Hindi naman siguro. Normal lang naman siguro maging malungkot minsan, madalas, lagi.
Sabi ko nga, optional maging masaya. At ngayon, pinipili ko maging malungkot, at walang may paki. Gusto ko eh. Lahat naman ng gusto ko nagagawa ko. Ganun eh. Wala ka magagawa. Wala tayo magagawa. Lumaki akong spoiled.
Shoot! Minsan talaga yung mga principles natin sa buhay, kunwa-kunwarian lang eh noh? Hindi mo talaga alam kung ano ang katotohanan unless na-experience mo na o nalagpasan mo na. Ako, ngayon, sa buhay kong ito, ang hindi ko pa malagpa-lagpasan eh ito. ITO. Itong nararanasan ko. Hindi ko alam paano lalagpasan. Hindi ko alam paano palalakasin ang loob ko. Hindi ko alam paano lulunukin yung laway sa bibig ko.
Dude. Sinasabi ko sayo. Nakatayo din ako sa ganitong estado nung isang-isang taon, itong ito. At pinili ko sumuko sa pangyayari na yun. Hindi ako umiiyak pero nararamdaman ko yung dibdib ko na parang may nakabarang mamon. Hindi maka-hinga ng maayos. Gustong tumakbo, palayo, kahit mabagal na takbo lang, at least palayo.
Kaya ngayon, hindi, hindi ko kayang bumitaw, kase pag bumitaw ako, eh di gagawin ko na naman yung kahinaan ng loob na ginawa ko noon. Ayuko. Sobrang bababa na talaga tingin ko sa sarili ko.
Hindi ko rin sigurado kung PMS toh (kung alam mo man ang ibig sabihin nun), kase iregular naman ako, at hindi ko alam kailan ako magkakaroon.
Whatever.
Pero magiging okay naman ako, sigurado. Dumadaan lang talaga yung pagkakataon na ganito. Paano ko hinahandle? Madalas suppression, sinasadya kong hindi isipin. True. Bago umalis ang mga magulang ko ng Pilipinas mga lima o anim na taon na yata nakalipas, suppression ang ginamit ko, kaya pag-alis nila akala ko pupunta lang sila sa kaptibahay. Bago ako umalis, suppression din, kaya hindi ako umiyak sa mismong flight ko. Nung nag-board exam ako, yun ulit, kaya hindi ako makapaniwalang pumasa ako. Pero ngayon, hindi ko ma-suppress................ ang hirap.


yoy,.. everything's happen for a reason:') no matter what it is... pray ka lng.. di bagya sau sad face e.. smile:') kaya mu yan... aja!!!!
ReplyDeleteokey lang maging malungkot minsan. Tandaan mo lang na ang problema ay dinadaanan lang, hindi tinatambayan. :)
ReplyDeleteThough hindi ko alam ang pinagdadaanan mo sa ngayon...pa hug! o-okay din yan. sabi mo nga, magiging okay ka din. okay lang maging malungkot basta alam mo na kailangan ding maging okay / kailangan mong maging okay eventually. okay?!
ReplyDeletedaming okay no?! :)
pagkatapos ng lungkot ay saya naman....
ReplyDeletemay mga ganyan talgang moments ng buhay... just let it pass... you'll grow a lot after this period... God bless! :)
ReplyDeleteanyare bes? Grabe parang anlayo-layo natin sa isa't isa. kelan ba ulit tayo magkakahuntahan, magkikita at mag-iinuman? i-email mo naman ako.
ReplyDelete*hugs* tama yan sis dapat mong harapin ang problema wag mo ng takbuhan kasi di yan marereslba kung di mo sosolusyunan.
ReplyDeleteis this about for next year? hmmmm
ReplyDelete