Pages

Monday, January 2, 2012

Spending New Year's Eve with my home.

Hi guys!! Happy New Year! Hay naku! Ang dami kong kwento. Gusto ko sana magpost ng aking New Year's Resolution, but I'm not yet ready!! Hahahaa. Madami na ako naiisip na mga imposibleng bagay tulad ng pagpunta sa moon, pero wala pa.. ayuko pa.. baka bukas maisipan ko i-organize ang utak ko tungkol jan. Hehehehe.

Ang dami ko pa dapat i-plano ngayong bagong taon, pero inuuna ko muna ang pagtupi ng mga bagong labahin at pag plantsa ng uniform na gagamitin ko bukas sa school.

No, hindi pa namin pasukan bukas, pero may dapat lang akong asikasuhin sa school. Isang importanteng bagay!

Anyway, to get you to the story about my New Year, I spend it with my brothers sa San Pedro, Laguna.

Ang tanging nagawa ko lang para sa handa namin ay ito.... TIRAMISU!!!!! Hindi pa durog na durog yung nasa ibabaw, pero si Ate Ian (asawa nung kuya ko) ang may pakana niyan. At nanghula lang ako kung paano na nga ba ulit gawin ang graham cake na toh. Di ko kase sure. Umaga pa lang ginawa ko na, kaya nung gabi, ang tigas tigas na niya. Pero okay lang, masarap pa din.



Tapos ang cute cute ng pamangkin ko, si Jayden, ang laki na niya. At ang takaw sa softdrinks! At spoiled din katulad ko. Makulit! Hehehe kaya nga lagi ko inaaway eh, wala siyang magagawa, mas spoiled ako sa kanya.

Hahaha. Natawa ako sa Daddy't Mommy niya, hindi siya matiis. Hindi ko na sila pinakaelamanan sa pag-aalaga nila sa anak nila. Meron talagang something sa mga anak na hindi matiis ng mga magulang!! Tapos "NO" stage na siya ngayon. Mga line niya, "Don't do that!! NO! NO! NO! NO!, ayawww!!!" Haha, pero marunong din naman siya ng, "Winkle winkle little star, aw a woodoo wa yo al". ANG CUTE!




I also got to spend my New Year with my childhood friends, Dianne and Rhea at ang cute na cute na inaanak ko na si Kier.

Sayang at wala si Abi. Natuwa ako kase ngayon ko lang nakwento sa kanila yung pag-uwi ko nung May. 

Tapos ito, malungkot ako sa picture na toh kase hindi ko nasama yung TIRAMISU! Pero at least kasama yung Tikoy na ako nagpumilit sa kuya Jegjeg ko na hanapin sa Shop Wise at yung leche flan na pinilit ko din sa kuya Coco ko na bilhin.

Hindi napapansin ng mga kuya ko na spoiled pa rin ako hanggang ngayon, kase lahat ng gusto ko binibigay nila.




Tapos..wala kameng paputok. Di kame masyado mahilig sa paputok. Last year kase may fountain kame, pero parang supot, kaya hindi na lang kame bumili ngayon.

Buti na lang kahit papaano naisipan ng kuya ko na bumili ng LUSIS (di ko alam spelling). Kahit nasa tingting lang, masaya na kame.



Tapos bukod pa dun naisipan ko na magpalipad ng flying lantern. Pero ito ay isang malaking FAIL. Ang tagal tagal kase naming hawak, tapos super afraid pa ko na baka pumunta sa mga puno at mag cause ng sunog, kaya ayun, kapiranggot na lipad lang nagawa nung lantern bumagsak ulit. Hinabol namin, at umuwing luhaan (joke lang sa luhaan).

Ang masaklap pa dun, nag-wish kame (ako, si Kuya Jeg at Ate Ian) na sana pumasa kameng tatlo sa board exam. Tapos... powenk, bumagsak. Hahahaha..

 Tapos. Unang tanong dito sa picture na toh, sino nagpicture sa inyo? Hehehehe. Timer.

Natuwa ako dito kase ang cute namin dito, ang dami namin. Last year kase mag-isa lang ako. Hehehe.

Masaya ako kase kasama ko sila kuya ngayong bagong taon kahit wala sila Mama at Dadi.






Later that day, sumama naman ako kila Kuya Jeg at Ate Ian para sa party sa family ni Ate Ian sa Makati.

Ang saya, kase we still got to celebrate holiday with a family. Nakakatuwa talaga family ni Ate Ian, masaya sila kasama, buti na lang welcome ako kahit papaano.





So yun lang, ganun lang ka-simple ang New Year's ko. Hahaha. Medjo fail nga lang dahil sa lantern, nakakahiya sa mga kapit bahay, ang yabang yabang ko pa naman kase kame lang may ganun! Hahaha. Ayan kase, kayabangan! Pero anyway! Masaya pa din. Masaya kase kasama ko sila Kuya.

Sana lahat din nag-enjoy mapa-simple man o bongga ang New Year's niyo!!! :) More good and optimistic vibes this 2012!

At siya nga pala.. ang saya ko kase meron na akong Project 365 blog at ito yun --> EVERYDAY KAMILA. Nasimulan ko na siya kani-kanina lang! :)

P.S: Sabi ng Mama ko magpalinis daw ako ng ngipin ngayon mid-February! Ewan ko dun, masyado na bang madilaw ngipin ko sa mga picture. Hehehe. Sabi niya may konek yun sa mga mangyayari sa kin ngayong year, at SANA DAW GAWIN ko talaga. Ang adik ni Mama. Ewan ko. Horoscope ko daw yun. Hahaha. Lol.

Yun lang!! Bye!




**********

No comments:

Post a Comment

Anong meron?