama
Tulog
Minsan ligo.
Tae.
Sino nagpapakatotoo? Ako? Hindi
masyado.
Sino prangka? Ako? Plastik nga
ako eh.
Kung sa puntong ito ay
natatakot ka na may ka-blogger ka na psychotic pala, maganda yan. Hahahaha.
Hindi ako psychotic, pero may
balakubak kilay ko.
Kung ano man masasabi mo sa
mga naisulat ko, wala akong pake.

No comments:
Post a Comment
Anong meron?