Pages

Tuesday, January 3, 2012

Worth it ang pagod.

Hindi ako nakatulog kagabi. Hindi ko alam kung excited ba ako dahil magbabalik eskwela na ako or baka dahil paulit-ulit na nag-pplay sa utak ko na "sige kayo hindi kayo ggraduate."

Ilang beses na kase na-udlot yung research implementation namin. Kaya ayun, tinatakot na kame ng prof ko para lang gawin na namin ng matino yung research.

Nung una, ang laki na ng ulo ko, nasabihan kase kame na kame ay isa sa mga magppresent para sa research forum na gagawin ngayong taon, pero dahil hindi naman namin matatapos yata on time, pumili na lang siya ng iba. Remorseful. (Kahit di ko alam meaning nun, may clue lang ako). Okay lang naman actually, wala pa naman nawawala sa kin, dahil hindi naman naging sa min talaga yung pagkakataon na yun, muntik lang.

At yun, hanggang umaga gising ako. Inayos ko na lang mga dapat ayusin.

Tapos nalaman ko si Abi malapit lang duty dito sa bahay, siguro mga ilang kanto lang. Hindi ko pa kase nabibigay sa kanya gift ko ngayong pasko. Buti na lang cancelled duty niya. Nagkita kame, pero naloka ako bago yun kase naman siya kung anu-ano sinasakyan, sabi ko maglakad na lang, tapos ayun nakarating kung saan saan. Adik. Pero nagkita pa rin kame.

Nakalimutan ko sa bahay yung dahilan bakit maaga ako umalis, yung ipapadala ko kila Mayen & Lhyzie (mga winner dun sa pa-contest ko). Hindi ko na ginawang such a big deal yung pamimigay ko, hindi ko nga ginawan ng blog post, feeling ko kase I'm such a loser (joke). Sinama ko siya (si abi) pabalik ng bahay para kunin.

Naglakad lang kame ni Abi, mula bahay hanggang school (malapit Malacanang school ko). Nagkkwentuhan lang kame kahit ang init init ng sikat ng araw ng mga bandang 9am. Tapos kumaen sa KFC, puro chismis lang kame. Tapos nakarating na kameng recto kase nga ipapa-package ko yung items nung dalawang nanalo. Hehehe.

At yun naghiwalay na kame. Sabe ko.. good, accomplished ang first mission ko ngayong araw, may bonus pa, kasama ko si Abi.

Then off to school kame pareho. Medjo late ako ng ilang minuto, pero okay lang. Nakipag-meet na kame sa prof namin sa research para ayusin na ang mga dapat ayusin, mga evaluation tool, mga video para sa mismong implementation.

Tapos gumawa din kame ni Cara (groupmate ko) ng pre-test question na mula sa video lahat. Hmmm.. Nabadtrip na naman ako sa taong hindi ko na dapat bigkasin sa blog ko (dahil nga badtrip ako) dahil ayun, iniwan na naman kame sa ere ni Cara.

Totoo lang, naiinis ako kase sabi ni Cara sinabi daw nun sa Prof namin na pinepersonal ko siya. Hay naku. Hay naku ulit. Pinalagpas ko na LAHAT LAHAT ng kabadtripan ko sa kanya, for the sake na wala na akong problemahin na mga maliliit na bagay, pero eto na naman. Binibigyan na naman niya ako ng dahilan.

Pagod na me. Shut up na lang. O.,O

Anyway, kahit na medjo nag-hang ang badtrip ko dun, na-shout out ko naman yun kay Cara, then okay na ko. After ng lahat ng nilakad ko with Cara sa school, ayun kumaen kame sa Chowking. Nag-noodles at tofu na lang ako. Lakas pa ng ulan, dapat nga hindi na kame kakaen, pero okay na din, kase pag uwi ko, super lagpak ako sa kama. As in care ko? Matutulog ako!! Wala pa akong tulog.

At ito na ako ngayon, nagkkwento! Hehehehe. Kagigising ko lang.

Ayun, huli kong text kay Abi kanina, pagod na ko, antok pa. Sabi niya itulog ko na lang daw, worth it naman daw ang araw ko.

Ang dami ko pa i-eedit ulit sa video presentation namin. Bukas na kase implementation ng research namin... so cross finger ako dun. At Chao na din sa inyo!




**********

1 comment:

  1. Hahaha. Solid na kwento, parang katabi lang kita at kinukwentuhan mo ako. Good luck Ate Kamilla. :D

    ReplyDelete

Anong meron?