|
**I've
been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I
want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing
so.
**This page right here was actually a blog post from my
late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I
never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the
past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to
publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by
the way.
|
Hmmm... ever mention ko na ba na gustong gusto ko si Bob Ong, Oo, nabanggit ko na, tingnan mo DITO!! Pero alam ko naman tamad ka para bisitahin pa yang link na yan.
Nasabi ko na jan, sa link na yan, na ayuko mapabilang sa libo-libong fans ni Bob Ong, pero di ko nasabi bakit. Ayuko kase, parang hindi maka-Bob Ong ang masyadong agaw pansin, hindi maka-bobong pinoy ang masyadong hayok sa pag-popost ng mga quotes ni bob ong. Ewan ko. Nasubukan ko na din magsulat na parang si Bob Ong, pero pag may nakikita ako na nagsusulat din na parang Bob Ong, pakiramdam ko wala akong sariling paraan ng pagsusulat.
Pero totoo lang, kay Bob Ong ako nag-originate kaya nagsusulat ako ngayon. At alam ko madameng aspiring manunulat dito sa pinas ang pinanganak din sa pwetan ni Bob Ong.
Nagsimula ako sa Paboritong Libro ni Dashu, pero nang biglang nakilala ko ang seatmate ko na si Lars, jan na nagsimula ang pagkilala ko kay Roberto. (At napapansin ko napapadame ang pagbanggit ko kay Lars) Siya kase nagmulat at nagpahiram sa kin ng itim na libro. Hindi ko sinasabi dito na naintindihan ko na agad mga libro ni Roberto ah. Naging interesado lang ako kase nakakatawa.
Hanggang binasa ko na din yung mga na-unang libro niya, hanggang sa kahuli-hulihang sulat at libro niya sa ngayon, ang Kapitan Sino.
Madame ng litrato lumabas (alam na natin yan), may payat, mataba, Intsik (kase ONG daw) at may nagsasabi pa na hindi daw iisang tao si Bob Ong. Minsan iniisip ko kaya Roberto pinangalan niya sa sarili niya (o sa kanila) kase yun ang pangalan ng paboritong author niya (o nila) na si Robert Fulghum.
![]() |
| Ito ang isa sa mga Libro ni Fulghum na di sinasadyang makita sa Bulacan |
Nabasa ko lahat ng libro ni Roberto ng renta lang. Hindi ako makabili-bili kase kulang pa pera ko sa pagkaen. Pero kailan lang, nabili ko na ang ilan sa mga libro (yung isa na-nenok pa).
Dun ulit ako nagka-chance na basahin ng malinaw mga sulat niya, kahit na medjo tinamad tamad din ako sa Bakit Baliktad Magbasa ang mg Pilipino.
Hindi ko alam, pero ginawa akong mature ng mga sulat ni Roberto. Mas naging totoo, mas nabawasan pagiging plastik, mas tahimik at nabawasan pagiging palengkera, naging manunulat. Ewan. Basta. Hindi ko ma-explain. Yun na yun.
Pero totoo lang, sa lahat ng libro niya, isa lang ang hirap na hirap ako intindihin hanggang ngayon, yung libro na una kong nabasa, yun nga yun Paboritong Libro Mo.

first tme ko dito. and natuwa ako sa post na to. parang may mission lang dahil sa title. :)
ReplyDeletewow salamat ng madameng madameng madame sa pagdalaw mo... dadalawin din kita maya maya lang..!!! :)
ReplyDeletehaha pwede mo din i-try yung 30 days project kaso nakakabagot pag puro negative... hehehe.. salamat!! :)
try reading short stories from Jun Cruz Reyes :)
ReplyDeletesino si jun cruz reyes??
ReplyDeleteHanapin mo sa google yung "utos ng hari by jun cruz reyes."
ReplyDeleteMadami si Bob Ong.
nakita ko... ano toh? babasahin ko sana..kaso inaantok na ako.. baka bukas.. salamat! :)
ReplyDelete