Sabi ko sa status ko, bye facebook! bye twitter! At sinabi ko rin na bye blogging! Hahahah. Pero eto ako, nagbblog. Sorry, buhay ko toh.
Sobrang stress, hindi dahil sa pagrereview kundi sa mga bagay na kailangan i-accomplish para sa school clearance. Hmmm.. Alam mo yung psychotic na ko kanina, gusto ko na magpakamatay kung yun ang pinakamadaling mean para mawakasan na ang mga stress na nararamdama ko.
Alam mo yung 70 days na lang (maya-maya 69 days na lang) at BOARD EXAMS NA! Yan ang totoong dahilan bakit ako ay pansamantalang magtatago sa facebook at twitter. At hindi lang magtatago, hindi talaga ako gagamit. Pero ano? Imbis na nagrereview kame, kanina, kame ay nag-aaksaya ng oras sa skwela, naghihintay na ma-cleared. At ang dami pa naming kulang kaya sa malamang sa alamang kame ay babalik pa sa school.
Ang mga alam kong kulang namin:
- PRC forms
- Certificates ng mga ka-batch namin na kailangan namin i-disseminate.
Hindi ko na alam kung meron pa bukod jan, pero isa-isa lang. Yan na muna. Alam kong stress na stress na ko. Alam kong stress na stress na din mga classmates namin, halos di namin alam kung makakapag-board exam ba talaga kame ngayong June 2012 dahil nga hindi pa tapos ang lahat ng ito.
Spell stress talaga kame.
Pero kanina, sa kalagitnaan ng stress, kinalma ko sarili ko. Pinauulit-ulit ko sa utak ko na, CHILL kamil, may hangganan din toh. Kahit na wala pa yung pinaka-importanteng bagay kung bakit ako ay nasa school kanina (yung record form na kailangan ipapirma sa dean namin, di ko alam sang lupalop napunta) eh pinilit ko pa rin ang sarili ko kumalma.
Sublimation. Yung mga energy ko na kabadtripan eh diverted na lang sa pag-pplano kung paano ba kame uusad.
Naisip ko tuloy, habang nasa byahe ako pauwi, kahit papaano salamat na din at may Omnipotent na nagparamdam sa akin na kailangan ko kumalma. Bukod sa nagtipid ako ng energy ko, nakapag-isip pa ko ng maayos. Uusad din kame. Naniniwala ako.
Isa pa, yung iniisip ko na maikling panahon na lang ang two months para mag-aral, binura ko yun sa utak ko kanina. Hindi yun maikli, at kakayanin ko mag-review. Siguro itong mga inaasikaso sa school, ngayon lang toh, pero sisiguraduhin ko na sa MAY at JUNE, wala na kameng ginagawang ganito. FOR SURE.
Naisip ko din na, ganito talaga, kailangan maging problemado. Di ba? Ang weird naman ng taong walang problema di ba? Yung araw-araw ang saya-saya mo. Parang? Ano? Masaya ka na eh, eh di wala ka na i-lolook forward kinabukasan, kase okay ka na sa life mo eh. Parang ang taong walang problema, hindi tao. Lol.
Normal lang toh.
Minsan talaga lahat ng mga actions natin may katumbas na effect sa buhay natin. Pero ang kailangan lang maging matapang tayo sa kung ano mang effect yun, dahil naging desisyon natin ang buhay natin. Parang sa jeep, pag sumakay ka. Minsan may choice ka o wala sa kung saan ka banda uupo. Kung napa-upo ka malapit sa driver at ikaw na ng ikaw yung nagpapasa ng barya dun, panindigan mo, wala naman mawawala sayo at baka mag-gain ka pa nga, self growth.

No comments:
Post a Comment
Anong meron?