
Mga ilang araw na lang, anniversary ko na dito sa states. Di halata noh? So far punong-puno ako ng pasasalamat. At least masasabi ko man lang sa sarili ko na kahit papaano eh may na-accomplish ako bago ang unang taon ko. Thank you Lord!
Bukod sa mga accomplishment, dumating din sa buhay ko ang mga bagong kaibigan.

Hindi ko alam kung paano ko susuklian ang pagmamahal ni Lord, eh samantalang napaka-pasaway ko. At hindi ko rin alam paano ko masusuklian ang pagiging mabuting kaibigan ng mga kaibigan ko at mga ka-work.
I'm amaze how God put these people together to be a blessing to me. At ngayon naisip ko din, sana ako din. Sana God can also use me in a way na magiging blessing din ako sa ibang tao. Sana! Eh kaso nga lang sa ugali ko, parang medyo malabo. But now I realize, I should try.

After all of these, after all ng mga magagandang pangyayari sa kin dito sa California, naiisip ko pa rin na sana
mas simpleh na lang ang buhay. Na sana sa Pilipinas na lang ako. Na sana nagtatrabaho na lang ako dun sa mga medical management na kompanya dun o di kaya bilang Nurse o di kaya maging teacher. Na sana kasama ko si Mayk. Na sana nag-uumpisa na kame bumuo ng sarili naming mga pangarap ngayon.
Lagi kase namin napag-uusapan yun, na posible naman talaga mabuhay sa Pilipinas. Depende naman yun sa kung paano mo bubuhayin sarili mo. Hindi lahat ng tao naghihirap at kailangan maghirap kung sa Pilipinas ka titira.
Iba-iba kase interpretasyon natin ng masayang buhay, iba't iba ang definition natin ng fulfilled life.
Way back, I was always thinking, kung di lang pumunta sila Mama at Dadi dito, siguro buo pa ang pamilya namin. Siguro hindi kame mayaman, but I'm pretty sure we are together. Okay, sabi ko nga I was thinking about that way back pa, syempre ngayon, naiisip ko na na lahat may purpose.
Fulfillment. What are the things that will make you feel fulfilled?
Para sa kin, fulfilled ako whenever I am true to myself. Although hindi ko pa rin ma-perfect ang mission na toh. Minsan I still tend to please people and pretend.Fulfilled ako whenever I try to accept people for who and what they are.
I feel fulfilled whenever good food is served.
I feel fulfilled when I get really drunk.
I feel fulfilled when I know I can find a reason to forgive.
I feel fulfilled whenever I have that peace and tranquility, yung tipong you know you don't need to worry because things will eventually work out for itself.
And lastly, I honestly feel fulfilled having Mayk in my life.
I don't need great wealth, I don't need a perfect grand life. I just need that simple-happy life.Hindi naman life na parang wala ng worry sa buhay. Pero ayuko nung mayaman ka nga, wala ka namang totoong kaibigan, wasak naman pamilya mo, sabog naman mga anak mo.
Mayaman ka nga pero hindi mo naman talaga na-enjoy ang buhay mo.
Mayaman ka nga, unsecure ka naman dahil madaming gustong manloko at magnakaw sayo. Ang complicated!!!
Lagi din namin napag-uusapan ni Mayk yun, na parang gusto lang namin nung may-kaya lang. Hindi sobrang yaman, di rin sobrang hirap.
Pakiramdam ko na-dedeform yung definition natin ng happiness dahil sa dami ng mga materialistic na bagay na nakapaligid sa tin. Akala natin mapapasaya tayo ng mga temporary na mga bagay, only to find out in the end na hindi naman talaga tayo makokontento sa buhay na toh EVER. Only to find out na we had wasted a huge amount of time when we could have spent a small amount of effort to be happy just by living simple and simply living. Just by enjoying the life we have at this moment than waiting for the joy that our life to be may bring.
Pero inspite of saying this now, ang ironic, wala din naman akong lakas ng loob umuwi sa Pinas at harapin NGAYON yung simple-happiness na sinasabi ko na yan. Sasabihin sayo ng magulang mo na tanga ka kase nandito ka na itatapon mo pa ang opportunity. Nga naman. Sasabihin sayo ng mga kaibigan mo na tanga ka kase maganda ang kinabukasan dito nagdadalawang isip ka pa. Nga naman.
Ang hirap! Pramis! Sobrang hirap ng long distance relationship. May mga araw na para na akong mababaliw kase ang sakit sakit sakit sakit, at honestly wala na kong ibang magawa kundi mamilipit at umiyak habang niyayakap ko yung sarili ko sa kalungkutang nararamdaman ko. Oo, exaggerated, pero di ako nagjojoke.And right now, I'm just getting my strength kay God, because I know no other way how to handle this. Lol. Iyak-tawa.
Pero kahit sobrang hirap, naiisip ko lagi na dapat ko pigilan ang sarili ko na maging impulsive sa pagdedesisyon. Na kailangan ipakita ko na sinusubukan ko, kase natutunan ko na toh dati, na hindi naman mareresolve ng pagtakbo sa problema ang mismong problema mo. Na wala kang ma-aaccomplish kung lagi ka susuko. Na wala kang pupuntahan kung lagi kang preno ng preno.
Just thinking about the years I need to wait to see him again, nanlalambot talaga ako. Buti na lang lagi niya pinapalakas loob ko.
Right now my goal is to be determined to finish this track, and I guess that's another fulfillment kung saka-sakali.




cheers for more fulfillments in life :) hala ka, tatahakin ko na rin ang tinahak mong buhay soon hehe :) be happier :)
ReplyDelete