Hiding. Hindi ko alam. Ilang beses ako nagdasal. May tiwala ako sa KANYA. Alam kong papasa ako. Baka nga mag-topnotcher pa. Pero nandun pa rin yung pakiramdam na gusto ko ibaon ang sarili ko sa ilalim ng lupa.
Natatakot lang talaga ako magsalita, dahil alam niyo na, sakit ko na toh. Madami akong salita na napapako. Kaya, better not talk about the board exams. Yun yung dahilan kaya ang dalang ko magreply sa text or social networks, kase alam ko naman na yun at yun ang itatanong sa akin ng mga tao.. 'kamusta ang boardsss..?'
Sa ngayon.. magkkwento lang ako ng magkkwento... ng kung anu-ano pa rin...
Masaya ako.. nakapaglinis na kase ako ng kwarto namin ni Mayk.. after sooo many months na HINDI. Grabe. Nung mga unang araw kase ng review, sinusubukan ko maglinis, kaso napansin ko na nauubos ang oras ko sa paglilinis.
Kaso ang problema naman, hindi ako makapag-aral kapag madumi, ang OC ba.. Kaya madalas, ayun, nauuwi ako sa tulog, imbis na aral.
Huyy.. saka masaya ako kase makakapagkwento na ulit ako dito sa blog. Usually kase. mas madaldal ako pag hindi ako nakakapagblog... ngayon.. magiging less madaldal na ako..
Yup... wala lang... masaya pa ako, kase ayun wala na ulit akong gagawin.. dahil tapos na exams.. tapos na school.. WAAAAh! :) Parang another beginning na ito ng buhay ko and you know I like beginnings..!! (madalas kase di ba sa umpisa lang ako talaga magaling..).
Whatever.

God Bless sa result, sureness iyan, maniwala lang. Um... tama lang enjoy enjoy, magpakasaya tapos na school! (partey partey na!) hehehe
ReplyDeletepapasa ka! pray lang ng pray.
ReplyDelete