Hakuna Matata, it means no worries for the rest of your days~
It's our problem free.......... philosophy, HAKUNA MATATA!
~Timon & Pumbaa, Lion King
Kinakanta yan, hindi lang basta binabasa. Sa ngayon masasabi ko na, nag-end na yung shift ng kasipagan ko. Madali ako magsawa. Fickled. Impulsive. Pero hindi oc-oc. Tamad na tamad na ko sa school dahil sa araw-araw na nangyayari, pare-pareho lang naman ang resulta. Anong exciting dun?
Siguro ngayon na ang panahon para i-explain ko bakit ako nagpalipat-lipat ng school at bakit pabago-bago ako lagi ng desisyon noon.
Ngunit, datapwat, subalit, hindi ko pa rin alam paano i-eexplain.
Anyway, Hakuna Matata. Effective toh sa nakakatamad na araw. Katulad nung isang araw. Nagduty kame, and Hakuna Matata. Pakiramdam ko, go with the flow lang ako buong araw. Kung may papagawa, gawin, walang reklamo. No worries. Ayun. In the end, I felt fulfilled sa duty. Naging okay ang lahat, wala pa akong inalala.
Okay din toh talaga kung mahilig ka mag-alala. Kung may kabit asawa mo, kung buntis ka pero teenager ka pa lang, kung may posibilidad na bumagsak ka sa exam, kung hindi pa umuuwi ang mga magulang mo galing trabaho. HAKUNA MATATA. It means no worries.
Kase sa katotohanan, wala naman talaga magagawa ang pag-aalala, di ba? Nagsasayang ka ng enerhiya para sa wala. Sige, isipin mo muna ng mabuti yung sinabi ko bago ka magpatuloy magbasa.
Nagsasayang ka ng enerhiya kase una sa lahat, kung mangyayari ang isang bagay, mangyayari yan. Kung nag-woworry ka sa isang bagay na wala ka naman magagawa, eh, ayun, wala, mangyayari at mangyayari yun, at yun na yun!
Kaya kung inaakusahan mo pa lang ang asawa mo na may kabit, wag ka mag-alala, gawin mo lang lahat ng responsibilidad mo bilang asawa. Para kung sakaling siya ang magkamali, masasabi mo sa sarili mo na hindi ka nagkulang.
Kung buntis ka pero teenager ka pa lang, no worries, kung buntis ka panagutan mo, kung hindi.. magdiwang! Lol (Parang may mali sa mga sinasabi ko..hahahahahahaha)
Kung possible na bumagsak ka sa exams, no worries, e di babagsak ka. Yun lang yun.
No Worries. Ang isa sa mga tinuturo nitong mga salita na ito ay hindi naman na MAWALAN KA NA NG PAKI SA MUNDO! Kundi, wag ka lang maging masyadong negative! Pwede naman tayo magpaka-positive! Pwede mo naman sabihin na, walang kabit asawa ko, hindi ako magiging batang ina, papasa ako ng exam, at uuwi ang magulang ko na may uwing donut. Di ba?
Katulad ko. Alam ko anytime now, sa sobrang tamad ko, baka bigla na lang ako magka-flight of ideas at maisipan ko na wag pumasok araw-araw dahil feel ko, samantalang malapit na ako mag-graduate, kaya HAKUNA MATATA. No worries. Pasok lang ng pasok sa school, gawin lang ang mga dapat gawin. Yun!
Pero ironic, sinasabi ko yan, samantalang hindi ako pumasok ngayong araw, pero hindi yan dahil sa katamaran, kundi, dahil sa katangahan. Nalito lang ako sa oras. Kaya ito....wala lang.
Ayun lang.


ako man tinatamad ng pumasok hirap mag isa eh. nakakatamad tuloy. anyway..tama Hakuna Matata..be positive go lang ng go.=D
ReplyDeleteHakuna matata.. lahat naman ng pangyayari sa buhay ng tao ay nangyayari dahil hinayaan mong mangyari. I mean, action=reaction. Kung nagawa mo ang isang bagay, learn to live with the consequences. Kung good, then very good. Kung bad naman, eh why worry too much.. Just take a step back, take a deep breath and find the solution. No need to worry.. All will be fine.
ReplyDeleteYou're being passive. Ako gnun din minsan. I think I'm a passive person na rin nga. hahaha! Like, pag merong nangyari na ganito, ganyan.. reaction ko lang dun "Ah, okay".. Sometimes, it can be good. Pero sometimes, kelangan din harapin. hehe.. :)
Ayoko din na-stress sa kahit ano. Feeling ko lagi hindi worth it ma-stress ako sa mga bagay-bagay kaya lagi kong di pinapansin. At tama si Ate Leah. I'm being passive. Mas madali kasing wag pansinin kesa magpaka-stress ka kung haharapin mo.
ReplyDeleteParang mantra lang! ako bes "aalumbaga!" haha di ko alam meaning pero binabanggit ko toh pagkinakabahan ako or what! Natutunan ko lang sa trabaho, epek naman ang peg!
ReplyDelete