Pages

Monday, January 30, 2012

Hindi ko po alam Sir.

It felt like an awakening to finally realize that I have to work hard not only JUST to pass the board exams but to actually work hard to learn from it, big time!!

Pakiramdam ko kase sinayang ko ang apat na taon ko sa pagpasok sa school. Basically, I felt like I know nothing. The confidence of being out there, sa mga duties, sa mga rotations, sa mga hospitals, are not at all big and tall.

At ito ang kwento...

Every duty sa hospital, before giving meds sa aming patients, we usually have to recite first sa aming Clinical Instructor kung para saan yung gamot. As a student who almost fail Pharmacology, dali dali naman akong mag-reresearch about sa gamot na ibibigay ko, maghahanap ako sa MIMS (ang MIMS ay isang mahiwagang libro na makikitang pakalat-kalat lamang sa mga hospital, mapa-government man o private, at ito ay naglalaman ng iba't ibang generic at branded na name ng mga gamot, kasama na dito ang mga information ukol sa indication, side effects at iba pang ka-eklavoohan tungkol dun sa gamot). Ngayon, kahit nabasa ko na yung librong yun, minsan ang hirap pa rin i-connect nung indication nung gamot na yun sa tunay na sakit ng pasyente.

Kaya nung inisa-isa ko yung gamot sa instructor ko, walang sense yung sinasabi ko, pero mabait yung instructor ko. Kahit paulit-ulit ko na sinasabi na "hindi ko na po alam Sir" hindi naman siya nagalit. Rather, inexplain na lang ni Sir ang indication ng bawat isa, at isinaisip ko naman yun lahat habang naglalakad papunta sa room ng aking patient.

Nung nasa room na ko ng patient ko, isa-isa ko nang binigay sa mga kamay niya yung mga oral meds niya. Isa-isa din naman siyang nagtanong kung para san ba lahat nang yun, isa-isa ko ding inexplain. Limang gamot, limang explanation.

Tapos maya maya tinanong ako nung pasyente, "Anong year mo na?" Sumagot naman ako na 4th year na ko at sabi niya, "Kaya pala, alam na alam mo yung mga gamot na ibibigay mo sa kin eh.."

HAVEY!

Nakangiti akong bumalik sa student's area, nakangiti, at nakangiti pa din. Ngunit, datapwat, subalit alam kong imagination ko lang ang lahat ng yun, (dahil lahat naman ng pinagsasabi ko sa pasyente eh sinabi lang din naman sa kin nung instructor ko), eh natuwa pa rin ako. Abot tenga ngiti ko kanina, hanggang ngayon masaya pa rin ako. Nagboost ang confidence ko, good vibes na good vibes ang buong araw ko. Kaya nga ito, hapit na hapit ang pasasalamat ko sa aking magiting at mabait na instructor! Siya ang nagbigay linaw sa lahat (ano daw?!) Hindi seryoso (kahit hindi mo toh nababasa Sir Vitto, salamat).

Anyway, yun na nga, mabalik tayo sa realization ko. Naisip ko, sana ganun talaga ako, yung hindi kunya-kunyarian. Sana someday, somehow, ako ay maging isang confident na nurse. Gusto ko ma-imagine yung sarili ko na independently na gumagalaw sa isang ward, walang back-up, yung may sariling critical thinking tungkol sa kung ano ba ang tama at hindi tamang gawin sa career na ginagalawan ko.

Kaya nga, sapul sa araw na ito (sana magtagal ang realization na ito, hindi lang hanggang bukas), wala lang. Nyahahahaha. Bigla akong natakot mag-bitaw ng salitang hindi ko naman magagawa. Hahahahaha!

Joke. Hindi, ito na seryoso. Sapul sa araw na ito, lahat ng malalaman ko from studying for my board exam, lahat ng yun, isasa-puso ko. (Ang korny naman pakinggan). Hehehe, pero ayun nga, lahat ng information na ipapasok ko sa utak ko, SANA tunay at super na isa-puso ko.

P.S: Pakiramdam ko at the right moment ko toh narealize. God is good.





**********

7 comments:

  1. mas madali kasi makalimot ang utak kesa sa puso. kaya tama lang na isa-puso mo. hehe

    ReplyDelete
  2. tibay tlga!! kaya tibayan eh!! haha go kams kaya mo yan!! :D - ACE

    ReplyDelete
  3. Eh kasi pag estudyante ka pa, hindi ka mapupwersa kabisaduhin lahat yan at magfunction alone kasi alam mong may sasagip sayong CI o staff. Haha. Ang sarap nga maging student eh. Namiss ko tuloy! Ganyan din ako dati. Hahaha. Kung magpapadaig ka sa gamot? Matatakot ka talaga sa board exam. Sa dami ba naman at hirap ng mga gamot eh. Buti na lang hindi pala masyado maraming gamot ang tanong dun. Hahaha.

    ReplyDelete
  4. go sis kamila. kaya yan. mangyayari din yung pangarap mo tyagaan lang at consistency. =D

    ReplyDelete

Anong meron?