|
**I've
been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I
want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing
so.
**This page right here was actually a blog post from my
late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I
never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the
past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to
publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by
the way.
|
Sa mga application sa trabaho, laging may tanong na, "Does your emotion affects your work?" At lagi ko ding sagot dun ay, DISAGREE! Pero totoo lang, konting makalabit lang ako ng kalungkutan, eto hindi na ako makapagsulat, di ko na matuloy ang activities of daily living ko.
So, isa sa mga pang-pawala ng kalungkutan ko ay yung ginagawa kong project sa kabilang blog ko. Mga ka-epalan ko, at kahit sobrang simple lang nung mga yun, feeling ko may na-aachieve ako kahit papaano.
Alam niyo yung Industry vs. Inferiority sa Erickson's stages of Psychosocial development? Fixated ako jan sa stage na yan, na dapat nalagpasan ko na noong elementary pa lang ako. Pakiramdam ko wala akong kayang gawin, pakiramdam ko wala akong kwenta. At ang solusyon sa mga ganyang bagay, kung sakaling may anak ka na ganyan, dapat mag-pagawa ka sa kanya ng mga simple task na kaya niyang abutin. Kaya ganun ang ginagawa ko sa kabilang blog.
Nagkakaroon ako ng maliit na maliit na self-esteem, napapaniwala ko sarili ko kahit papaano na meron pala akong kayang gawin, at effective naman, dahil madameng nag-rereact, at kahit alam kong epal lang yung ginawa ko, yung comment nung mga taong yun nakakatulong para ma-lift self-esteem ko.
Pangalawang sa magandang nangyayari sa buhay kong toh, eh nag-aaral na ako mag-drive. Pero automatic yung pinag-aaralan ko. Medjo mas marunong na ako kaysa nung una akong nagsimula, kaya masaya, konti pang practice.
Tingin ko yun lang, yang dalawang yan ang mga nakakatuwang pangyayari sa buhay ko.
Ang sarap sana magsulat ng ka-dramahan ko, pero alam ko naman na hindi masaya magbasa ng madrama, sabi nga, Do math, count your blessings!! Hindi lahat ng tao nasa kalagayan ko ngayon, at kung gusto ko maging masaya, ako lang din mag-dedecide na maging masaya, at hindi araw-araw pwede maging masaya, ayon sa rules and regulation ng equilibrium na mundo.

dahil jan sa isa mong project. isa ka ng youtube sensation! pak!
ReplyDeleteahahaha hindi naman masyado... teacher! Hahaha,, wanna be moymoypalaboy? ayuko hahahah
ReplyDeletei love counting my blessings pero hirap na hirap ako sa math. LOL
ReplyDeleteAlam ko!!! Ako din hirap na hirap na hirap sa math...!!
ReplyDelete