Kapag kinakausap ko SIYA, parang naririnig ko siya na kinakausap din ako. Hindi in a way na naririnig ko talaga boses NIYA ah!! Pero, in a way na bigla na lang may papasok sa utak ko na mga idea na either sasagot sa mga tanong ko o magpapagaan sa loob ko pag unease ako.
Katulad kagabi.
Madalas ako manghinayang sa family ko, madalas ako malungkot kapag sila iniisip ko. Nagkahiwa-hiwalay kame, nawalan kame ng bahay at kotse, at sobrang complicated ng lahat ngayon. Parang nakakapangsisi or parang gusto mo manisi, pero hindi mo magawa.
Parang kung ikaw yung nasa lugar ko, wala ka nang maiisip na magandang nangyari sa pamilya mo, na parang walang hope at wala na kailanman, parang mapapatanong ka sa sarili mo, ano ba toh? Bakit nagkaganito? Yung tipong imposibleh na magpapaka-positib kase masyado ka na busy mag moment at mag-MMK sa dilim habang kausap si Lord. Gusto mo na lang gawin eh mag-pasensya, mag-sorry sa KANYA dahil puro rant na yung kinukwento mo.
At sa kalagitnaan nga ng pag-eh-MMK ko, parang "TINGGG!!" naging okay ako, tumigil ako sa pag-iyak. May pumasok na idea sa utak ko na feeling ko SIYA ang nag-encode para maisip ko.
Oo nga, hindi ako nawawalang bata. Naging pamilya ko ang pamilya ko dahil may dahilan. Totoo lang, masaya ako ngayon kung sino ako. Kahit na madalas hinahanap ko pa rin ang sarili ko, alam ko at sure ako na ang journey na toh ay so far so good. At hindi ako magiging ganito kung hindi rin sa kinalakihan ko.
Kaya kung ano man ang pamilya namin ngayon, malungkot man, hindi ko pinagsisisihan na pinanganak ako at binuo ng mga magulang ko. Although hindi ako masyado masaya sa physical attributes ko, masaya ako sa mga simpleng princples ko sa buhay, at sana magpatuloy pa akong matuto.
At yun ang nagpagaan sa loob ko.
Alam ko, lahat tayo, may kanya-kanyang pagsubok sa pamilya natin. Hindi masamang magmukmok, malungkot o maglabas ng galit. Parte yan ng pagkatao natin, parte yan ng emotion natin. Normal. Pero hindi ibig sabihin nun, isisisi na natin sa pamilya natin bakit nasira mundo natin. Malaking parte man ng pagkatao natin ang kinalakihan nating pamilya, may sarili pa din tayong utak, pagkatao. Individual tayo, kanya-kanya tayo ng paraan kung paano natin tatanggapin ang mga nararanasan nating hirap sa buhay. Kung magiging go ba tayo sa personal growth o magpapabaya na lang magpakatanga.
In the end, nandyan ka, pinanganak ka sa pamilya na yan dahil may dahilan. Yan ang mag-momold sayo. Yan ang test! Paano mo tatanggapin ang mga pangyayari sa buhay para mabuo ang pagkatao mo?
Iniisip ko na lang mas madaming pagsubok, sige go. Iiiyak ko na lang ang lahat, lol. Sigurado na man na may dahilan, dahil may mas malaking plano lagi si Lord, malaking malaki.

emo. sobrang emo. at emo pa ulit. ngiti muna marekoy :), lahat tayo dumaan sa ganyan.
ReplyDeletesabi mo nga iba't ibang paraan ang naging pagtanggap ng tao sa ganitong sitwasyon. pero sana pagkatapos ng pagtanggap ay ang pagpapatuloy. umpisa na un eh.
ngiti lang palagi. nakangiti din SIYA sayo :)
same here! yung tipong sa dami ng nireklamo mo sa buhay habang kausap Siya, bigla mo na lang mare-realize na you are still blessed :) Iba talaga kumilos si God. Kaya kung ano man ang katayuan natin ngayon sa buhay, naniniwala ako na iyon ay parte pa rin ng plano at misyon natin dito sa mundo. Sabi nga eh, di pwede lahat ay mabuhay ng perpekto at marangya, kailangan iba-iba, para may matutunan tayo sa isa't isa. :)
ReplyDelete