Pages

Tuesday, February 14, 2012

Simple lang sana..

I ask him, "Bhe, tingin mo, bakit nagtagal tayo ng ganito.." Kahit alam kong wala naman siyang sasabihing ma-garbo, nag-eexpect pa din ako na baka may sabihin siyang kakaiba, yung tipong pwede ko din i-suggest sa mga kaibigan ko kung nagkataon...

Pero simple lang sagot niya, "Kase sobrang mahal mo ko at sobrang mahal din kita.."

Ang hirap mag-isip ng mag-isip, minsan kakaisip, namimiss-out yung totoong meaning ng pagmamahal. Nagiging complicated ang relationship, ang dami masyadong demands and expectation na pinagmumulan naman ng away kapag hindi natupad. To the extremes, kung hindi nag-aaway dahil nagpapataasan ng ego eh nagiging boring naman ang relasyon dahil wala ng bago.

Sige, testing natin kung totoo ang sinasabi ko. Sa mga binitiwan pa lang na salita ni Mayk, nauna niyang sinabi na sobrang mahal ko daw siya bago niya sinabing mahal niya ko. Bakit ako ang dapat mauna, bakit hindi siya? Siya naman ang lalake sa ming dalawa. Di ba?

Pero kung di mo naman masyado iisipin, mahal niya ko at mahal ko siya, yun lang naman talaga yung meaning nun, hindi naman komplikadong intindihin. Kahit nga kinder maiintindihan, baka kahit fetus ma-gets yung simpleng idea na pinaparating nung mga salitang yun.

Tsaka alam ko medjo pudpod na yung Love is patient, love is kind, love is not boastful........ pero.. tingin ko kung papayagan lang talaga natin ang mga salita na toh na mag-drain at maging permeable sa mga brain barrier natin at pericardium natin, baka mas maging malawak pa ang pananaw natin sa relasyon natin... baka biglang mag-evolve tayo. Sana nga, biglang mag-self-awareness tayo ng wala sa oras at maintindihan natin ang totoong meaning ng bawat salita sa baba.

4Love is patient, love is kind and is not jealous; love does not brag and is not arrogant, 5does not act unbecomingly; it does not seek its own, is not provoked, does not take into account a wrong suffered, 6does not rejoice in unrighteousness, but rejoices with the truth; 7bears all things, believes all things, hopes all things, endures all things.

Sa ngayon focus lang ako sa IT DOES NOT SEEK ITS OWN. UHmm..yung tipong ikaw lang solo flight nag-bebenefit sa relasyon na tinatayo ng dalawang tao. Relasyon, partner, dichotomous. Dalawa kayo. Dalawa kayong nagmamahal, hindi isa, malinaw toh, dalawa nga. Dalawa kayong pwedeng magkamali, pero dalawa kayong pwedeng mag-usap at pwedeng dalawa kayong magtulungan para magbati. Try to make two ends meet ika nga. Hindi yan solo flight! Kaya kung nararamdaman mo na masyadong solo-flight ka na sa pagbibigay ng lahat lahat, at solo flight na rin siyang nag-bebenefit, eh tantanan mo na lang ang imagination mo na may relasyon kayong dalawa. Hindi one-man-project ang relasyon.

Pero, wait, wag ka masyadong self-pity. Ito pa isang problema eh, masyadong awang-awa sa sarili. Ikaw na lang lagi kawawa, ikaw na lang lagi nagbibigay, ikaw na lang lagi ang agrabyado. Yan ang isa sa mga malabo at hindi ko maintindihang bagay sa dalawang mag-syotang nag-aaway. Hindi ba pwedeng dalawa kayong nag-susuffer sa pag-iinarteng ginagawa niyong dalawa? Awang-awa ka sa sarili mo eh ang katunayan ang relasyon niyo naman ay hindi lang naman patungkol sa iyo lang, kundi TUNGKOL SA INYONG DALAWA. Di ba? May point ba ko? o baka wala.

Ewan teh. Ibinabalik ko sa inyo ang thinking na simple lang magmahal, hindi komplikado. Pauulit-ulitin ko yan hanggang sa maintindihan niyo. At ang complicated ng pagmamahal na pinag-dadaanan ng mga may third party, may self-centeredness issues, mga self-pity, mga kung anu-ano, bwisit. Bakit ba hindi niyo na lang mahalin ang isa't isa! Bukod sa pag-aaway, paano mo ba masasabing may thrill ang relasyon niyo?


Magmahal ka, at ang best way para palaguin mo ang pagmamahal na yan eh is to grow with it, mature with it, and learn from it. Hindi man yan mag-work out in the end, at least alam mo sa sarili mo na nagmahal ka ng totoo at trulala, wagas.

One last thing. Believe. Maniwala ka. Maniwala ka na may LOVE. Pero wag solo flight ulit! Dapat yung dalawa kayong naniniwala sa LOVE na nararamdaman niyong both. Kaya nga, ako, kahit puppy love pa yan, kahit joke time love, mapaikli man ng ilang araw lang ang relasyon niyo o maging mahaba ng ilang buwan, mukhang korny man o hindi, naniniwala ako, LOVE pa din yan, iba't iba nga lang ang size, iba't iba ang hugis, iba't iba ang anyo, parang damit, may S, M, L at XL, pero whatever, may LOVE pa din yan, BELIEVE!

Alam ko, ang feelingera ko mag-advise! Hindi mo kailangan isipin ng palihim yan habang binabasa ito. Pero feeling ko lang, may responsibility ako na sabihin toh, para ma-share hindi lang ang love, kundi ang happiness!! Masaya magmahal ng totoo, trulily. <3 At gusto ko rin na may ibang tao na maka-realize na sana wag nila aksayahin ang panahon nila with all the hate and war. Sayang ang panahon, super sayang, lalo na pag narealize nila sinayang nila yun panahon sa tamang tao, tapos ubos na yung tamang panahon para maging masaya. Ang korny, che, whatever, yun lang. Peace and Love! Happy Valentine's Day na lang!



**********

5 comments:

  1. Happy Valentine's Day, Ate Kamila! :) Isa na ata ako sa mga taong ginawang complicated ang pag-ibig na yan. Hindi pala, yung ex ko pala. Haha. Pero nag-"puro na lang ako" moment din ako. Kaya din siguro gumulo kami lalo. Kaya ayun, sayang! Madaming nasayang. Nice post ate, maganda din ang pinopoint mo!

    ReplyDelete
  2. aw gnun pala ang pag-ibig? ah ok! hahahaha nice post pot, mayron jan agree ako, mayron hnd, hehe! i love U mei, happy balentong..

    ReplyDelete
  3. Pareho tayo bes ng blog post. May pinost din akong ganito entitled Pag-ibig: Simple at hindi Kumplikado

    "na mag-drain at maging permeable sa mga brain barrier natin at pericardium natin" dinugo right brain ko dito!!!

    "Hindi one-man-project ang relasyon." Gusto ko toh!

    Miss you bes :)

    ReplyDelete
  4. "..Sayang ang panahon, super sayang, lalo na pag narealize nila sinayang nila yun panahon sa tamang tao, tapos ubos na yung tamang panahon para maging masaya..." -- agree ng bongga! learn to value what you have right now. wag gawing komplikado ang mga bagay bagay. simple lang ang pag ibig at masaya kung totoo ito at di makasarili. =D

    ReplyDelete
  5. mga ganitong post ang gusto ko, kasi dito lang mababa ang grado ko.............sa pag-ibig!

    ReplyDelete

Anong meron?