After ng buong araw na buong pusong pag-eedit ng mga forms namin para sa PRC, ito at pag-uwi na naman namen eh stress na naman dahil may mga minor changes pa rin na dapat gawin. Parang sobrang, WHAT THE HELL. SHIT THIS AND THAT and PUTANESSKA.
I know, I know, dapat professional human being. Ayun, sinusubukan ko naman for your information.
Anyway. Although its been a day full of stress (evidence by increase in yosi intake), eh pinilit ko pa din maging super happiness ang araw ko by laughing with my classmates na gumagawa din ng kani-kanilang mga forms. Ang hirap lang, yung akala mong mga hawak mo na na mga forms eh okay na, akala mo ready na kahit may mga minor error lang, akala mo mahinahon ka na lang maghihintay dun sa kapiranggot na mga kulang----- pero di pa rin paa.. Ahuhuhuhu plus flat affect face.
Gusto ko magwala, pero ano ba naman magagawa nun di ba? Gusto ko manisi, pero ano bang mapapala. Mabuti pa tumulala. Katulad kagabi, nakatulala lang ako sa Mc Delivery site ng McDo habang namimili ng malalamon.
Naiisip ko na lang. Sige na nga. Go go go na. Para maging maaga din ang panahon na pwede na kameng mag-focus sa pag-aaral. Ayun.
Ano man ang mangyari, malalagpasan din ang lahat ng ito.

No comments:
Post a Comment
Anong meron?