|
**I've
been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I
want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing
so.
**This page right here was actually a blog post from my
late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I
never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the
past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to
publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by
the way.
|
Titigan mo yung base kung gaano parang naka-half open at naka-half close yung mata niya habang tumutugtog. Kung paano yung vocalist kumakanta na parang wala lang. Kung gaano kasarap humahataw yung nag-ddrum at ang drum stick niya. Kung gaano ka-simple pumipitik yung ulo ng gitarista habang nag-iistrum ng guitara. tas imaginine mo may crowd ng mga tao sa paligid nila na halos maputol na yung litid kaka-cheer.
Tingin ko kung nasa harapan ako ng mga 'toh habang live sila, baka nahimatay na ako, tulad ng madalas na nangyayari.
Naalala ko tuloy nung concert ng Parokya, sa sobrang tuwa (dahil 4 ft away lang sila mula sa kin) inuhog ako at nagsimula magluha. Parang yung mga adik at die na! hard pa! na mga fan ng mga koreano ngayon, super fan!! (may kapa at maskara).
Lahat ng nasa concert nung araw na yun, totoong rakista man o hindi, naka-high heels or naka-converse, naka-rugged man o nagpumilit mag-rugged, lahat sila nagjajamming, sabay-sabay na tumatalon, nagtataas ng kamay, sumasabay sa lahat ng familiar na kanta ng Parokya. Halos lahat ng school mate ko na todo make-up at pa-pretty nung gabing yun tumalon at nagjamming sa tugtuging Parokya.
At ako, nandun lang, nakatayo nilalasap ang pagtitig kay chito at vinci, naiiyak, naluluha, natutuwa, natutulak ng mga taong pumapaligid sa sakin habang tumatalon (dahil halata naman na tuwang tuwa din sila). Yung iba halos tumalsik na laway, yung iba halos di na makakanta sa kakatalon pero go pa din.
Seryoso ako, naiiyak ako at sulit na sulit sa kin yung gabi na yun (kahit na sobrang na-mamahalan ako sa presyo nung una, at kahit na hindi ako nakapagdala ng kamera). Nilasap ng malabo kong mata ang bawat sandali na nasa stage sila.
Pero hindi ako rakista, pinilit ko, pero ayaw magpumilit eh. Mukha parin akong korny at hambog. Minsan na ako nangarap ng sobrang taas na magkaroon ng sariling banda, pero naninigas na kamay ko, puro kalyo di pa rin matututo-tuto mag-guitara. Parang ang sarap kase pumitik-pitik yung ulo habang nag-guguitara. Ang sarap ihampas ng ulo sa drums imbis na drum stick. Gusto ko din... gusto ko din.. pero hanggang gusto na lang.
At dahil dito. Bibili na lang akong Xbox, at maglalaro ng Rock Band. Panakip butas sa ambisyon ko.
Maiba.
Madaming salamat nga pala sa lahat ng mga pinilit at pinagtulakan ko na maging mga bagong follower ng blog ko na sina: Veroniz, Nicaxandy, Adang, Tsina, Aubrey, Maykel, Mj, Riza Jane, Anakleto, Ayeesha, Xander, Albert, Jaydee. Lalo na sa Blogs ng Pinoy na siyang puno't dulo ng lahat. Yung mga luma ng nagfofollow sa kin, hindi ko na kayo babanggitin, pero kung gusto niyo mabanggit... ipag-bigay alam.
Kung gusto niyo ipagkalat sa buong mundo na may papansin na naghahanap ng follower, feel free to do so, alam ko naman generous kayo. At kung todo follow ka na sa kin, tapos hindi pa pala kita- finofollow back, ipag-bigay alam din.
Tandaan, automatic na yan, follow me I'll follow you back. Walang sense, pero may kaligayahan sa pagkakaroon ng follower, alam niyo yan.
suicidal na magka-follower,
hehe grabeeh pinagtulukan talagang mag follow...di naman...
ReplyDeletemaiba naman...oo agree ako, sarap kaya ng feeling may banda, mag jamming...lalo na kung mag exhibition pa!...pero okay lang 'yan may Xbox ka namn lunorin mo na lang utak mo jan...hehe ^_^
yun na nga eh..wala pang xbox... nangangarap pa lang din na sa pasko yun ang ibigay ni santa... hahahha salamat sa pagdalaw Riza Jane!
ReplyDeleteuy kasama ako dun,,, masarap talaga yung banda, ( hindi yung tumtugtog sa piyesta o patay ha) yung banda na rock n roll. gusto ko din dati m buo, pero wala hangang pangarap nalang :)
ReplyDeletekewl.
ReplyDelete@ Adang
ReplyDeleteNyay...buti ka pa nakapag-banda..... Oo...siguro naman yung hindi tumutugtog sa pyesta.... Fan din ako ng mga battle of the bands... nyeh.. wala lang uso kase dati pa...
@ Palamunin Lang..
Salamat sa pagbisita...