Pages

Wednesday, December 1, 2010

Day 13: A band or artist that has gotten you through some tough times

**I've been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing so.

**This page right here was actually a blog post from my late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by the way.
Continuation pa rin ng 30 days project. At okay day 13 pa lang ako..Oh my halos 2 months na ah, di pa rin tapos? Ano bey?









Kapag malungkot ako, o naguguluhan ako, o sobrang baba ng self-esteem ko, magbubukas lang ako ng youtube at pakikinggan ko lang kahit isa sa dalawa na yan, OKAY na ko. Bago lang mga songs, kase recently lang din naman ako nag-tanga-tangahan ulit.

Yung gusto ko sa kanta ni PINK, na Raise Your Glass, kase pagkakaintindi ko sa kanya na kahit sobrang unique ka or kakaiba ka, as long na totoo ka, maniwala ka sa sarili mo. Pag nakikinig ako, feeling ko gangsta ako, na uhhmm... na kaya ko ipagyabang sarili ko.

"If you are wrong in all the right way."

Kahit na ginawa mo na lahat, pero mali ka pa din o may kulang pa din.. okay lang! At yung maging go with the flow ka lang, na i-enjoy ang life, wag masyadong mag-palubog sa problema.

"We will never be never be anything but loud!"

Tapos Fireworks ni Katy Perry. Actually gustong gusto ko si Katy Perry, isa sa mga gustong gustong gusto kong artist. Parang sobrang gusto ko minsan ipakita yung worth ko, pero parang takot. Tapos kapag naririnig ko to, basta parang nakaka-inspire, pero pag natapos na yung kanta, napapatanong ako ng, "san na nga ba ulit ako magsisimula?"

"Ignite the light and let it shine."

Nasa bawat tao, nasa akin, ang choice kung gusto ko maging someone. Ewan ko ba, mahal ko naman sarili ko, pero di ko maramdaman na mahal ko talaga sarili ko.

Okay na ako, gusto kong sabihing okay na ako sa problema ngayon. Maging masayang masayang masaya na lang palagi! Wala naman kase din nangyayari kaka-worry sa mga bagay na wala tayong control. :)


2 comments:

  1. gustong gusto ko rin ang kantang yan ni katy. (bukod pa sa gusto ko siya) hehe

    ReplyDelete
  2. ako rin... crush na crush na crush ko si katy perryyy!!! :) :) :) salamat sa pagbisita

    ReplyDelete

Anong meron?