Pages

Sunday, July 29, 2012

Out of the comfort zone.

May maliit na bagay akong nararamdaman sa kaloob-looban ko.. Isang maliit na bagay na ang pakiramdam eh yung parang may naka-block sa lalamunan ko, na parang may humihila ng dibdib ko pababa sa sahig, na kapag nagsalita ako, naririnig ko ng konti na nag-e-echo ang baga ko.

Maliit na takot, anxiety, fear of the unknown. Pero, hindi ito masamang bagay, more of a good thing.

Excited na excited ako lumabas sa itlog ko nung college ako. Pero paglabas ko, parang may gyera, at nakalimutan ko yatang magdala ng tamang sandata. Buong buhay ko, lagi ko tina-take-note sa sarili ko na, the worst is yet to come. I am the worst person in the world, at may mga mas magagaling pa sa akin.


Ito lang naman eh para alalahanin ko lagi na hindi lahat ng bagay na gusto ko, well, makukuha ko, may malaking posibilidad na malasin ako, at may malaking posibilidad na maranasan ko ang ika-ngangawa ko sa huli. Pinapaalala din nito na kailangan ko magpakumbaba palagi, at malinaw sa pag-iisp ko na hindi ako ganoon ka-importanteng tao.

Pero may mali pala sa ginagawa ko. Una, lage akong negative. Parang sinabi ko na rin na may mga magagandang bagay na nakahain sa hinaharap ko, pero mas pinipili ko magpaka-ilalim sa lupa. Pero, hmmm, ang dahilan naman kase nito, itong pag-iisip ko na toh, eh dahil ayuko mag-expect. Expectation sa sarili at expectation sa mga pangyayari sa buhay. Minsan pag masyadong mataas ang expectation, mag-aassume ka ng mga bagay-bagay, walang limitation. At kapag yung mga bagay na yun hindi nangyari, ang lagkit sa feeling di ba? Hindi masarap. Ayuko ng ganoong pakiramdam.

Binaba ko masyado ang sarili ko. May mga bagay akong pwedeng gawin, pero hindi ko sinubukan, dahil may certain level lang akong kino-quota. Pero aminin mo, okay naman ang ganitong paraan kung gusto mo magpakumbaba.



Sa takot ko na masaktan, sa takot ko sa mundo, sa takot ko dun sa malagkit na feeling, hindi tuloy umusad ang balsa ko.  Sa sobrang baba ng tingin ko sa sarili ko, nag-set ako ng limitation at boundary sa kung ano pang posibleng mangyari, hindi ko inisip na may mga mas magagandang pang posibilidad out of the box.

Kaya itong anxiety na toh, magandang bagay toh. Malalaman mo kase kung nasa labas ka na ng comfort zone mo pag hindi mo na maintindihan kung natatae ka ba o nasusuka. Physically, oo, ramdam ko yung takot pero psychologically, parang kinikiliti lang. Dahil alam ko at the least, kung masasaktan man ako, alam ko naman na magiging parte yun ng inner growth ko.



Lahat ng mararanasan natin sa buhay na toh, walang magiging latak, kase gaano man kaliit at ka-walang kwenta yan, i-ka-aangat pa rin natin yan to be that person we want to be, or rather to be that person HE wants us to be.




"The BEST is yet to come. I am God's creation thus through HIM and for HIM I can do and will do great things.."



**********

2 comments:

  1. totoo ang iyong mga sinabi, ako nga eh inuumpisahan ko pa lang ang mag explore pa ng mabuti at lumabas ng kaunti sa comfort zone para mabuhay ng masaya lol :)

    ReplyDelete

Anong meron?