|
**I've
been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I
want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing
so.
**This page right here was actually a blog post from my
late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I
never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the
past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to
publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by
the way.
|
Episode 5 | Episode 6 | Episode 7 | Episode 8 | Ending Episode
Ngayon na malungkot ako, tsaka ko lang naalala na magsulat ulit sa diary ko. Ganun pala umibig, tumigil panandalian ang mundo ko para kay Matt. Pero iba naman yung nag froze sa tumigil. Pagkakita ko na ang mga kamay nung babae na yun ay nakapulupot sa kanya, nanigas ako, halos ilumpasay ko mga talampakan ko para makatakbo papalayo.
Sa bahay, narinig ko busina ng kotse niya, sabi sa kin ni Mama labasin ko man lang. Puno na ng miss call at text cellphone ko. Alam mo yung gusto kong malaman kung anong paliwanag niya, pero parang ayuko. Baka kase kahit na maganda ang paliwanag niya hindi ko pa rin siya maintindihan kase sobrang sakit. Bakit kailangan nila magyakap? Bakit buong tropa niya naghihiyawan habang magkayakap sila? Nakita ko nilabas siya ni Mai (kapatid ko), at dun narinig ko na ini-start na niya ang kotse niya at rumagasa na ito palayo.
Lalo akong naiyak. I-ttext ko ba siya na bumalik siya at pag-usapan namin? Naisip na rin niya siguro ang naiisip ko kanina pa. Baka na-realize na din niya na bagay naman talaga sila ni Nicole. Totoo naman eh. Si Nicole din ang gusto para sa kanya ng tropa niya. Ano panama ko sa kanya na babaeng babae kumilos at maganda? Pareho pa silang nagtapos ng Business Management. Pareho pa ng interest sa buhay. Pareho ng estado, pareho ng lebel.
Ang naiisip ko lang na dahilan para maging bagay kame eh dahil magkaklase kame nung Grade 3 hanggang Grade 6, tapos ano? Hindi nga man lang kame close nun eh, di kame nagpapansinan. Ano pwede niyang ipagmalaki tungkol sa kin? Wala.
PS: last na episode na po yung susunod after this. Salamat sa pagbabasa.


hala... bakit talaga sad ending... :(
ReplyDeletemadali lang sana ang lahat kung pag-uusapan. ganyan din sa totoong buhay, kung minsan nahihirapan tayong alamin ang katotohanan kasi natatakot tayo harapin. hindi natin alam maraming nawawala sa atin sa pagiging stubborn natin.
ReplyDeletehay, isang ep na lang tapos na. super na enjoy ko to kamil!can't wait sa ending.
@Kyle Niyahahaa.. naku sensya na Kyle..di ko nasasabi ng maayos na may susunod na episode pa.. kase eh.. hehehe medjo yung ending di ko pa tapos..kaya pinutol ko muna..
ReplyDelete@Mayen Thanks Mayen!!!! super thank you!!
nagseselos.. hehe! wag naman sad ang ending ah..
ReplyDeletemeimei: sorry if u felt that way ah, nagustohan ko tlaga promise and swear.
@Memey Ano ka ba memey.. hindi po ako nagtampo kung hindi niyo po nagustuhan.. nag-alala nga po ako na baka hindi niyo po nagustuhan na pinakailamanan ko blog mo eh... kaya ayun... nag-alala ako.. thank you memey!
ReplyDeletekahit gaano pa kasakit ang nangyari sa atin... masarap paring balikan ang mga masasayang ala-ala na pinagsaluhan... eheheh... naiinitindihan kita...
ReplyDeletenakakarelate ba ko dito? lalo na sa part na mas gusto ng tropa ung isa.. ganun :( hai...
ReplyDelete@Al Salamat AL!
ReplyDelete@Jheng Weh di nga?
sometimes kasi minsan consideration yung gusto ka ng kabigan ng jowa mo.
ReplyDeletehaaaay mukhang sad ending ito
drama si babae...yan ang probs sa inyong mga babae daming insecurities sa katawan...hay naku..e ano ngayon kung marami silang pagkakapareho? ano ngyaon kung parehas sila ng interest? ano ngayon magkalebel sila? ha?!!!! ano ngayon???!!!!!!!! sumagot kaaaaaaaa!!!!!!!!!!!hay naku
ReplyDeleteAyos. Parang naka-relate ako. Parang lang. Yun lang, bakit kaya ako ang pipiliin niya?
ReplyDeleteSila na dyan. Kami hindi pa. HAHA.
Tuloy mo yang pagsusulat ng kwento. =)
masakit nga yong feeling mo magisa ka lang at wala kang panama sa isa.Pero sa isip lang talaga dahil di mo naman alam ang totoo. kaya give up na kaagad. Sana di naman ganon ang ending.
ReplyDeletepwede na tong icompile at ipasa sa precious hearts romances. galing! can't wait sa ending :D
ReplyDelete@Uno Hehehe minsan nakakatuwa kase pag gusto ka ng kaibigan ng bf hehehe :) Salamat kuya sa pagbabasa..
ReplyDelete@Akoni Kuya wag kang galit! hahahahahaha nakakatawa comment mo! dame ko tuloy tawa dito.. hahaha
@Tsina Hahah nakarelate ba? Oo meron pa yan last episode at salamat!
@ROmmel Minsan ganun talaga mga babae.. need nila ng assurance sa mga insecurities..hehe
@Bino Hala.. kuya.. sana nga...pero ang gulo ko lang mag plotting.. kaya baka di rin... pero ambisyon ko ang precious heart!!!
selos ang tawag dun!!!! kahit anong paliwanag sarado ang taong nag seselos..parang ako lang.....heheheh
ReplyDeletehmmmm ito ba'y base sa personal experiences mo ang kwentong ito? andami kong kailangang i-backread hehehe...
ReplyDeleteTeka, teka. Ang tagal ko nawala, di ko to nasimulan. Pwede ba magback read muna? Haha.
ReplyDelete@Iya Tomoooo... as in! tomoo!
ReplyDelete@Jag Hahaha hindi.. hindi po.. hehehehe :) Salamat.. goodluckk.. pero okay lang kahit hindi..
@Yow Yow! Okie lang noh! Kahit hindi ka mag back read.. no problemow..