Pages

Sunday, December 26, 2010

Ang dami mong sinasabi. Epal.

**I've been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing so.

**This page right here was actually a blog post from my late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by the way.
Naramdaman mo na ba yung ang dami mong sinasabi sabay maiisip mo na ang dami mo na pala nasabi, na baka hindi ka masyado nag-iisip habang sinasabi mo yun? Na salita ka lang ng salita pero walang sense? Naisip mo ba na puro sabi at isip at salita mga pinagsasabi ko?

Madakdak akong tao. Actually, tactless. Kaya nga mabuti nang nagsusulat ako. Pwede kong baguhin ang nasabi ko na. Pwede ako mag-isip, bago ako mag-sulat. Pwede ko tingnan kung okay ba yung gusto kong iparating.

Kaya naman ako napunta sa topic na toh, pagkatapos ng pasko kase (dahil nga pasko) susulatan ko sana tatay ko ng mga pighati ko sa kanya, mga galit o sama ng loob. Dahil nga pasko, susubukan ko na sana magpatawad na lang. "Be good for goodness sake, oh! you better watch out, you better not cry!"

Hindi!! Mali iniisip mo. Wala sa kulungan tatay ko, hindi siya ex-convict katulad ko at hindi rin snail mail gagamitin ko. Sa facebook ko lang siya susulatan, dahil alam mo naman mga mader at fader ngayon mga socialite na.

Yun nga susulatan ko tatay ko. Sinimulan ko na, umiiyak-iyak pa ko habang kino-compose mga pighati ko, magang maga mata ko, yung towel ko sinampay ko na sa kwelyo para lang di na maabala pa sa pag-pahid.

Mga tatlong beses ko na pinag-tangkaan replyan tatay ko (sa iba't ibang panahon), pero hindi ko magawa. Pagkatapos ng halos dalawang oras na pag-aaksaya ng oras at kuryente para lang ma-isaayos ko lahat ng sasabihin ko, lagi ako nauuwi sa pag-delete. Dinelete ko lang lahat sabay sabi ng, "Masasaktan ka lang dad, hindi pa ako handang sabihin sayo, huwag mo na ako pilitin" Oh di ba, pang-teleserye, pabitin.

Ayuko manahimik, ayuko ng ma-ikli at ayuko din ng sobrang haba na pare-parehong mauuwi sa maling akala. At nauwi na rin ako sa pag-iisip na baka sobrang emotion lang toh, baka sa susunod pwede ko na siya sulatan sa paraan na hindi naman siya masyado masasaktan o malulungkot.

At kung ang tanong mo bakit ba in the first place eh may galit ako sa tatay ko, eh.... masyado ding mahabang kwento, kaya... never mind.

At yun na yun.

13 comments:

  1. Awww. Ate kamil. Nakaka-sad naman itong post mo. Kung ano man yan, sana you'll get over it soon. At sana magkaayos kayo ng papa mo. Be lated Merry Christmas!

    ReplyDelete
  2. forgive and forget sabi nga nila..pero sa tamang panahon :) tama na iyak..

    ReplyDelete
  3. AY! @ JAYDEE!!! and ADANG!!!! Salamat!! hahaaha,.. di na ako malungkot nung sinusulat ko yan... salamat sa lahat!! x)

    ReplyDelete
  4. pabtin effect pa eheheheh.... maligayang pasko sayo at manigong bagong taon

    ReplyDelete
  5. nyay! Salamat ISTAMBAY! sa pagdalaw dalaw... x)

    ReplyDelete
  6. just follow your your heart ^_^ say what you wanna/gotta say...before it's too late =)


    p.s. ex-convict ka???!!! lol

    belated merry Christmas...

    ReplyDelete
  7. Hahaha salamat Riza Jane!! oo I will...

    Naku maniwala ka..mamamatay tao ako... hahaha x) sana kapani-paniwala..

    ReplyDelete
  8. ^_^ naniniwala naman ako sa'yo eh...hehe kaya nga natatakot na ako sa'yo minsan...loko lang! lol "Killer"... T_T

    ReplyDelete
  9. easy easy.... pero sige lang let it out, it helps alot :)

    ReplyDelete
  10. @ Riza Jane... hahaha... parang hindi nga nakakatakot eh...salamat dami mong dalaw ah

    @ Zeb.. tama..dapat pa-easy easy lang ako eh,... hayst... hahahahah

    ReplyDelete
  11. haha! na excite kasi ako sa sagot mo - if ex-convict ka ba talaga haha! T_T

    ReplyDelete
  12. Wow hanep!
    Di ko naman masasabing wula
    akong masasabi kasi ngaun pa lang
    ang dame ko nang sinasabe...
    me masabi lang..jeje..
    Just follow ur heart teh'?,tol?
    hanggat buhay pa sya you should
    try to move on and tell him how you
    leally feel..we never know baka...(kalabaw..kambing..
    jok..)bukas u know...wag aman sana..
    u might regret it..kasi ako hanggang sa
    panaginip ko na lng nakakausap si erpatz eh...
    di kasi uso facebook sa langit..jeje

    ReplyDelete
  13. @ Riza Jane.. anong gagawin mo kung ex convict nga ako??? hahahah

    @ Lhuloy Hahahaha ma-emo sagot mo din ah.... alam ko din.. medjo iniisip ko din yun... na wag mahuli sa min lahat di ba? kaso... ayuko din hindi mag-isip ng masasabi ko... kase baka panget masabi ko... lalo lumalala ang lahat... ngunit subalit datapwat salamat sa pagdalaw mo.

    ReplyDelete

Anong meron?