Pero para naman may idea pa rin kayo ano nga ba nangyari sa kin, ito ang summary --> HERE
Pero ito magkkwento ako dahil mahilig naman talaga akong magkwento!
Last TUE & WED (January 10 - 11, 2011), it was our LAST COMMUNITY IMMERSION. For our level, we call it TAPAR, kase yung "R" stands for RESEARCH, pero hindi naman namin masyado na-feel na may research talaga. Weeeeh! Dahil nga last na ito, excited na kameng lahat na matapos na ang kalbaryong ito, ngunit, we're still gonna miss our different aktibidad sa komyunidad! Oo, kailangan lagi kameng handa magtagalog, dahil baka pag highly dugo-dugo-sa-ilong dialect (such as languages that consist the English alphabet) baka di kame maintindihan ng komyunidad!
So..
Syempre, bilang nurse, hindi rin naman talaga mawawala ang pagkukuha ng BP sa mga tao. Lahat yan magpapa-check up kung high-blood na ba sila o malapit pa lang. Joke ulit.
Nagsimula kame sa HEALTH TEACHING, ng mga halamang gamot, pero parang may mas alam pa sila sa min. Sila din naman kase mismo ang gumagamit ng mga yun at maraming tanim ng iba't ibang halaman sa lugar nila.
Ito naman ang mga community instructor namin. Oo mga bata pa sila, parang mga studyante lang din ang mga yan! At for the sake ulit of confidentiality, ayan nakatalikod pa sila! Hehehehe! Thank you sa kanila nag-enjoy kame, hindi masyado huggard ang last community namin.
Ayan, ito naman, yung klasmeyts ko habang nagtuturo paano gumawa ng fishball, as in home made fish ball. Dahil nga isda ang isa sa mga pangunahing pinagkakakakitaan ng mga tao dito, nag-isip pa kame ng mga pwede nilang gawing living, katulad nito. Tapos pinatikim namin sila nung finish product.
Namigay din kameng mga give-aways. Maliliit na items lang naman, tumblers at purse. Ito lang naman ay bilang token sa pagdalo ng mga tao sa program namin kahit alam namin na medjo ang gulo namin! During the program!
TIME management! AT nothing beats planning! Natuwa lang ako dahil lahat ng naka-lista jan (kung anong oras magluluto, kakaen, maglilinis, sinong unang maliligo sa aming tatlo), lahat ng yan, nasunod at nagawa namin. Sana ganyan ako ka-organize sa totoong buhay.
Ito, kinabukasan na tong picture na toh, ito yung anak nung foster parent namin, ang cute na cute na si (secret nga pala, kase confidential). Ayun, nakakatuwa siya kase gusto niya kameng sabayan sa hapagkainan nung gabi, pero hindi naman siya nagsasalita pag kame ang kaharap niya. Mahilig din siyang magtago sa ilalim ng lamesa at maglaro ng itik. Ayun... dito naglalaro siya ng bato. Hehe.
Ito naman ang foster parent namin na sobrang mabait. Pinagsasaing na kame lagi ng kanin at wala lang, kahit ang ingay namin okay lang. Basta super bait ni nanay. Isa pa pinatira niya kame sa kanilang bahay, at lahat ng asikaso binibigay pati na ang paghuhugas ng pinggan. Thank you Nanay!!
At ayun! Ito habang naghihintay na lang kame sa bus nito pauwi Manila.
At ayun lang!!! So LONG COMMUNITY IMMERSION!!! Bye BATANGAS!!! <3 <3 <3

naku ang lakas mo naman meimei, natawa ako don sa 2nd to the last pics.. swerte niya ah.. hehe! pero nainis ako ng konti kasi baka nahirapan ka don..
ReplyDeleteNaalala ko mga pics ni 3rdy sa mga community services nila, ganyan na ganyan, isa din siyang nursing sutd..:)
Ang cool ng CHN niyo, talagang tumira kayo sa community. WOW. Kami noon regular duty lang, pupunta tapos uuwi. Tsaka spot mapper ako, kung may ganun man kayo. HAHAHA. Pero same activity ang mga ginagawa namin noon. Ang saya talaga ng buhay ng nursing student. Kahit nakakapagod, enjoy. :)
ReplyDeleteAno na ngang tinanong mo sa blog ko? I forgot. Hahahaha. Wait. Balik ako. LOL.
Dito na nga lang ako magrereply, baka hindi ka na nga bumalik sa blog ko. LOL. Taga-Burbank-na-minsan-taga-Fontana. Kayo ba? Taga saan ka dito?
Deleteang taba mo bes! kaya pala di ka nagrereply! sana ikaw na lang yung nag-gitara. Tara magbusiness jan. hahaha
ReplyDelete