|
**I've
been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I
want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing
so.
**This page right here was actually a blog post from my
late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I
never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the
past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to
publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by
the way.
|
Bagong panimula. Simula ngayon December 17, 2010, lilibangin ko na ang mga bumibisita sa aking blog sa bagong paraan. Matagal ko na gusto maging adventurer, at ngayon matutupad na. Gusto ko na sumubok ng mga bagong bagay. Kung ano man yun, di ko din alam. Pero ang alam ko nandyan lang yan sa tabi-tabi.
Kaya naging Road to Kill, ang title ng ma-ambisyon kong blog, dahil alam ko na madami pang bagay akong makikita, mafi-feel, ma-experience at maaaring maisulat. Ito pa rin ang taong hinalo-halo para maging KAMILKSHAKE pero mas pina-wild lang, nilagyan ng kalamansi.
Dati pa-sweet sweet pa ang blog ko, pero ngayon, sisigaw ako ng, "Let's get it on!!!" Tara, inaaya kita basahin mo ang mga kalokohan ko.
The Killer
Ako si Kamil, 20 years old, dati nakatira sa Pilipinas, nag migrate sa States at baka bumalik muli sa Pilipinas upang tapusin ang munting course ko sa CEU. Hindi ako manunulat, pero obsess ako sa pagsusulat, lalo na kung patungkol sa sarili ko.
Pero gusto ko din talaga maging manunulat at ang course at career ko ngayon ay wala sa tema ng interest ko. Kaya naman para di mabulok, mapaglumaan o amagin ang konting kaalaman ko sa pagsusulat, ito, gumawa na lang ako ng blog. Nahumaling ako sa blog simula pa noong 2007, pero nitong 2010 ko lang naisip na hindi pala masaya kapag wala naman nagbabasa ng blog mo kundi sarili mo lang.
Tara at patayin ang nagugutom mong karanasan at magbasa ng blog ko.
Kung may mga gusto ka ibahagi, dahil medjo gutom din ako, mag comment lamang dito o mag-send ng snail mail sa kamil_maykel23(at)yahoo(dot)com.


No comments:
Post a Comment
Anong meron?