Pages

Friday, February 3, 2012

Talino niyo eh.

When people belittle you..they are being little. Don't waste your time minding people with small minds. ~Ma'am Essy's Status this morning.

Sa tuwing susubukan ko magsulat ng panibagong walang kwentang post (katulad nito), wala rin akong nagagawang post. Wala rin akong nagagawa kase pagkalipas ng dalawang oras, wala pa rin kwenta yung sinusulat ko. Tapos hindi na naman ako magsusulat kinabukasan kase una, pag uwi ko galing sa bahay nakakatamad na magsulat, matutulog na ko, hindi na nga ako gagawa ng assignment, kahit magbuklat ng libro wala, tulog agad.

Pangalawa, late na ko nagigising, kaya yung ginagawa ko dati na mga good morning post, hindi ko na yun nagagawa ngayon. Ewan, exceptional lang ang araw na toh kase napanaginipan ko si Dr.House na nagtatagalog.

Pero okay lang, chill kunyari, kahit hindi.

Grabe, magrereklamo sana ako na nasaan na ba ang pahinga?!! Kaso.. kaso.. wala lang. Hindi rin naman sasagot yung pahinga na nandito ako, at wala rin naman magagawa ang pagrereklamo ko.

At okay lang naman. Baka kase sabihin na naman ng ibang section sa min BOBO kame, hindi kame maka-cope sa systema. Nakakainis yun.

Bobo daw kame. Katumbas ba nun ang walang pinag-aralan? Kase nag-vandal sila sa likod ng banyo para lang masabi ang kinamumuhi ng puso nila eh, uhmm.. excuse me.. sino ulit yung walang pinag-aralan?

Pero actually late ko na naintindihan ang issue na toh. Hahahahaha! Sobrang late na! Kase, unang una sa lahat, hindi ko naman ikamamatay kung malalaman ko toh, katulad ng hindi ko ikamamatay kung bakla si Piolo o hindi.


Lol! Magandang umaga sa lahat!!!  Weeeeehhh!!! Hindi toh BV.. chill. Hindi naman ako palaging mukhang may kaaway o palaging galit, minsan lang.





**********

4 comments:

  1. Tapos ang daming nag-fail sa kabilang section sa board. LOL.

    ReplyDelete
  2. ay like ko yung comment ni yow hahaha anyway..yaan mo na sila may mga ganyan din sa akin dati eh pero mga kablock ko hehehe

    ReplyDelete
  3. Chill! Magpapakita din sa'tin ang pahinga :)

    ReplyDelete

Anong meron?